II

1300 Words
Kumakain nang tahimik si Julie sa hapag, pinoproseso pa rin ng kanyang isipan na nasa exclusive school na siya, kaya nama’y hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapabuntong – hininga na lamang. "How's your school Julie, my dear?" tanong ng kanyang ina, napansin siguro nito ang kanyang mahabang buntong – hininga. "Fine." Maikli niyang sagot at tumulis ang nguso nito habang kumukuha ng pagkain sa hapag. "Julie anak, sorry na , kailangan kitang ilipat sa exclusive school, para naman iyon sa future mo e." Paghingi ng despensa sa kanya na nilalambing din siya nito. “Saka you promised your dad, right?” Pagpapaalala naman nito sa kanya na inaayos ang buhok niya. Hindi sumagot si Julie at napabuntong – hininga uli, sinubo niya ang pagkain na ninguya pa na tila nag – iisip na isasagot sa kanyang kaharap ngayon. “Mom, ayoko talaga roon.” Nagmakaawa ang kanyang boses, naglalambing na naman siya. “Sige ka, baka multuhin ng Dad mo, hindi mo tinupad ang promise mo sa kanya. Gusto mo ba noon?” Pananakot pa nito sa kanya. “Mom naman e. Ayaw ng mga bagong kaklase ang kagaya ko.” Napasabi pa niya. Napabuntong – hininga na lamang ang kanyang ina. Tinitigan siyang mabuti. "Ganito, kapag naging top five ka. Top five lang ha? Hindi bababa sa top six, at naka- maintain ka sa pagiging top five mo in one year. Ililipat na kita sa public school at doon ka rin mag m – moving up." Sabi ng kanyang ina na kinukumbinsi siya. Nang marinig niya iyon, hindi siya makapangusap kaagad na tinitigan pa ang mukha ng kanyang ina. "Deal?” Tanong pa nito sa kanya na ngumisi sa kanya. “I know you can doi it.” Kinindatan pa siya ng kanyang ina. "Ayoko nga! Ang daya mo naman Mommy e! My, top five talaga? Pwede ba’ng nasa top ten lang ako? Nakapaka- ambisyosa ko naman yata. Matatalo na yata ako nito." Sabi ni Julie, napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. “Nope, dapat top five, within one year.” Umiling – iling pa ito sa kanya. “Okay?” Napabuntong – hininga na lamang siya, nasalubong niya ang tingin ng kanyang kapatid na tahimik lamang na nakikinig ngayon sa hapag. “Kuya?” Tawag naman niya. Napabuntong – hininga na lamang ito sa kanya. “Kayo ni Mommy ang mag – usap riyan, wala na akong magagawa.” Napasabi pa nito. Hindi na rin siya sumagot. "Bakit kaya isauli mo nalang kaya ako sa public school? Baka magiging problema ako ni Christian! Sikat pa naman iyan sa school baka masira ang image niya, naku, makokonsensya talaga ako." Pabulong niyang sabi, habang nilalantakan ang pagkaing nasa harapan niya at doon niya binuhos ang inis niya ngayon. Napansin niya ang tingin nito, tinapunan siya nang masamang tingin nito, kaagad niyang napansin ang pagseryoso ng mukha nito ngayon. Opps. Ayaw na ayaw talaga nitong tawaging Christian. Napasabi sa kanyang isipan. Nag – peace sign na lamang siya. Pilit siyang ngumiti. "Biro lang!" Sabi ni Julie, natatakot siya sa kapatid niya kapag ito na ang nagalit. "Tumigil ka nga sa pagtawag-tawag mo sa akin na Christian, Julie, tandaan mo na mas nakakatanda ako sa iyo ng isang taon, kahit kaunting respeto lang ang hinihingi ko na galangin mo ako okay? Saka nga pala, kapag may ginawa kang kalokohan at pagkakamali mo sa St. Benedict , hindi kita kikilalaning kapatid" banta ni Chris sa kanya, na tiningnan siya nito nang mataman. Alam niyang may isang salita ito palagi. Napatingin na lamang siya sa semento. "Kailan ka ba naging kapatid sa akin?" Hindi niya napigilan ang emosyon niya. “Don’t worry po, I will be a good person sa school.” Tumayo siya kaagad at nagmartsa patungo sa kanyang kwarto. Hindi niya maiwasang maiyak na lamang. Kailanman, hindi mo naman akong tinuring na kapatid, you always treat me that way. Pinahid niya ang kanyang luhang pumapatak. Nang kumalma na siya ay nanaog naman siya kaagad, dala – dala ang kanyang gamit sa school. "Julie.” Sinalubong siya ng kanyang ina at yinakap. “Don’t act that way, he’s your brother.” Paalala pa nito sa kanya. “Sorry po.” Tanging nasabi na lamang niya. “Enjoy your school, anak.” Napasabi pa nito sa kanya. “I will try.” Napasabi na lamang niya. Hinalikan lang siya sa pisngi ng kanyang ina. “Go on, naghihintay na ang kapatid mo sa iyo.” Napasabi pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. Nandoon na pala ang kanyang kapatid sa loob ng sasakyan, tahimik lang itong naghihintay sa kanya. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo. Tahimik din siya sa sasakyan. Napansin niyang umandar na rin ang sasakyan, kung saan ihahatid sila sa paaralan. Nakarating naman sila kaagad sa paaralan, hindi siya sumabay sa kanyang kapatid, naglakad siya patungo sa kanyang classroom na siya lang mag-isa, talagang sikat ang kanyang kapatid na lalaki, ayaw niyang nakatago siya palagi sa anino nito. Nakarating na siya sa classroom, tahimik lang siyang umupo sa upuan niya, wala siyang makausap dahil wala siyang kaibigan, inaantay niya lang ang recess para hanapin iyong nakilala niya sa unang araw niya sa paaralan na si Kelly. Recess time, bibili na sana siya sa paborito niyang tindahan para bumili ng sandwich at milk bar, bibilhan niya rin iyong si Kelly, iyong kaibigan niya kasi ay nasa ibang section at ibang year. Grade ten na iyong nakilala niyang kaibigan. "Hoy!" biglang may tumawag sa kanya. Napalingon na lamang siya kung sinong tumawag sa kanya. Nasalubong niya kaagad ang tingin ni Paulene, alam na niya ang sadya ni Paulene sa kanya, napabuntong – hininga na lamang siya. "Bakit?" tanong niya rito. "Mag – audition ka ba sa dance troupe, right? Like your brother." Sabi pa nito, tinaasan pa siya ng kilay na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napabuntong – hininga na lamang siya . Umiling na lamang siya na hindi siya mag – audition na maging member sa dance troupe na sinasabi nito. “Nope, I’m not interested in dancing.” Tipid niyang sagot nito. Nakita pa niya sa mukha nito ang pagkagulat, at tumaas naman ang kilay nito. “Why?” Tanong pa ng kasama nito. “Hindi ako marunong sumayaw, and dancing is not my thing.” Amin naman niya rito. Nakita niya ang gulat, nakarinig siya nang mahinang pagtawa sa mga kasama nito. “Kapatid ka ba talaga niya?” Tanong pa ng isa. Tumango naman siya. “Unfortunately yes.” Sabi pa niya. “Isa pa’y kahit magkapatid kami noon, we have a different hobbies, I’m not good in dancing. Hindi ganoon ang magkakapatid, at kailangan ninyo iyong tanggapin.” Hirit naman niya. Napataas pa ang kilay ng kanyang kaharap. “Oh, may kilala kaming magkakapatid na dancers, are you really sure?” Napatanong pa sa nakilala niyang Camille. Hindi talaga siya nito tatantanan. “Sinabi ko na sa inyo, hindi lahat ng magkapapatid ay ganoon, kung ano ang hilig ng kapatid ay ganoon din sa isang kapatid. Hindi magkakarugtong ang pusod namin.” Napasabi pa niya. “Kung wala na kayong katanungan, aalis na ako.” Sabi pa niya sa kanyang kaharap. Tinaasan naman siya ng kilay ni Camille. “Let’s go.” Sabi pa nito at agad umalis sa kanyang kaharap. Napailing – iling na lamang siya. Pumunta si Julie kung nasaan si Kelly, minsan nakikita niyang nagbabasa ito ng libro na kumakain ng mango float, mahilig ito sa sweets kagaya rin niya. Tahimik lang siyang umupo na kumakain, napansin siya nito at ngumiti sa kanya. Okay na sa kanya na makakita ng kaibigan, kahit isang kaibigan lang na makakausap niya palagi. Binigay niya ang binili niyang sandwich at milk bar. Napatawa na lamang siya noon, ngumiti lang ito sa kanya na napatawa rin nang mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD