“Nicole.” Tawag ng kanyang kapatid sa kanya.
Hindi na lamang sumagot si Nicole na tinitigan ang kanyang kapatid. Nakasoot na siya ng uniporme, kasi late siyang nag – enrol dahil sa proseso na hinabol ng kanyang ina para makalipat siya sa paaralan ng kanyang kapatid.
Ginulo na lamang nito ang kanyang buhok at hinalikan siya sa noo. Nasa sasakyan sila at patungo na rin sila sa bagong paaralan kung saan makilala na naman siya ng mga bagong taong darating sa buhay niya.
Pinigilan niya ang panginginig ng kanyang palad, dahil kinakabahan siya sa bagong makikilala niya.
Paano kapag wala akong nahanap na kaibigan sa classroom? Matatanggap ba nila ako? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
“Dito na tayo, Nicky.” Tawag naman nito sa kanya.
Pinagmasdan niya ang kaanyuan ng paaralan. Napalunok na lamang siya, nanginig tuloy ang tuhod niya at ayaw niyang bumaba sa sasakyan.
“Come on.” Sabi pa ng kanyang kapatid. Sinunod naman niya ito bumuga na muna siya ng hangin.
Kaagad naman silang naglakad na magkapatid, napansin niya ngang kilala rin ang kapatid niyang lalaki.
“Kuya, ang laki naman ng school na ito, hindi ba ako maliligaw rito?” Tanong naman niya.
Napansin niyang mahina itong napatawa at ginulo ang buhok niya.
Nasalubong nila si Kelly na nagmamadali, takbo – lakad ang ginagawa nito.
“Hoy, saan ka pupunta?” Tanong naman ng kanyang kapatid.
“Ah, Jonathan, nakaalis na ba si Manong?” Humihingal pa ito.
“Oo bakit?” Tanong pa nito sa babaeng kaharap ng kapatid niya.
“Iyong assignment ko.”
Napabuntong – hininga pa ang kapatid niya.
“You really hopeless, brat.” May kinuha si Jonathan sa bag at binigay kay Kelly. “Here, you can copy it. Sabihin mo na lang sa teacher natin na naiwan ang notebook mo.”
“Nandito naman iyong notebook ko e, iyong solution nandoon.”
“You can borrow it.”
“Thanks!”
Napatitig pa sa kanya si Kelly. “Papasok na pala si Nick – Nick ngayon.” Inaasar na naman siya nito.
“Anong Nick-Nick?” Napataas pa ang kanyang kilay.
“Niknik ka naman talaga.”
“Tigilan na ninyo iyan, bumalik ka na sa classroom, Kelly at huwag ka ng mang – asar.”
“Bye.”
Dali – dali naman itong umalis.
“Nagbago na yata ng templa si ate ngayon.” Napansin naman niya ang pagbabago nito ngayon.
“Talaga?” Tanong naman nito sa kanya. Napatango na lamang siya.
“Ihatid na kita sa faculty.” Iyon na lamang ang narinig niya sa kanyang kapatid.
Tumango na lamang siya, pinakilala pa siya sa magiging bagong adviser niya noon. Iniwan na rin siya ng kanyang kapatid na lalaki sa faculty.
Kasabay ni Nicole ngayon ang adviser niya patungong sa classroom. Kinakabahan pa siya na pinakilala niya ang kanyang sarili.
“Jane Nicole Villa.” Napalunok na lamang siya. “Nice to meet you all.” Dagdag niya noon. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya dahil sa maraming mga mata ang nakatingin sa kanya.
May nahagip siyang isang tingin ng isang babae na nakaupo malapit sa bintana noon. Tahimik lang siyang tinitigan noon. Nagulat pa siya dahil pinaupo siya sa babaeng nakasalubong niya ng tingin.
Napalunok na lamang siya. Ayaw niyang magsalita dahil sa awra nito.
“Hi.” Iyon lang ang tangi niyang bati sa katabi niya.
Nabigla pa ito sa ginawa niya. Napatitig siya sa mukha nito.
Pamilyar siya sa akin. Napakunot naman ang kanyang noo noon.
Ah! Oo sa camping! Sigaw sa kanyang isipan.
“Parang nagkita na tayo noon sa camping, iyong batang nasabihan kang si Pop Princess?” Tanong na lamang niya rito.
Kamukha niya talaga si Pop Princess. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
“Ah, mukha nga, Julie – Julie pangalan ko, h – hindi ako si Pop Princess.” Sabi pa nito sa kanya.
“Nice to meet you, Julie.” Ngumiti pa siya rito.
“Nice to meet you, Nicole.” Sabi pa nito sa kanya.
Mabait naman siya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Hay, sana magiging kaibigan ko siya. Nagsimula na rin ang klase noon.
XXX
Napabuntong – hininga na lang si Julie sa kanyang bagong kakilala ngayon. Ngumiti lang ito sa kanya. Tipid na ngiti lang ang kanyang iginanti nito.
Nag – focus na rin siya sa pakikinig ng kanilang guro. Tumunog na ang bell at tanda na mag – r -recess na sila.
“Julie.” Tawag naman ng kanyang bagong kaklase.
Napakamot na lamang ito ng ulo bago magsalita, tila nahihiya pa ito dahil kababago lang nito.
“Ano iyon?” Tanging tanong na lamang niya.
“M – Mag r – recess ka?” Tanong pa nito sa kanya.
Tumango na lamang siya sa katanungan nito.
“Pwede ba’ng sumama sa iyo?” Tanong naman nito sa kanya.
Tumango na lamang siya at ngumiti, nakita niya ang mukha nitong nakahinga pa. Mahina lang siyang napatawa noon.
Nagsabay na silang maglakad, patungong canteen.
Kinuha ni Julie ang phone niya, may isang message siyang na receive, kaya kaagad niya itong binasa.
Hindi pala makakapunta si Kelly ngayon, baka abala lang. Napasabi na lamang sa kanyang isipan matapos basahin ang message na natanggap sa kanyang phone.
Sayang naman, ipakilala ko siya kay Nicole. Baka bukas nandito na siya.
“Julie.” Tawag pa nito sa kanya.
Napatingin na lamang siya sa kanyang kasama.
“Ang mahal naman ng mga pagkain rito, may alam ka bang nakatitipid?” Tanong pa nito sa kanya.
Napatawa na lamang siya.
“May alam akong makakatipid ka ng allowance, halika.” Hinila pa niya ang kamay nito.
Parang makakasundo ko ito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na lihim niyang ikinatuwa.
“Yay! Makatitipid talaga ako nito.” napasabi na lamang nito sa kanya.
“Sabi ko sa iyo.” Napatawa pa si Julie na masayang kinakain ang binibili niya ngayon.
“Saan ka pala nag – aaral?” Tanong pa nito sa kanya. “Dito ka ba nag – aaral?” Dagdag nitong tanong sa kanya.
Napatawa naman siya nang mahina. “Kagaya mo rin akong transferee.” Sagot naman niya.
“Talaga? Kailan lang?” Tanong pa nito sa kanya.
“Ah, mga isang buwan na rin.”
Napatitig pa ito sa kanya. “Matagal na pala, pansin kong wala kang masyadong kasama.” Palinga – linga pa ito sa paligid.
Napakamot na lamang siya noon. “Hindi ko rin alam.” Napasabi na lamang niya. “Ah! May kaibigan naman ako, pero, wala siya ngayon.” napasabi na lamang ni Julie.
“Talaga? Kaklase natin?”
“Wala akong kaibigan na kaklase natin.” Sabi pa niya at napakamot na lamang at sinipsip ang juice na binili niya.
Nakita pa niya ang reaksyon nito. “Ako ang una mong naging kaibigan, kahit one month ka na rito na naging kaklase mo?” Tanong pa nito sa kanya.
“Mukhang ganoon na nga.”
Napatawa naman ito sa kanya. “Magiging proud na ba ako?” tanong pa nito sa kanya.
Nahawa na rin siya sa tawa nito kaya naman napatawa na rin siya.
“Ipakilala kita sa kaibigan ko, Grade Ten nga lang.”
“Grabe ka, wala kang kaibigan sa seksyon natin, tapos may kaibigan ka sa grade ten.” Pailing – iling pa ito.
“Ewan ko rin.” Sabi pa niya rito.
“Masasama ba ugali ng kaklase natin?” Tanong nito ulit sa kanya.
“Hindi naman, hindi ko alam baka hindi lang ako tanggap sa circle of friends na magiging standard nila.”
“Saan ka pala nag – aaral noon?”
Napapangiti na lamang siya kay Nicole. Napakarami nitong katanungan sa kanya.
“Public school.”
“Talaga?!” tanong pa nitong namangha sa kanya. “Public school din ako.” Napatawa pa ito sa kanya.
“Nasa North kasi ako nag – aaral noong nasa public school ako.”
“Oh, ako naman nasa South.” Sabi pa nito sa kanya.
“Hindi ko inaasahan ito ah.” Ngumiti pa ito sa kanya.
“Ako rin.” Napatawa na lamang siya.
Narinig na nila ang bell at hudyat na kailangan na nilang bumalik sa classroom nila. Masaya naman siya na may kaibigan na rin siyang makakasama niya.
Ipapakilala ko siya kay Kelly. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.