Inabot ni Damian ang kamay ko na noon ay nanlalamig. Nasa sasakyan na kami patungo sa mansion ni lolo Milo. Nang sulyapan ko siya ay magkasalubong ang kilay niya habang nakamasid sa labas. Batid kong maging siya man ay nag-aalala sa pagpunta namin doon. Hindi din niya gusto ang ideya pero ano bang magagawa namin? Hindi namin kayang suwayin ang utos ni Lolo. Kung ano man ang madaratnan namin doon ay hindi namin tiyak. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. “Don’t worry. Kasama mo ako,” bulong niya. Pilit akong ngumiti kahit pa habang papalapit kami sa mansion ay lalong tumitindi ang kaba ko. Parang may kung ano sa tiyan ko at masusuka na ako. Nang makarating na kami sa mansion ay muli niya akong sinulyapan. He gave me a reassuring look bago ako inalalayan pagbaba ng sasakyan. Humugot

