V

1539 Words
Napansin ni Chris na nakasuot na ito ng uniporme ngayong umaga, nagpapasalamat naman siyang natapos ang pagtahi ng uniporme nito bago ang opisyal na magsoot sila ng uniporme sa paaralan na kung saan pumapasok ang kanyang kapatid ngayon. Well, not bad. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, habang kinikilatis niya ng tingin ang kapatid niya ngayon sa kanilang hapag. “Ganda naman ng anak ko.” Tanging narinig niya sa kanyang ina. Napakamot pa ito sa ulo, napansin siguro nito ang tinging pinupukol niya. Hindi lang ito nagsalita at kumuha na rin ng pagkain. He always observe his sister in school. Masyado na nga itong napapalapit sa isang kaklase niyang si Kelly. Napabuntong – hininga na lamang siya. Well, wala naman akong magagawa if she’s happy to her found new friend in school. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan. “Dalian mo na riyan.” Tanging napasabi na lamang niya sa kanyang kapatid. Tumayo naman kaagad si Chris. Tumango na lamang rin at tumayo. “Mom, we need to go.” “Yeah, mag – ingat kayo.” Tanging sabi ng kanyang ina noon na ngumiti lang sa kanilang magkakapatid. Kaagad naman silang nagtungo sa sasakyan, kung saan nag – aantay ang driver nila ngayon na siyang maghahatid sa kanila sa paaralan. “Kuya, kaklase mo si Kelly, hindi ba?” Tanging tanong naman nito sa kanya. Napatingin na lamang siya sa kanyang kapatid. Tanging tango na lamang ang kanyang sinagot. “M – May kaibigan ba siya sa classroom?” Nag – uusisa naman ito sa kanya. Paano ko ba siya sasagutin? Kelly is a victim of bullying also. Napasabi na lamang niya. “Mayroon, si Jonathan.” Tanging napasabi na lamang niya. “Jonathan?” Nag – isip naman ito, nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “Hindi ba iyong si Kevin?” Tanong pa nito sa kanya. “Naalala mo pa talaga ang ang nasasalamuha mo noong dumalaw ka sa camp, na kung saan muntik ka ng mabuking ng maliit niyang pinsan.” Napasabi na lamang niya noon. Hindi naman ito nagsalita kaagad, napakamot pa ito. “They’re not that close.” Sagot naman niya sa katanungan. Napatango pa ito at nag – isip. “Crush niya si Kevin hindi ba?” mahina pa nitong tanong, narinig niya ito. Napatingin na lamang ang kanyang kapatid sa kanya. “Wala po kuya.” Napasabi pa nito sa kanya. Napailing – iling na lamang siya sa reaksyon nito. Alam naman niyang may lihim na namamagitan kina Kelly at Kevin. Naikwento iyon ni Kelly sa kapatid ko? Napatanong pa sa kanyang isipan. Hindi na ito nangulit sa kanya, kaya naman naging tahimik ang kanilang pagbyahe patungo sa kanilang paaralan. Natanaw naman niya kaagad ang paaralan. Kaagad naman silang nanaog. Nakasunod lang ito sa kanya. “Hey, good morning, Chris.” Bati ni Kevin sa kanya. “Yeah, good morning.” Napasabi na lamang niya rito. “Oh, hi Julie.” Bati pa nito sa kanyang kapatid. “H—Hello.” Tanging narinig pa niyang sabi kay Julie. “Talas ng memorya mo no?” Tanong pa niya sa kanyang kasama. Tumawa lang ito. “Kuya, mauuna na po ako.” Hindi nito inantay ang sagot niya at nagpatiuna itong maglakad sa kanya. “Julie!” may tumawag sa pangalan ng kapatid niya. “Ah, good morning pres.” Bati naman sa kanya, napansin niyang si Kelly iyon. “Hey, Kelly, di mo ba ako babatiin?” Pang – aasar na naman ng kanyang kasama. Nilingon naman si Kevin at tinaasan lang ng kilay at inirapan. Mahina lang napatawa ang mukong. “Ang hilig mo talagang mang – asar kay Santibañez.” Napailing – iling na lamang siya. Nakita pa niyang inakbayan ni Kelly ang kapatid niya at masaya pa itong nagkwentuhan sa hallway, isa pa’y hawak – hawak naman nito ang isang libro. “Hay!” Tanging narinig niyang bumuntong – hininga. Napatitig na lamang siya kay Jonathan. “Problema mo?” Tanong pa ni Kevin, nakikinig na lamang siya sa pag – uusap ng dalawa. “Ah, inaantok ako.” Napasabi na lamang nito at nag – unat pa ng kamay. Nawala na sa kanyang paningin ang dalawang babae. Malapit na rin naman silang makarating sa classroom nila noon. Kaagad niyang nakitang nakaupo si Kelly at masaya na namang nagbabasa sa libro nito. “Morning.” Binatukan pa ito ni Jonathan. “Problema mo ngayon?” Napasabi pa nito. “Wala.” “Gago.” Inirapan pa ito. Napailing – iling na lamang siya at umupo na rin sa proper seat niya. XXX Ang saya palang may kaibigan! May kasabay ka sa pagpasok. Napasabi pa ni Kelly sa kanyang sarili na tahimik na nakaupo at tinatago ang galak na nararamdaman niya ngayon. Ah, napansin ko si pres kanina. Tiningnan pa niya si Chris na tahimik lang na nakikinig sa mga kwento ng kasama nito. Baka lang nagkataon ano? Narinig kong may kapatid siyang babae noong nasa camp, isa pa’y kaedaran din nilang Nicole at Melissa. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napabuntong – hininga na lamang si Kelly noon. Lilipat na pala ang kapatid ko rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Inaayos pa ng kanyang ama ang paglipat ng kapatid niyang babae rito sa kanilang paaralan. Nag – aalala ako. “—Nakikinig ka ba?” Tanging naulinagan niyang boses. Kaya nama’y nilingon na lamang niya kung sinong kumakausap sa kanya. Nagpalamon na naman siya ng kanyang inisip. Napatitig na lamang siya. Napabuntong – hininga na lamang siya. “Ano ba’ng kailangan mo sa akin ngayon, Claire?” Napatanong na lamang niya sa kanyang kaharap. Tinaasan lamang siya ng kilay, sabay napailing, kasama nito si Vanissa na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nagsisisi siya kung bakit masyado siyang nagpapaniwala nito. “Do you think you’re an angel now?” Tanong nito sa kanya. Napakunot na lamang ang kanyang noo sa pinagsasabi nito ngayon. “Sinabi ko ba’ng anghel ako?” Tanong pa niya. Nag – smirk pa ito sa kanya. “Marami kang binully, Kelly you still a b***h. Do you think people will trust you? You’re just a two – faced bitch.” Napabuntong – hininga na lamang siya. Nangako na siya sa kanyang kapatid na lalaki na hindi na niya papatulan ang naging kaibigan niya noon, until she moving -up sa Junior High School. “Yeah, yeah, whatever.” Napasabi na lamang niya. “Tapos na kayo?” Tanong pa niya na tinaasan rin niya ng kilay ang mga kaharap niya. “You—” “Go back to your seat.” May narinig silang boses noon, siya rin nama’y napalingon. Nakatingin na si Chris sa kanila at nagbabanta ang tingin nito. “May araw ka rin sa amin.” Dali – dali itong bumalik sa proper seat nito. Napabuntong – hininga na lamang siya. May matang nakatingin sa kanya, napabaling naman siya, nasalubong niya ang tingin ni Melody na nag – aalala sa kanya. Kaagad niyang binawi ang tingin niya. Pumasok na rin ang kanilang guro noon, sinisipatan pa rin siya nilang Claire, hinayaan na lamang niya ito sa pinagagawa. Nag – aalala ako kay Melissa, baka madamay siya sa gulong napasukan ko. Napabuntong – hininga na lamang siya. Nakinig na rin si Kelly sa klase, kailangan niyang magsikap na mag – aral, dahil, para rin naman iyon sa kanyang sarili. Excited siya palaging makita si Julie tuwing recess time. May kakwentuhan na naman siya sa mga nababasa niyang aklat. Nang nag – recess na ay agad niyang inihanda ang kanyang pitaka at aalis na rin siya. “Hoy.” Kilala niya ang tumawag sa kanya. “Ano?” Binalingan naman niya si Jonathan. Nilapitan pa siya nito. “Hoy, tinagusan ka, gaga.” Pabulong pa nitong sabi sa kanya. Nabigla na lamang siya. “Huwag kang mag – aalala ako lang nakapansin, isuot mo na iyang hood – jacket mo.” Napabuntong – hininga pa ito. Dali – dali naman niyang sinuot ang hood niya. “O—Okay na?” Tanong naman niya. “Oo, okay na, you need to change clothes, umuwi ka na lang mamayang lunch.” Payo pa nito. Tumango na lamang siya nito. “Go on now, naghahantay ang friend mo di ba?” Tanong pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. Dali – dali naman siyang lumabas, patungo kaagad siya kay Julie. Walang namamagitan sa kanila ni Jonathan, isa pa’y may kasintahan ito, magkababata lang sila at isa pa’y pinsan niyang buo si Jonathan. Walang nakakaalam sa kanyang mga kaklase na pinsan niya si Jonathan, kaya ganoon palagi ang approach nito sa kanya. Nakita niya kaagad si Julie. Kumaway lang ito sa kanya. Nang makalapit na siya. “Masama ba pakiramdam mo?” Tanong pa nito sa kanya. Napatawa na lamang siya nang mahina at umiling. “Natagusan ako.” Pabulong na lamang niya rito. “Samahan na kita sa cr.” Sabi pa nito sa kanya. “Mamaya na kakain lang ako.” Napatawa pa siya. Napailing – iling na lamang ito. “Ikaw bahala.” Ngumiti lang ito sa kanya. She really reminds me of someone I know. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na napatitig siya sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD