“Julie.” Tawag ni Chris sa kanyang kapatid. Nabalitaan niya ang nangyari sa kanyang kapatid at kay Dave.
“Kuya.” Napasabi naman nito na hinarap siya, nasa kwarto ito ngayon, nakaharap ito sa mga homework nito.
Napabuntong – hininga siya. “Nabalitaan ko nangyari kanina nang wala ako.” Napasabi na lamang niya.
Tumango naman ito sa kanya.
“Kuya, hindi ko po talaga iyon sinadya.” Sabi pa nito sa kanya.
Tumango na lamang siya. “Alam ko, are you okay?” Tanong na lamang niya rito.
“Y – Yes po.” Sabi na lamang nito sa kanya at tumango.
Ginulo na lamang niya ang buhok ng kanyang kapatid noon.
“Dito na ako.” Sabi na lamang niya, ayaw niyang disturbuhin ang kapatid niya sa pag – aaral. Tumango na lamang ito sa kanya.
Umaga, kaagad siyang sinalubong ni Dave.
“Hey, Chris, good morning.” Sabi naman nito sa kanya.
Ngumiti na lamang siya. “Yeah, good morning.” Napasabi na lamang niya.
“Haa, buti nakatimpi ako kahapon at di ko nasigawan ang kapatid mo.” Napailing – iling pa ito ngayon habang nagkwento sa kanya.
Mahina lang siyang napatawa sa kaibigan niya, tinapik na lamang niya.
“Alam ko na kung sinong nagkwento sa iyo, iyong kasintahan mo talaga.” Napailing – iling pa ito.
“Don’t worry, naintindihan naman kita.” Sabi na lamang niya rito.
“Ipakilala kita sa kanya, ulit?” Tanong na lamang niya rito.
“Yeah, sure, palagi ko na siyang makakasalamuha, dahil dito na siya nag – aaral.” Napasabi naman nito sa kanya.
Tumango na lamang siya noon.
“Your sister, she really looks like, Crisha.” Komento naman ng kanyang kaibigan.
“Yeah.” Tanging sagot na lamang niya.
“And you really like Crisha before.”
Hindi na siya nagsalita pa noon. Napabuntong – hininga na lamang siya. He’s big mistake is to compare her youngest sister sa ibang tao.
Kaya, lumayo ito sa kanya na hindi niya namamalayan, until he doesn’t know how to fix his problem sa kapatid niyang babae.
Napapansin iyon ng kanyang ama, his father is the one always to support him, to fix his issues sa kapatid niyang babae,
How should I fix this now? Naguguluhan pa rin siya paano niya aayosin iyon. He wants Julie to get closer to him.
Ah, but how? Napatanong na lamang niya at napabuntong – hininga.
Bigla siyang tinapik ni Dave. “Mamaya.” Napasabi na lamang sa kanyang kasama.
“Yeah.” Ngumiti na lamang siya.
Narinig na nilang mag – bell para sa recess. Napansin naman niya kaagad lumabas si Kelly na halatang masaya na naman. Pero, bago ito makalabas nang tuluyan ay hinila pa ito ni Jonathan.
“Samahan mo muna ako.” Sabi pa ni Jonathan.
“Malaki ka na nagpapasama ka pa, magpasama ka sa kasintahan mo.” Inirapan pa ito.
“Itikom mo na lang iyang bibig mo.” Sabay hila ni Jonathan, hindi na nga ito nakapalag, nakita niyang nakabusangot ito na sinundan si Jonathan.
“Tara?” Yaya naman niya kay Dave.
Tumango naman ito sa kanya.
XXX
Nasaan kaya si Kelly? Napatanong na lamang sa kanyang isipan, habang nililibot niya ang kanyang paningin sa canteen.
Napabuntong – hininga na lamang siya.
Magpapaturo sana ako sa kanya ng Math subject ko ngayon. Nagmukmuk naman siya na tiningnan ang activity notebook niya sa Math.
Kung tama ba itong sagot ko. Hay! Nahihiya kasi akong disturbuhin si kuya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Siya lang ngayong nag – iisang nakaupo, sinubukan niyang balikan ang activity niya kung tama na ang solusyon na ginamit niya.
Bakit ba kasi naimbento itong Math subject e. Napapakamot na lamang siya.
“What’s that long face, Julie?” Nagulat naman siya sa katanungan na nanggaling sa likod niya.
Napatingin naman siya kaagad. Tumambad kaagad sa kanya ang pagmumukha ng kapatid niya.
“Para ka na namang nakakita ng multo.” Napabuntong – hininga pa ito.
“Sino ba kasing hindi magugulat sa pinagagawa mo, kuya?” Tanong naman niya rito.
Sinundan niya ang tingin ni Chris, nakalimutan pala niyang gumagawa siya ng assignment sa math, tinago naman niya ito.
Nakakahiya kapag nalaman niyang hindi ako sure sa isasagot ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
“By the way, may ipapakilala ako sa iyo, to make another friend.” Napasabi pa nito sa kanya.
Napakunot naman ang kanyang noo noon. Ngayon niya lamang napansin ni Julie na may kasama ito, tahimik lang itong pinagmamasdan siya.
Napasinghap naman siya.
Siya iyong vice president na nabagsakan ko ng juice kahapon, di ba? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Papagalitan yata ako ni kuya nito.
“Julie, I know you met him yesterday in uncomfortable way, right?” Tanong pa nito sa kanya.
Mahina lang siyang napatango.
“He’s Dave Villanueva our vice – president sa school.” Pakilala naman nito sa kanya.
Villanueva? Napatanong pa sa kanyang isipan.
“K – Kapatid mo po iyong masungit na lalaking iyon?” Napatanong na lamang niya.
“Julie.” Sita naman ng kanyang kapatid noon.
Mahina lang itong napatawa. “Yeah, he’s, my brother.” Sagot naman nito sa kanya.
Napatango na lamang siya. Alam niyang family – friend nito ang magulang niya.
“Nice to meet you, again, Julie.” Inilahad pa ang kamay nito sa kanya.
“N – Nice to meet you po.” Tinanggap naman niya ang kamay nitong nakalahad sa kanya.
“Oh.” Narinig naman niya sa likuran niya, kaya naman napalingon siya, at nakita niya kaagad ang mukha nito na si Cielo.
“Magkaugali ba sila?” Mahina niyang tanong na mismong narinig ng kanyang kapatid.
May natanggap siyang mahinang batok sa kapatid niya iyon pala ang activity notebook niya.
“Don’t say anything.” Napabuntong – hininga na lamang ang kapatid niyang lalaki sa kanya.
“Babalik na po ako sa classroom.” Napasabi na lamang niya.
Dire – diretso siyang naglakad, patapos na rin kasi ang time ng recess.
Putakte! Nakalimutan ko ang activity notebook ko sa kapatid ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan nang maalala niyang may dala – dala pala siyang notebook. Nakaramdam kasi siya ng hiya, kaya inisip na lamang niyang pumunta sa klasrum nila.
Papalabas na sana siya nang masalubong niya si Cielo.
“Navares.” Tawag nito sa kanya.
Napalingon naman siya noon, pinakita nito ang activity notebook niya.
“Binigay ng kapatid mo.” Kaagad naman nitong inabot sa kanya.
“Thank you.” Napasabi na lamang niya.
“Ah, may oras pa naman, wrong ang answer mo sa number three.” Sabi pa nito na lumakad papaalis na ito at bumalik sa upuan.
Tiningnan niya ito? napatanong pa sa kanyang isipan.
Bumalik na rin siya sa upuan at tiningnan ang answer niya sa number three.
Ito iyong number na hindi ako sure. Napakamot na lamang siya.
Kahit anong piga ng kanyang isipan ay wala pa rin siyang magawa.
Tanggapin mo na lang Julie na may wrong ka. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Hindi ko po kasi gets. Napabuga na lamang siya ng hangin.
Nang mag – check na sila, talagang wrong ang sagot niya sa number three.
Napunta ang notebook niya kay Cielo noon.
“Hindi mo binago ang sagot mo.”
“Hindi ko rin kasi alam saan ang mali.” Napakamot na lamang siya.
Hindi na ito nagsalita matapos isauli ang notebook niya. Binuklat naman niya ang activity notebook, nagulat pa siya na isinulat ni Cielo ang tamang solution sa notebook niya.
Ganoon lang pala iyon? Naunawaan naman niya ito kaagad.
Hindi ko na kalilimutan. Napaupo na lamang siya sa upuan niya noon.
Tinutupad pa rin niya ang promise niya sa kanyang ina na magiging top five siya.
Maraming matatalino rito. Kakayanin ba ng utak mo, Julie? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Kakayanin natin. Napasabi na lamang niya.