III

1210 Words
Pangatlong araw na iyon ni Julie sa paaralan nagpapasalamat siyang may nahanap siyang kaibigan kahit nasa Grade Ten na ito. Masaya na siya na nag - uusap sila sa mga kaunting bagay sa paaralan. Hindi ko na papangarapin pa na may magiging kaibigan ako sa mga kaklase ko. Napasabi sa kanyang isipan noon, patungo siya sa paborito niyang bilihin na nakakatipid siya palagi. Ano kaya ang flavor na bibilhin ko ngayon? Napatanong sa kanyang isipan. Masaya siyang naglalakad noon, nakasalubong niya ang kanyang kapatid at mga kaibigan nito. Nagkatitigan naman sila, agad niyang binawi ang kanyang tingin at pinadaan mga kaibigan nito at siya, nanatili siyang nakayuko, hangga't sa nakaalis na ito nang tuluyan. Napabuntong - hininga na lamang siya at nagkibit- balikat, bibili na siya nang makakain. May nakatingin sa kanya, kaya naman, tinitigan naman niya ang isang lalaking nakasoot ng reading glass, ngumiti pa ito sa kanya. Tumango na lamang siya bilang respeto niya sa lalaking ngumiti sa kanya, tantiya niya’y kaklase ng kanyang kapatid ito. Papalapit siya sa kanyang paboritong bilihan ng pagkain, malayo pa siya’y nakilala kaagad siya ng nagtitinda roon, malapad na ngiti ang sumalubong sa kanya, kaya nama’y napangiti na lamang si Julie. “Hello po.” Bati naman niya rito. "Anong flavor na naman ang bibilhin mo?" Tanong nito sa kanya na napapatawa na lamang sa kanya. Talagang alam na nito kung ano ang bibilhin niya. Nag - isip naman siya. "Ano pong flavor ang available po ninyo, Ale?" Magiliw niyang tanong sa tindera. "Chocolate, Durian, Vanilla, Ube." Sabi pa nito. "Ale, iyong Vanilla at Chocolate lang po." sabi ni Julie na nakangiti. Napangiti naman ang babaeng tindera sa kanya. "Bibigyan mo ba ang kaibigan mo?" Tanong pa nito. Tumango na lamang siya at napatawa na lamang. Agad naman niyang tinanggap ang binili niya at nagbayad, umalis na si Julie na masaya ulit na naglalakad. Nakita niya si Kelly noon, nagbabasa na naman ito. Ano na naman kaya ang binabasa nito? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Agad niyang napalagayan ang loob nito, dahil isa rin itong mabait na babae. Napahanga siya sa taglay na kagandahan ni Kelly, ito iyong babaeng hindi na kailangang mag - ayos para magpaganda, ang buhok nito'y mahaba na umaalon - alon ang buhok, brown eyes at balingkinitan ang katawan nito, maputi ang balat na halatang nanggaling sa pamilya na mayaman. Mabait na tao, mahilig itong magkwento sa nababasa nitong libro, siya naman masayang - masaya rin kapag nagkwento ito sa kanya. "Ano na naman iyang binabasa mo?" Tanong niya rito. "Naku, ang ganda nito! Tungkol sa isang babaeng gustong magkaroon ng justice sa pagkamatay niya." Nagkwento naman ito. "Eh? Horror ba iyan?" Tanong naman niya. "Suspense at thriller." Napatawa naman nito. "Basta horrorr iyan, ayoko niyan matatakutin ako e." Sabi naman niya na kumakain. Tumawa na lamang si Kelly. "Wala ka bang kaibigan na kaedad mo?" Tanong ni Julie. Napatigil naman ito. "Meron naman noon, pero, wala na ngayon." Malungkot nitong sabi. "Hala bakit?" Tanong naman niya. "Ay naku, basta." Ngumiti na lamang ito sa kanya. May pagka- misteryoso itong babae, dahil nalaman niyang Grade Ten na ito subalit hindi ito masyadong nakikipaghalubilo sa mga kaklase nito. Ayaw niyang pilitin na magkwento si Kelly sa kanya, ayaw niyang i-pressure ang nag -iisa niyang kaibigan, naiintindihan naman niya iyon, nanggaling din siya sa ganyan na walang kaibigan. "May boyfriend ka na ba?" Tanong niya noon. "Ha? Wala a!" Napatawa naman ito, kahit nagulat ito sa katanungan niya. "Crush meron?" Tanong niya na ngumisi. Medyo namula ang pisngi nito, napangisi naman siya. May iniisip siguro ito. "In love ka sa crush mo no?" Panunukso niyang katanungan rito. Nakita niya ang pagbabago ng reaksyon nito, namula ang pisngi nito pati ang tainga nito ay namula, kaya naman napahagikhik na lamang siya sa reaksyon nito. Napansin niyang hindi ito marunong magtago ng emosyon. Ayaw na niyang asarin si Kelly, pero, hindi niya maiwasang mapangisi, luminga - linga ito sa nakapaligid sa kanila. "s**t!" Napasabi nito at agad bumalik sa pagbabasa na libro na tinatabunan pa ang mukha nitong namula. Sinundan niya kung saan ito napatingin, may mga lalaking naka- upo roon. Tiningnan niya ang isang lalaking nakatingin sa gawi nila na tinitingnan din si Kelly. Nakasuot ito ng reading glass, tumingin ito sa kanya at ngumiti ito sa kanya. Kilala niya ang lalaki dahil ito iyong kaklase ng kapatid niyang lalaki. Siya rin iyong ngumiti sa akin kanina ah? Oo nga pala, nandoon siya sa camp, at nandoon rin siya sa burol ni Dad, and I – think, siya rin iyong nakabunggo ko noon. Inaalala pa ni Julie sa kanyang isipan. Ano ba ulit pangalan niya? Napatanong sa isipan ni Julie. Oh! Kevin. Naalala niya. "Kaklase mo ba iyang crush mo?" Tanong niya na medyo na kyuryos. Mahina itong tumango sa kanya. Nagulat naman siya noon. Hindi na nga nito tinanggi na gusto nito ang lalaki. Kaklase pala ni Kelly si kuya. Napasabi sa kanyang isipan. Hindi maitatanggi na gusto talaga ni Kelly iyong si Kevin. Hindi na siya magtataka pa kung bakit ito nagkagusto sa kaklase nitong si Kevin, ayaw na rin niyang asarin ito. "Kelly, may kuya ka ba?" Tanong niya rito. "Kuya? Oo meron, sumunod ako sa kuya ko." Sabi naman nito sa akin. "Close kayo ng kuya mo?" Tanong naman ni Julie. Nag -isip naman ito. "Oo, kahit istrikto iyon, mabait naman si kuya." Masaya pa nitong sabi. Napangiti na lamang siya. "Ikaw? May kuya ka?" Tanong pabalik sa kanyang kausap. Nawala na ang pamumula ng pisngi nito na nakipagkwentuhan na sa kanya. "Oo meron, kagaya mo ring grade ten junior high school." "Eh? Dito ba nag - aaral kuya mo?" Tanong nitong nagulat. Tumango na lamang si Julie at ngumiti, wala siyang balak na sabihin iyon sa kaibigan niya. Na isa siyang Navares, at siya ang kapatid ni Christian Navares. "Sino?" Tanong nitong nagsalubong ang kilay na tinitigan pa siya. Ngumisi lang siya. "Secret." “College na ba ang kuya mo?” Siya naman ang nagtanong. Sumimangot lang ang mukha ni Kelly, pero hindi naman nagpumilit sa kanya na sabihin ang pangalan ng kapatid niya. “Grade Twelve, senior high school, dito rin nag – aaral ang kuya ko, nasa ibang department nga lang.” Pagkwento pa nito sa kanya. Napatango na lamang siya noon. Napansin niya ang tinutukoy nito, dahil, magkaiba ang uniform nito sa kanila. Narinig na nila ang bell, hudyat magsisimula na ang klase. Hindi nila namalayan pa ang oras. Ang mahalaga'y nakipagkwentuhan siya sa kaibigan niya. Sa classroom, dahil busog na busog siya sa pagkain masaya siyang nakaupo at nag- h-hum pa siya, dahil masaya siyang nakausap ang kaibigan niyang si Kelly. May mga matang nakatingin sa kanya, alam niya ang tinginang pumupukol sa kanya, alam niyang hinusgahan ang buo niyang pagkatao. Nakita pa niya ang pag – irap ni Camille sa kanya. Hindi na niya ito papatulan pa. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kanya ngayon na wala naman siyang ginagawang masama. Ah, oo nga pala, hindi ako rito nag – aral, transferee student lang ako rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napakamot na lamang siya, napabuntong – hininga na lamang siya. Dad, hindi talaga ako nababagay sa paaralang ito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD