bc

Mythical Goddess: Misty Draco

book_age16+
9
FOLLOW
1K
READ
adventure
family
powerful
brave
lighthearted
kicking
magical world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Si Misty Draco ay isang adventurer na nagmula sa pinaka mahinang angkan sa kaharian ng Mohiyan. Tunghayan ang kanyang pakikipagsapalaran para maging pinakamalakas na adventurer sa kanilang buong kaharian at maging sa karatig kaharian nito.

Papano niya mapapagtagumpayan ang mga mangyayaring pakikipagl;aban sa mga malalakas na mga adventurer at pati na din sa mga halimaw. Matutunghayan din natin ang kanyang pakikibaka para protektahan ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ito ang kuwento ng matapang na dalaga para maging Mythical Goddess ng buong Pharsacia.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Lungsod ng Anatolia Angkan ng Puting Tupa Sa isang parte ng lungsod ng Anatolia nakatira ang angkan ng Puting tupa. Sila ay isang mahinang angkan lamang at namumuhay ng tahimik. Karamihan sa mga kabilang sa angkan na ito ay mga magsasaka lamang. Sa angkang ito kabilang si Ramon at Olivia. Sila ay may dalawang anak, isang dalagang me angking kagandahan na nasa edad labing pito, si Misty at isang waong taong gulang na si kahlif. Kung sa kagandahan lang naman, walang puwedeng ikumpara sa kagandahan ni Misty sa buong lungsod ng Anatolia, ngunit ang dalagang ito ay mailap at hindi nakikisalamuha sa iba. Inuubos niya ang kanyang oras sa pagsasanay para mapalakas ang antas ng kanyang lakas. Sa mundong kanilang ginagalawan, ang nagpapasya ng kung sino ang nakaka angat at ang kung sino ang pinaka malakas. Ang bawat indibidwal ay mayroong kanya kanyang antas ng lakas. ang isang tao ay isinisilang na isang tier 1 bronze na rango, hanggang umabot sa tier 5 bronze at makaka apak na sila sa silver na rango, kasunod ang rango ng gold, pag nalampasan nila ang gold, saka sila pedeng pumasok sa akademiya ng kaharian pag nasa master rank na sila, kasunod ng master rank ay ang grandmaster rank at susundan ito ng pagiging epic rank. Sa kaharian ng Monihan, ang pinaka mataas na nakatalang ranggo ay ang kasalukuyang hari na nasa tier 2 legendary. Pinaka mataas na pedeng maging rango ng isang tao ay pagiging mythic pero wala pang naka tala sa kanilang kaharian noon dahil ang kanilang kaharian ay isang mahinang kaharian kumpara sa mga ibang kaharian na nasa mundo ng Andalusia. Palubog na ang araw ng pauwi na si Ramon mula sa kanyang munting sakahan ng makita niya ang kanyang dalagang anak na abala pa din sa kanyang pagsasanay. Nakita niya itong naka upo sa kanilang munting hardin para mag meditate at humigop ng natural na essence mula sa kapaligiran. "Anak, mag gagabi na, pumasok ka na sa bahay at nang tayo ay makapag hapunan na, tulungan mo na din ang iyong ina sa pag hahanda ng ating hapunan" tawag niya sa kaniyang anak. "Sige ama, susunod na po ako" magalang na tugon ng dalaga. Tinapos na ni Misty ang kanyang pagsasanay at agad agad na pumasok sa kanilang bahay. Sa hapag kainan ng isang munting bahay, may apat na nag sasalo salo sa isang simpleng hapunan, walang iba kundi ang pamilya ni Ramon. Habang sila ay masayang kumakain, may napansin si Ramon na kakaiba mula sa kanyang panganay na anak. "Misty, tama ba itong aking nadadama mula sa iyo, ang iyong antas ay tumaas na? isa ka nang Master?" gulat na sambulat ni Ramon "Oo ama, kani kanina lang ay umangat na ang rango na aking angking lakas. nagbunga din ang aking pinaghirapan" masayang sagot ng dalaga "Kung ganoon ay napakasaya ko anak, sa ating angkan, ikaw palang ang naka apak sa rangong master sa edad na labing pito. Kadalasan ay nasa edad dalawampu na ang mga nakaka apak sa ranngo na yan. Ikinarangal kita aking anak" puno ng kagalakan si Ramon. Si Olivia naman ay masaya pero may konting lungkot at pag aalala na makikita sa kanyang mukha. "Ina, me masama po ba kayong nararamdaman?" si kahlif, napansin niya ang mukha ng kanilang ina. " Wala ito, masaya ako para sayo Misty, kaya lang nag aalala ako, kasi sa rango mo, kelangan mo nang pumasok sa akademiya ng ating kaharian, mapapalayo ka na sa amin." malungkot na wika ng kanyang ina. "Ina, malayo man ako senyo, para naman sa inyo at sa angkan natin ang aking pagpasok sa akademiya, para pag malakas na ako, di na tayo aapihin ng mga maharlikang angkan. at sisiguraduhin ko din naman na uuwi ako palagi pag may pagkakataon." "Olivia, dalaga na ang anak natin, alam na niyang protektahan ang kayang sarili, isa na siyang ganap na master rank. Halos ka ranggo na niya tayo sa lakas." totoo naman ang sinabi ng kanyang ama, ang kanyang ama ay isang tier 4 master at ang kanyang ina ay tier 2 master. Sa kanilang angkan ang pinakamalakas ay isa lamang master 5, at matanda na ito, siya si Pinunong Jacobe. Kasama din ang kanyang ama sa konseho ng kanilang angkan. Ang angkan ng puting tupa ay isang ordinaryong angkan lamang, napaka baba kung ikukumpara sa ibang angkan sa kanilang bayan, karamihan na miyembro ng kanilang angkan ay nasa gold at master lamang, hindi gaya ng mga angkan ng maharlika na may mga miyembrong naka abot na sa grandmaster at meron pang epic na antas. Ang pinaka tanyag na maharlikang angkan ay ang Iron Dragon na kasalukuyang royal na angkan, dito nabibilang ang angkan ng hari. Pumapangalawa naman ang angkan ng fire lion. Ang mga iba pang tanyag na angkan ay ang itim na tigre, soaring phoenix, berdeng pawikan at puting oso. Madami pang ibang angkan pero ang limang ito ang pinakanyag sa buong kaharian. Ang mga angkang ito ay malalakas at basura lang ang tingin sa mga ordinaryong angkan na kinabibilangan ng puting tupa. "Ama, Ina, wala pa naman kasiguraduhan na makakapasok ako sa akademiya, alam naman natin na me pagsusulit pa bago opisyal na maging miyembro ng akademiya, at alam natin na hindi biro makapasok dun, kelangan muna magpakita ng kakaibang lakas at mataas na pag iisip para makapasa." malungkot na pahayag ni Misty Madami na ding sumubok mula sa kanilang angkan ang makapasok sa akademiya pero karamihan ay hindi nakapasa. Wala kasing kayamanan ang kanilang angkan kaya umaasa lamang sila sa paghigop ng essence mula sa kapaligiran para mapalakas ang kanilang angkan, hindi gaya ng mga mayayamang angkan na kayang kaya nilang bumili ng mga mirakulong pildoras mula sa mga alchemy para mapa angat ang kanilang antas ng lakas. "tiwala naman ako sayo aking anak, wala ni isa mula sa ating angkan ang naka tapak sa pagiging master ng ganyang kabata, kaya sinisigurado kong makakayanan mo ang anumang pagsusulit." pampalakas sa loob na sinabi ni Ramon sa kanyang anak. Masayang masaya ang mag anak sa gabing iyon. Kinabukasan, agad na agad na ipinamalita ni Ramon sa konseho ng kanilang angkan na ang kanyang dalagang anak ay naka abot na sa ranggong master at sa susunod na pasukan ay akademiya ay susubukan niyang pumasok. "Masaya kaming lahat para sa iyong pamilya konsehong Ramon, sana nga makapasok ang iyong magandang binibini sa akademiya, para naman hindi na tayo hamakin ng ibang angkan," masayang tugon ni pinunong Jacobe "Hindi nga maipagkakailang anak mo siya konsehong Ramon, di ba isa ka din sa mga nakapasok sa akademiya mga dalawampung taon na ang nakakalipas? malalakas nga talaga ang iyong pamilya" mula naman kay konsehong Kardo. "Maraming salamat sa suporta mga kapwa konseho at pinunong Jacobe." Masayang masaya si Ramon, kasi lahat ay galak at umaasang makapasok ang kanyang anak sa akademiya. "Pero sana hindi siya matulad sa aking anak, na pinatay sa loob ng akademiya, kung sakaling makapasok ang anak mo Ramon, payuhan mong mag ingat palagi. alam naman natin na may angkan na gusto tayong mawala sa kaharian para masakop ang ating lugar." Paalala ni pinunong Jacobe Mahigit limang taon na, nakapasok sa akademiya ang kanyang anak, pero wala pang tatlong buwan at misteryoso itong namatay. hindi nila nalaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Oscar, ang anak ni pinunong Jacobe, pero malakas ang kutob nila na pakana ito ng itim na tigre. Sila ang pinaka malapit na maharlikang angkan sa kanila. Matagal ng gustong kamkamin ng itim na tigre ang kagubatan ng puting tupa, kung saan puno nito ng mga kamagong na puno. Ito ang punong kanilang pinagkukunan ng pangkabuhayan. Matigas ang punong ito at pangunahing kailangan sa pagtatayo ng mga gusali. sa kabundukan ng angkan ng puting tupa lamang nakikita ang mga punog ito. Sa pina alala ni pinunong Jacobe, makaramdam ng takot si Ramon para sa kanyang anak. Umaasa siyang hindi matulad ang kanyang anak sa sinapit ni Oscar. Pero alam naman niya na hindi niya mapipigilan ang kanyang anak sa pagpasok sa akademiya. Alam niya na matagal nang pangarap ng kanyang anak na maging malakas. ************* Makalipas ng ilang linggo, handa nang umalis si Misty para sa kanyang paglalakbay patungo sa akademiya ng kaharian ang Mohiyan Academy. Sa sala ng kanilang munting tahanan, nag uusap usapap ang maga anak. puno ng lungkot pero me bahid din ng saya ang kanilang pagpapaalam. "Anak, sa susunod na tatlong buwan ay kaarawan mo na, nakakalungkot lang na wala kami sa tabi mo sa panahong iyon" malungkot na wika ng kanyang ina "Anak, mag iingat ka dun, at wag na wag kang mag didikit sa mga angkan ng itim na tigre, baka may hindi sila magandang gawin sayo, hindi naman lingid sa iyong kaalaman na matagal nang me lihim na galit sa ating angkan ang maharlikang angkan na iyon" babala ng kanyang ama. Mula pa nag kaisip siya, alam na niya na matagal nang gustong burahin sa kaharian ng Mohiyan ang ordinaryong angkan ng puting tupa ng maharlikang itim na tigre. Hindi rin lingid sa kaalaman ng dalaga na ang mga nawawala nilang kasapi sa angkan na nangangaso sa kagubatan ay pinapatay ng angkan ng itim na tigre. "mag iingat po ako ama, at ina, wag kayong mag alala, sa pagbabalik ko, malakas na ako, dun natin ipagdidiwang ang aking kaarawan. sana nga lang po at pumasa ako sa pagsusulit.? masayang paalam ni Misty sa kanyang pamilya. Sa araw ding iyon, umalis na si Misty sa kanilang bayan at iniwan ang kanyang angkan para simulan ang kanyang paglalakbay papunta sa akademiya. Aabutin din siya ng humigit kumulang sampung araw sa paglalakbay kasi maglalakad lang naman siya. Wala namang angking yaman ang kanilang angkan para magkaroon ng karwahe kagaya ng mga maharlika. Sa kanyang paglalakbay, kakikitaan ng punong pag asa ang mukha ng dalaga na makapasa sa pagsusulit para makapasok sa akademiya sa kaharian. Ano kaya ang mangyayari sa ating bida sa kanyang pagsusulit, maka pasa kaya ang isang dalaga na galing sa isang hamak na angkan lamang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook