Chapter 54 – Her guest

2141 Words

Naririnig ko ang malakas na t***k ng aking puso habang tinatawagan ang numero na nagpakilalang si Crista. Matapos lang ang ilang ring ay sumagot din ito. “Ate Elyse.” Nakahinga ako ng maluwag nang mabosesan ang babae sa kabilang linya. Noon ko lang napansin na pigil ko pala ang hininga habang hinihintay siyang sumagot. Hindi ko maalis ang magduda kanina kung si Crista nga ba ang tumatawag. Ewan ko ba. Palagi na lang siguro akong ganito. Takot. At alam kong dahil iyon kay Dom. Wala akong ideya kung galit din ba sa akin si Crista tulad ng mommy niya. Hindi ko na rin siya nakausap pa simula noong mabunyag sa kanila ang nakaraan ko. Kaya nakapagtataka ang biglaan niyang pagtawag ngayon. “C-Crista? B-Bakit?” nag-aalangang tanong ko. “Ate, I am sorry to bother you…,” aniya. Halatang maging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD