“Dito na naman ba kayo magpupuyat?” Tanging narinig naman ni Joel noon kay Dave. Nandito sila sa work room ni Cielo, dahil malapit na nga ang pasahan ng publication noon, kailangan na rin nilang mag – finalize nito. “Yes, sorry for intrusion.” Tanging sagot na lamang ni Joel kay Dave noon. “Nah, it’s okay, just tell me if you need my help.” Tanging sabi pa nito sa kanila. “Thank you for that, Dave.” Tanging sabi naman ni Dennis noon. “Sige maiwan ko na kayo.” Paalam nito sa kanila. Tahimik lang silang ginagawa ang dapat nilang gawin noon. Isa pa’y kasama rin niya ang pinsan niyang si Raymond, sinama na niya para may katulong siya. Kailangan ko ring bumawi kay Nicky, naiintindihan niya ako. Napabuntong – hininga na lamang siya. Nakita niya si Cielo na tahimik ding may tinitingnan sa

