Tuwang tuwa si Misty nang makauwi siya sa kanyang silid, Sino ba naman ang hindi matutuwa kung sa loob lang ng tatlong buwan, nakapag pataas siya ng tier sa master rank. sa kanyang edad na labing walo, nakaya na niyang makapagpataas ng kanyang tier.
Sa araw ding ito, binabalak niyang lumabas sa akademiya at balak niyang ibenta nag gem essence at iba pang nakuha niya sa patay na tier 3 wild beast.
Mabilis siyang nagbihis at nang palabas na siya sa kanyang silid, nagulat siya ng andun nakatayo si Lyla.
"Misty, nakaka abala ba ako? maaga sana kaming gagala sa bayan, aayain ka sana namin, kung hindi ka naman masyadong abala ngayon?" yaya ni Lyla
"Tamang tama, aalis din sana ako kasi may importante akong titignan sa bayan" sagot naman niya
"Ayyieeee, salamat naman at makakasama ka namin ngayon sa pag gala" sigaw ni Angela na humahangos papunta sa kanyang pintuan.
"Ikaw talaga Angela, maingay ka pa din, wag masyado, baka mapagalitan pa tayo ni Quarter head Hilda, alam mo naman yun, ipinaglihi sa sama ng loob" saway niya sa kaibigan
HA HA HA
Pinagtawanan nalang nila ang kanyang sinabi, pero sa totoo lang, mabait naman si Hilda, yung nga lang, sobrang istrikto.
Sa unang palapag naman naghihintay na sina Franco, Osario, Roy, at Guine.
"Akala namin hindi ka mahihila ng dalawang babaeng yan" bunagd ni Roy sa kanya
"Hindi talaga nila ako mahihila, kaya lang nagkataon naman na papunta ako sa bayan, meron lang akong nais makita" tugon naman niya sa binatang mula sa angkan ng naanito.
Masaya silang lumabas sa kanilang akademiya at nag gala sa bayan. tutal sabado naman ngayon
Tuwang tuwa si Misty na sa araw ng kanyang kaarawan ay kasama niya ang kanyang mga itinuring na mga kaibigan sa akademiya. Mga kabataang galing din sa kagaya niyang ordinaryong angkan. Hindi mapang alipusta at mapagmataas.
Nang maghahapon na, humiwalay siya sa kanyang mga kasama at naghanap siya ng isang merchant guild kung saan niya puwedeng ibenta ang kanyang mga ibagbibili.
Hindi naman nagtagal at nakita niya ang isang merchant guild, agad agad siyang pumasok at nakita niya ang isang matanda na may ari ng pamilihang ito.
"Ano ang maipaglilingkod ko magandang binibini?" tanong sa kanya ng matanda, naramdaman niya na mas mataas ang antas na rango nito sa kanya.
Grandmaster tier 2...
Bigla na namang rumehistro sa kanyang utak, Nabigla ang dalaga, naguguluhan siya kung bakit biglang nagkaroon siya ng maraming kaalaman at kakayahang bumasa sa lakas ng mas mataas ng ranggo sa kanya.
"Me problema ba ineng?" muling tanong ng matandang may ari ng pamilihan.
"AHH.. ehh.. patawad po ginoo, pero meron po sana akong gustong ibagbili sa inyo." magalang na tugon ng dalaga
"Ano ang mga bagay na iyong ibebenta magandang dalaga?" muling tanong ng matanda
Agad namang inabot ni Misty ang kanyang pouch sa matanda.
Nagulat naman ang matanda sa laman nito.
"Papano mo napatay ang wild beast ng ito? kung tama ang aking pakiramdam sa iyong ranggo, master tier 2 ka palang, ang halimaw na ito ay maihahalintulad sa isang master tier 3." humahangan tanong ng matanda
"Naka suwerte lang po ako ginoo" sagot naman ng dalaga
"Sa nilalaman ng pouch na ito, maari kong bilhin lahat sa halagang pitumpung pilak." sabi naman ng matanda.
Tuwang tuwa si Misty sa kanyang napagbentahan, at meron siyang binabalak sa yamang kanyang nakuha, ibili ito ng sangkap sa pagbuo ng rank 3 marvelous booster pill.
"Ginoo, meron po ba kayong mga bentang mga sangkap na ito?" sabay abot sa listahan na kanyang ginawa.
"Karamihan sa mga nakalista dito ay madaling hanapin, dalawa dito ay mahirap mahanap, pero masuwerte ka nga binibini kasi meron ako lahat nito. meron akong walong set ng sangkap na ito, ibibigay ko ito sayo sa halagang animnapung pilak" sagot naman ng matanda sa dalaga
"Sige po, bibilhin ko po ang lahat ang walong set ng sangkap na ito" tugon niya.
Nahihiwagahan man siya kung papano papunta sa utak niya ang pag gawa ng pildoras na ito, hindi na inalintana ng dalaga. ang mahalaga, makakagawa na siya ng rank 3 marvelous booster pill.
Nang makauwi si Misty sa kanyang silid, agad niya itong kinandado at sinimulang gawin ang pildoras. Ang tamang pag gawa nito ay nasa kanyang utak, para itong isang libro na tinuturuan siya ng tamang pag proseso.
Inilabas niya ang lahat ng sangkap, pinagsama sama niya sa ibabaw ng mesa ang isang set ng sangkap. Ayon sa kaalaman sa kanyang utak, madali lang gawin ang prosesong ito, kelangan lang itong pagsama samahin gamit ang alchemy fire.
Biglang nanalaki ang mata ni Misty nag may lumabas na kulay purplish-blue na apoy sa kanyang palad. Natuwa ang dalaga kasi meron na siyang mahika.
"O mahal na bathala, salamat at pinagkalooban niyo na ako ng mahika" bulong pa ng dalaga
Mas nagulat siya ng sa kumpas ng kamay niya, umangat ang mga sankap at napunta nag mga ito sa kanyang alchemy fire. Ang kanyang kamay ay parang umaaktong sanay na sa pag gawa nito, tamang kumpas ang binibigay nito para mabuo ang pildoras na kanyang ginagawa.
Nang matunaw ang lahat ng sangkap, unti unti itong umabo at ang abo ay binuo niya bilang isang pildoras. kakaya ayang amoy ang kanyang nasamyo. Nagkulay dilaw ang pildoras. inilagay niya sa maliit na bote ang unang nagawa niyang pildoras. Halos maubos ang kayang lakas sa pag gawa nito.
"sa utak ko, madali lang, pero sa totoong pangyayari, nakakaubos pala ito ng lakas." sambit niya. kinakausap na naman niya ang kanyang sarili na parang nababaliw.
Nagpahinga siya ng ilang oras at muli na naman siyang gumawa na kaparehong pildoras. Halos buong gabi siyang gising para gawin ang pildoras na ito, sa pangwalong pildoras na kanyang ginawa, idnagdag niya ang blood essence ng wild beast. Sa huling pildoras na ito, ito ay kanyang gagamitin para sa kanyang sariling pagpapalakas.
Nang mabuo na niya ang lahat ng walong pildoras, napagpasyahan niya na subukan kung totoo nga ang nasa kanyang utak na puwede nitong mapa angat ang kanyang tier.
Agad agad siyang naghanda ng maligamgam na tubig sa kanyang tub ay inihalo ang pildoras.
Ang pildoras na ito ay hindi kakainin kundi kelangan itong ihalo sa panligo, kelangan ilublob ang katawan sa maligamgam na tubig na may halong marvelous pill. sa prosesong ito, malilinis ang katawan at ang katawan naman ay hihigupin ang essence ng pildoras para mas lumakas at tumaas ang tier ng kasalukuyang master rank. Ito ay eepekto lamang sa mga Master Rank.
Agad siyang lumusong sa tubig, naramdaman niya sa kanyang katawan na mas lumalakas ito at ang kita din niya ang mga itim na lumulutang, mga dumi ng katawan na nagsasanhi ng paghina ng kanyang pagsipsip ng essence ng kapaligiran.
Makalipas ng isang oras, umahon na si Misty sa tubig at ramdam niya na ang kanyang tier ay muli na namang aangat. Naging magaan din ang kanyang katawan at napuno ng enerhiya kahit gising siya sa buong magdamag.
Tier level up
Master Rank tier 3...
Rumihistro na naman sa kaniyang utak. tuwang tuwa ang dalaga sa pagbabago ng antas ng kanyang lakas.
Sa silid aralan ng mga master rank class may isang magandang dalaga na papasok sa kanyang klase, ito ay walang iba kundi si Misty Draco.
Pagpasok niya sa loob ng silid aralan, nandoon na si Ginoong Valir, at may mga bagay na sinasabi sa kanyang mga estudyante.
"Magandang umaga po ginoong Valir, patawad po at medyo nahuli po ako" Magalang na bati ng dalaga
"Wag kang maga alala, kakarating ko lang din naman ....." rumehistro sa mukha ng guro ang pagkabigla
Ramdam niya ang malaking pagbabago sa antas ng lakas ng dalaga.
"Master Rank tier 3?, totoo ba ang nararamdaman ko Misty? papaanong nagyari ito sa maiksing panahon lamang?" gulat na gulat ang guro sa pagbabago ng lakas ni Misty.
Pati kanyang mga kakalase ay nagulat sa kanyang malaking pagbabago. walang naka imik sa mga ito.
"Ahh, opo, ginoo, pursigido lang po talaga ako sa pagsasanay kaya ko po ito naabot" paliwanag naman ng dalaga,wala siyang balak ipagsabi ang tungkol sa mga pildoras na kanyang ginawa. at mas lalong wala siyang balak ipagsabi ang tungkol sa halimaw na patay na kaniyang natagpuan nang magising siya sa b****a ng kagubatan.
"Maiwan ko muna kayong lahat, kailangan kong iulat ito kay Mistress Aurora" Naguguluhan pa din paalam ng kanilang guro.
Nang maka alis ang kanilang guro, bigla na naman siyang ininsulto ni Valerian Clarret.
"Magsaya ka basura, dahil hanggang diyan na lang iaangat ng antas mo. hindi na magbabago yan." pang iinis niya sa kanya
"Mula siya sa ordinaryong angkan diba?"
"Baka ilipat na siya sa Core marster rank class niyan, kasi tier 3 na siya"
"Nakakainggit naman siya"
"Ano kaya ginawa niya? wala naman siyang mahika di ba?"
Ito ang mga naririnig niyang bulong bulungan ng mga kapwa niya estudyante.
wala na siyang sinabi at dumako nalang siya sa kanyang mga kaibigan na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang pag angat ng tier.
"Nakakainis ka naman Misty, bakit di mo kami tinuruan kung papano ka nakapag pa angat" biro ni Guine
"Ano ang secreto mo?" tanong naman ni Angela
"Wala, inuubos ko lang ang oras ko sa meditation at pag sasanay, gawin niyo din iyon, huwag puro gala" sagot naman niya
Halata naman sa mata ng kanyang mga kaibigan na masaya sila para sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala niya ang bangit ng isa niyang ka klase
"Baka ilipat na siya sa Core Master rank class"
Kung mangyari mann iyon, malulungkot siya kasi maiiwan niya ang mga kaibigan niya sa klase ng ito.
Dumaan ang mga araw, kinausap na din siya ni Mistress Aurora at tama nga ang kanyang narinig, ililipat na siya sa Core master rank class sa susunod na buwan.
Araw ng sabado, muling lumabas sa akademiya si Misty at sa pagkakataong ito, mag isa lang siya. Balak niyang pumunta sa isang subastahan. Iaalok niya ang kanyang rank 3 marvelous pill.
Nang makarating siya sa lugar subastahan, agad siyang pinigilang pumasok ng mga guwarding nakabantay sa may bungad.
"Sino ka at anong kailangan mo dito binibini?" tanong ng isang guwardiya
"Gusto ko pong makausap ang namamahala dito, may mga bagay po akong ipagbibili na sigurado naman akong kanyang magugustuhan" magalang na sagot niya
"maghintay ka dito at kakausapin ko si pinunong Esmeralda" tugon ng guwardiya
Hindi nagtagal, pinapasok na siya at inihatid siya sa isang silid. Namangha siya sa ganda ng silid at nadatnan niya rito ang isang ginang.
"Ano ang maipaglilingkod ko sayo isang magandang binibini?" tanong ni pinunong Esmeralda
"Ipagpaumanhin niyo po ang aking pang aabala, pero meron po akong mga bagay na iaalok para ipasubasta sa inyo." agad naman niyang ipinakita ang mga pildoras na nakasilid sa maliit na bote
Agad namang kinuha ito ni pinunong Esmeralda at inamoy
"Kakaiba ang bango ng samyo ng mga pildoras na ito, ngayon lang ako naka amoy ng ganito, ano ba ang pildoras na ito?" tanong nito
"Ito po ay isang rank 3 marvelous booster pill, ang kakayahan nito ay iaangat hanggang tier 5 ang taong nasa master rank. sigurado akong wala pang nakakagawa ng ganitong pildoras sa buong kaharian natin o sa buong kontinente natin." Magalang na paliwanag ni Misty
"Totoo nga na ngayon ko lang narinig ang pildoras na ito, pero para lamang ito sa mga nasa master rank, baka walang bumili?" pinunong Esmeralda
"Nagkakamali po kayo, kasi ang mga kliyente mo sa subastahan marahil ay may mga anak o apo na kailangan ang pildoras na ito." sagot naman ni Misty
Dahil sa tinuran ng dalaga, nakumbinse niya si pinunong Esmeralda na isama ito sa mga bagay na isusubasta sa araw na ito.
Pagdating na hapon, nag uumpisa nang magsidatingan ang mga mayayamang kliyente ni pinunong Esmeralda. Dumating din si Pinunong Marcus ng angkan ng itim na tigre kasama ang pinunong Caesar ng angkan ng fire Lion. Madami pang ibang dumating mula sa maharlikang angkan.
Makalipas pa ang ilang oras, nag umpisa nang ipakita ang mga bagay na ibebenta ni pinunong esmeralda.
"Magandang hapon sa lahat ng kagalang galang na bisita ng aming auction House. hindi ko na patatagalin pa, ang unang bagay na aming ibebenta ay tatlong piraso ng tier 3 marvelous Pill, isa itong booster na maaring makapagpataas ng antas ng tier ng mga nasa master rank, ang bagay na ito ay uumpisan ko sa pesyong limampung ginto." panimula ni pinunong Esmeralda
Marami ang nagulat sa puwedeng makuha sa pildoras na ito. Kaya nag unahan ang mga mayayamang angkan para magpataasan sa presyo.
"Isang daang piraso ng ginto mula sa Fire Lion" sigaw ni pinunong Caesar
"Dalawang daang piraso ng ginto mula sa angkan ng puting oso" Sigaw naman ng isang maharlika
"Apat na daang pirasong ginto mula sa Itim na tigre" sigaw naman ni pinunong Marcus
"Limang daan na pirasong ginto mula sa fire lion" muling sigaw ni pinunong Caesar.
Nag ngingitngit sa galit si Pinunong Marcus, pero hindi na niya tataasan pa ang kayang alok, kasi alam niya na tataasan lang ni pinunong Caesar ang kanilang alok
"Kung wala nang tataas pa sa alok ni pinunong Caesar, ibibigay ko na sa kanya ng tatlong pirasong pildoras na ito" Masayang sambit ni pinunong Esmeralda
"Wag kayong mag alala, meron pa akong isang set ng tatlo ding pildoras na gaya nito, uumpisahan ko ito sa halagang isang daan na piraso" muling sambit ni Esmeralda
"Limang daan na pirasong ginto mula sa itim na tigre" Agad na sigaw ni pinunong Marcus
Wala nang nakapag alok pa, kasi alam naman nila na hindi rin nila makakalaban ang angkan ng tigre sa pataasan ng alok.
Sa likod naman ng tabing sa entablado, masayang masaya si Misty sa yamang kanyang kikitain, sa anim na pildoras na kanyang nagawa, kumita siya ng isang libong piraso ng ginto.
May bagong kaalaman na naman ang rumihistro sa kanyang utok.
Rank 4 Booster Pill...
ingredients ......
Balak ng dalaga na ibili na naman ng mga sangkap ang kanyang kinita para sa pagbuo ng mas malakas na kalidad ng booster pill.
Sa bagong kaalaman niya, unti unti siyang makakakuha ng yaman na maaring magamit niya sa pagpapalakas ng kanilang angkan.