Nakita ni Kevin si Kenjie ngayon sa Junior High School Department, may kasama itong isang babae na naka – uniporme, naglalakad siya patungo sa kanilang classroom noon. Huminto na muna ito saglit na kinakausap pa ang babae. Sisilipin niya sana kung sino iyon. “Hoy.” Tawag ni Jonathan sa kanya. Napansin pa nito ang gagawin niya. “Kapatid nila iyan.” Hindi pa nga siya nagtatanong ay sinagot kaagad siya nito. “Iyong sinasabi mong bunso?” tanong pa niya rito. “Yep.” Kaagad naman itong tumango. “How’s Nicole? I’m sorry that my comment yesterday was mean.” Paghihingi na lamang niya ng pasensya nito. Napatawa pa ito sa kanya matapos siyang titigan. “Wala iyon sa kanya, and she understands it, saka nakapasok naman iyon.” Napasabi pa nito. “You really surprised yesterday, hindi talaga nags

