IX

1261 Words
“Good morning, Julie!” Masayang bati ni Nicole nang makaabot siya sa paaralan. Ngumiti lang ito sa kanya. “Good morning, Nicole.” Pabalik pa nitong bati sa kanya. Dali – dali naman niyang nilagay ang bag niya. Hinarap niya si Julie. “Oy, samahan mo ako mamaya – maya sa after lunch.” Sabi pa niya rito. “Saan tayo pupunta?” Tanong naman nito sa kanya. Yumukod naman siya para walang makarinig sa kanilang pag – uusap noon. Nahihiya kasi siya sa sasabihin niya. “Ano, di ba may mga club rito?” Tanong naman niya. “Club?” nag – isip naman ang kasama niya. “Ah, oo mayroon.” Tiningnan pa siya nang matamang tingin. “May sasalihan ka rito?” Tanong naman nito sa kanya. Tumango na lamang siya sa katanungan nito sa kanya. “Pero, titingin lang ako, pag – iisipan ko pa kung mag – audition ako.” Napasabi pa niya rito. Tumango – tango naman ito sa kanya na napatitig pa sa kanya. “Bakit pabulong? Sekreto ba ito?” Tanong pa nito sa kanya. “Mukha nga.” Napasabi pa niya rito. “Iyong mga kaklase natin, mukhang kasali sila sa isang grupo rito, nakita ko kasi sila noon na kasama ang kapatid ko.” Napasabi pa niya rito. “Ha? Saan ba balak mong mag – audition?” Tanong naman nito. “Sa Troupe Dance, nandoon rin ang kuya ko.” Pabulong niya. “Troupe Dance? Mukhang open for audition pa nga sila, minsan napapadaan kasi ako roon.” Sabi pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya rito. “Bakit nga sekreto? Di alam ng kapatid mo?” Tanong naman nito sa kanya. Tumango naman siya. “Kasi isa sa mga judge ang kapatid ko.” Napasabi na lamang niya. Napatango na lamang ito sa kanya. “Goodluck, samahan kita roon after lunch.” Tanong pa nito sa kanya. “Di pa ako mag – audition oy.” Napasabi na lamang niya rito. Tumango na lamang ito sa kanya. Nilibot naman niya ang paningin niya matapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin sa kaharap niya. May nasalubong siyang tingin na lalaki. Isa sa mga members sa troupe dance. Nakalimutan ko na anong pangalan niya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon. Mahilig na siyang sumayaw, at isa sa mga hinahangaan niya ay ang kapatid niyang lalaki. Isa pa’y kaya gusto niyang makasali dahil marami siyang matutunan sa troupe na sasalihan niya, alam niyang hindi madali iyon sa parte niya. Kaya nililihim ko kay kuya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. “If I’m right, kapatid ka ni Jonathan Villa, hindi ba?” Tanong pa nito sa kanya. Napatingin naman siya kung sinong nagtanong sa kanya noon. Ah, naalala ko na pala ang pangalan niya, si Joel. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Mahinang tango na lamang ang kanyang isinagot. “Oh, I remember her, is she related to that girl? Nasaan siya?” Tanong pa ng isang kaklase niya. Si Melissa ang tinutukoy nito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Hindi naman siya makasagot, dahil ang alam lang niya’y pinoproseso pa nito ang mga dapat kailangan bago makalipat dito. “Are you planning to audition?” Tanong pa nito sa kanya. “H—hindi ko alam.” Napasabi na lamang niya noon. Hindi na ito nagtanong sa kanya. Napabuntong – hininga na rin siya nang lumayo ito sa kanya. “Goodluck if you’re going to audition.” Ngumiti pa si Raymond sa kanya. Siniko na lamang siya ni Julie. “Ano iyon? Kilala mo ang mga iyon?” tanong na lamang nito sa kanya. Dali – dali naman siyang umiling. “Sinama kasi ako ng kapatid ko rito noon, saka, nanonood lang ako, kaya nakilala nila ako.” Paliwanag naman niya rito. Napatango na lamang ito sa kanya. “May masungit doon.” Pabulong pa nito sa kanya. “Iyong Cielo, masungit talaga iyon.” Dagdag pa nito sa kanya. “Gagi ka talaga.” Napatawa na lamang siya nang mahina sa pinagsasabi ng kaibigan niya ngayon. XXX “Wala pa siyang club nasalihan hindi ba?” Tanong naman ni Raymond kay Cielo na ang tinutukoy ay ang kababata niya. “Ewan, siguro wala.” Napasabi na lamang niya na nakatingin sa phone niya. “Hindi ba niya alam na makatutulong ang pagsali ng club if she wants to become an achiever here?” Napatanong na lamang nito sa kanya. “It’s none of my business, nandoon naman iyon sa guidebook.” Tanging sagot na lamang niya sa katanungan nito. “You’re so cold, kababata mo siya hindi ba?” Tanong naman ni Raymond sa kanya. “I don’t know, malapit lang ang pamilya niya sa pamilya namin, wala naman akong masyadong alaala sa kanya.” Sabi naman niya. “Really? Walang alaala o nakalimutan ng utak mo?” Tanong pa nito sa kanya. Napabuntong – hininga na lamang siya. “Darating na next week ang pinsan mo hindi ba?” Tanong naman ni Joel sa kanya. “Yeah.” Sagot naman nito sa kanya. “They know already, right?” tanong naman nito sa kanya. “Yeah, my concern is to that Jason.” Napabuntong – hininga na lamang siya noon. “Because he really loves that girl, do you believe in reincarnation?” Tanong pa ni Raymond sa kanya. “No.” sabi na lamang niya. “Yeah, they really look alike, but, hindi pa rin siya ang totoong kilala natin noon.” Napatitig na lamang siya sa gawi nilang Julie. Tahimik lang itong nakaupo, at nakikinig sa kwento ng bago nilang kaklase at tumatawa naman ito paminsan – minsan. I really can’t believe it. Napasabi na lamang sa kanyang isipan at napailing – iling na lamang. Napatingin naman ito sa kanya, kumunot naman ang noo nito. Binawi naman niya ito kaagad. Isang buwan na niya itong kaklase, ngunit, hindi man lamang ito marunong ngumiti, tahimik lang ito palagi sa upuan at kakwentuhan si Kelly, hindi rin niya ito nakikitang sumasali sa club ng school nila. Ngayon lang ito masayang tumatawa at ngumingiti nang lumipat si Nicole Villa sa paaralan nila, kilala niya rin ang kapatid nitong lalaki. Tantiya niya’y mahilig rin itong sumayaw, dinadala ito paminsan – minsan ni Jonathan ito, minsa’y nanonood ito ng practice. Naulinagan na lang niya ang boses ng kanilang guro, kaya nama’y dali – dali niyang inilagay ang phone niya sa kanyang bag. Napansin pa niya noong nag – recess na sila’y kasama nito si Nicole, at pinuntahan pa nito si Kelly, hindi na niya pinansin pa ang pangyayari noon. Lunchbreak, agad siyang pumunta na muna sa faculty room ng kagaya niyang officers, kailangan nilang maglaan ng oras, dahil din sa gawain nila bilang organisasyon sa kanilang paaralan. Nandoon na rin ang kasamahan niya. Napapabuntong – hininga na lang siya palagi kapag marami silang gagawin. “Pres, mauna na muna po ako.” “So formal, Cielo.” Napasabi pa ni Chris at napatawa na lamang sa kanya. Hindi siya sumagot, lumabas kaagad siya sa faculty room, pabalik na sana siya ng kanilang classroom nang mahagip ng kanyang paningin ang dalawa niyang kaklase. Hindi naman kasi kalayuan ang bawat club na nandoon sa faculty room for officers. Masaya pa nitong sinilip – silip ang bawat club na nandoon. She’s interested in troupe dance. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Hinayaan na lamang niya ang dalawa. Nakarating na siya sa classroom, at maya – maya pa’y nakaabot pa ang dalawa, dahil ilang minuto’y magsisimula na rin ang kanilang klase sa hapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD