“Melissa, wala kami ngayon, kasi ngayon iyong contest na sinalihan namin.” Tanging napasabi na lamang niya ngayon sa kanyang kapatid. Tumango lang ito sa kanya. “God bless ate, kayo ni Nicole.” Tanging sabi nito sa kanya. Tumango na lamang siya rito at ngumiti. “Salamat, Meli, makakasama mo lang ngayon ay si Julie.” Napasabi naman niya rito. “Huwag ka ngang masyadong mag – aalala sa akin, okay na ako, focus ka lang sa contest.” Napasabi pa nito sa kanya at yumakap sa kanya. “Alam ko naman iyon, sige na sabay ka na ni kuya.” Sabi na lamang niya rito. “Bye ate.” Napasabi na lamang nito at masayang kumaway sa kanya. Magsasabay silang Jonathan ngayon, pupunta naman sila sa paaralan, dahil may kailangan pa silang dalhin. Saka, alam ng kanilang mga guro at excuse naman sila sa klase nga

