“Hey, good morning.” Tanging rinig ni Nicole noon, kaya napalingon na lamang siya. Ngumiti lang siya rito. “Good morning.” Tanging bati niya kay Joel. “Is your brother being early today?” Tanong pa nito sa kanya matapos nitong guluhin ang buhok niya. “Ah, oo, may aasikasuhin daw siya ngayon, kaya maaga. Hindi ka ba pupunta roon?” Tanong naman niya rito. “Nope, not on my officer’s duty today, but, marami akong gagawin.” Napabuntong – hininga naman ito. May dala – dala itong laptop ngayon. “Ah, ngayon ba iyong sinasabi mo’ng may i- s – submit ka ulit for publication?” Tanong pa niya rito. Tumango lang ito sa kanya. Naalala niya bigla na abala ito noon. “Joel, sabihin mo lang sa akin kapag gusto mo’ng mag – focus ah.” Ngumiti pa siya noon. “Silly, it’s okay Nicky.” Ngumiti pa ito sa ka

