Nakatayo ngayon sa harap ko ang pinakang-puno ng pamilya. Ang tao na kinatatakotan ko noong makaharap kaya nagdesisyon akong umalis. “Lolo Milo?” halos bulong lang ang lumabas sa aking bibig. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Nag-aalangan man ay humakbang ako palapit sa pwesto niya. Totoo kayang hindi siya galit sa akin? Sinulyapan ko siya na seryoso ang mukha. Tinanguan niya ang mga kasamang tauhan na noon ko lang napansin na nakatayo pala malapit sa amin. Agad namang tumalima ang mga ito at iniwan kami sa sala. “Kumusta ka na, hija?” tanong niya habang ang mga mata ay hindi inaalis sa akin. Nakakailang iyon o marahil ay guilty lang ako? Pakiramdam ko ay muli niyang binabasa ang aking buong pagkatao. “A-Ayos lang naman po, l-lolo.” Dahil sa kaba ay hindi ko na magawang magsalit

