Matapos ang kanilang madugong exam kahit nasa semi – first quarter pa sila’y kailangan na nilang ipagpatuloy kaagad ang lesson, ibinalik na rin sa kanila ang kanilang answer sheets at at mga output, isa pa’y malapit na ring magbigay ang kanilang guro ng grades sa kanilang mga subjects. Nagpapasalamat si Julie na malaki – laki naman ang nakuha niyang scores sa examination nila, isa pa’y hindi niya makakalimutan niya tinulungan siya ng lalaking katabi niya sa Math na si Cielo, kaya malaki rin ang scores niya. Napabuntong – hininga naman siya sa scores niya sa kanyang output, lalong – lalo na sa Arts nila at Math. Well, atleast you tried Julie. Napakamot na lamang siya sa kanyang batok. “Navares, let me see your score in your output.” Rinig namang sabi nito sa kanya. Kaagad namang kumuno

