“Ouch.” Reklamo niya noong dinadampian ng ice compress ang mukha niyang namaga. “Huwag kang magreklamo, kagaguhan mo iyan.” Tanging nasabi pa ni Joel sa kanya. “Ako na nga! Para kang may galit sa akin e.” “Sinong hindi magagalit sa kagaguhan mo, at talagang nalista ka pa ni Kevin iyang behavior mo, huwag mo akong sisihin na hindi ka mabibigyan ng good moral sa grade ten.” Pagbabanta nito sa kanya. Hindi na siya sumagot pa kay Joel, nanahimik na lamang siya noon, at iniisip kanina ang nangyari. Nasuntok at nasampal pala ako ngayon. Nasabi na lamang sa kanyang isipan. Iisang bubong lang sila ni Joel, isa pa’y pinili ito ng kanyang magulang na magsama silang magpipinsan para mabantayan siya nito. Napabuntong – hininga na lamang siya, napansin niyang may tinging nakapukol sa kanya. Napa

