“Meli, hindi ka ba magpapahatid sa akin patungo sa classroom ninyo?” Rinig niyang tanong ng kanyang kapatid na nag – aalala sa kanya. Ngiting tipid na lamang ang ibinigay niya rito. “Ate, okay lang ako.” Napasabi na lamang niya rito, ayaw na niyang mag – aalala ang nakakatanda niya. Saka, kailangan na rin niyang pumasok at baka maiwanan pa siya sa mga lesson sa klase. Tumango na lamang si Kelly sa kanya at ginulo ang buhok nito. “Kapag may problema ka, tawagan mo lang ako.” Tanging paalala nito sa kanya. Tumango na lamang siya rito. Hindi sila ngayon sumabay sa kanilang pinsan, dahil maaga rin ang pasok ang kanyang kapatid na lalaki noon na nasa senior high school. Pinakalma na muna niya ang isipan at nararamdaman niya ngayon, natatakot pa rin siya. Bumuga lamang siya ng hangin. Okay

