Napansin ni Nicole ang kaibigan niyang si Julie natutulog na naman sa desk nito. Napapakamot na lamang siyang lumalapit sa kaibigan niya ngayon. Napabuntong – hininga naman siya. Tinitigan pa niya itong nahihimbing sa pagtulog. Napailing – iling na lamang siya. Anong pinagagawa kaya nito kagabi? Tanging tanong ni Nicole sa kanyang isipan. Nilagay na muna niya ang kanyang bag. “Julie.” Mahina niyang tawag rito sabay yugyog sa balikat nito. Gumalaw naman ito. “Hoy, gumising ka na nga baka maabutan ka pa ng mga kaklase nating natutulog rito.” Tinitingnan naman siya ni Julie sabay humikab at ininat pa ang kamay nito. “Nandito ka na pala, Nik.” Sabi pa nitong kinusot – kusot pa ang mata nito. “Ano ba’t nangyayari sa iyo, minsa’y natutulog ka sa classroom?” Tanong pa niyang kumunot

