“Kuya.” Tawag sa kanya ni Julie ngayon. “Bakit?” Tanging tanong na lamang ni Chris. Napabuntong – hininga pa ito bago magsalita, at napakamot sa ulo. “Nasa rank eight lang ako with honors lang.” Tangi nitong nasabi. Napatango na lamang siya. “Pwede ka pa namang bumawi sa final sa 1st quarter.” Napasabi na lamang niya. “May sasabihin lang ako ni Mommy, uuwi iyon ngayon, di ba?” Tanong pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya noon. “You did great, Julie.” Ginulo pa niya ang buhok ng kanyang kapatid. Mahina lang itong napatawa. “Kuya, hindi naman ako malungkot.” Napasabi pa nito sa kanya. “Pero, hindi ko naman na – fulfill iyong promise ko kay Mom, kahit nasa rank five lang ako.” Sabi pa nito sa kanya. “Alam mo namang Mom is happy of what’re you’re doing right now, Julie, alam din n

