Chapter Five

1336 Words
Mabilis na lumipas ang tatlong buwan, bukas ay ikalabing walong kaarawan na ni Misty, Walang nakaka alam sa kanyang mga kaibigan tungkol sa espesyal na araw na ito. Hindi ugali ni Misty ang magkuwento tungkol sa kanyang pagkatao. Mas nanaisin pa ng dalaga na mag meditate nalang para makahigop ng essence sa kapaligiran kesa sa makipag kuwentuhan. Para sa kanya, kelangan walang masayang na oras. Nakasanayan na niya na pagkatapos ng hapunan, magkukulong na siya sa kayang silid para mag meditate. Minsan naman ay sinusubukan niyang ipalabas ang kayang mahika kung meron mang lalabas, pero hanggang ngayon, wala pa din siyang ,mapalabas kahit anong mahika. "Bakit wala man lang akong mahika? baka naman hindi talaga ako mula sa mundong ito?" minsan ay naitatanong niya sa kanyang sarili. Sa gabing ito, napagpasyahan ni Misty ang lumabas sa kanyang silid at magpahangin sa may malapit sa kagubatan sa likod ng kanilang paaralan. Gusto niyang doon sumagap ng essence kasi mas malakas ang makukuha niyang essence dito dahil mayaman ang kagubata sa natural essence. Walang sinayang na sandali si Misty, agad na nagtungo sa likod ng kanilang akademiya, hindi madali ang kanyang pagpunta doon, kasi masukal ang daanan, at kung hindi siya mag iingat, baka makapasok siya sa isa sa mga teritoryo ng alinman sa mga faction na mahigpit na ipinagbabawal. "Buti nalang, maliwanag ang buwan ngayon, makikita ko ang aking dadaanan" natutuwang sambit ni Misty Draco "Talaga namang mayaman ang natural essence dito, ramdam ko sa aking katawan" masayang bulalas niya ng makarating siya sa b****a ng kagubatan. Agad siyang naghanap ng hindi delikadong lugar kung saan siya mag memeditate para masagap ang mayamang natural essence na nagmumula sa kagubatan. Hindi namalayan ni Misty na hating gabi na, patuloy pa din siya sa pag sagap ng mayaman na essence sa kanyang puwesto. Sa kayang malalim na konsentrasyon sa pagmemeditate, hindi niya namalayan na may isang tier 3 wild beast na nakamasid sa kanya. Ang mga wild beast at demons na nasa kagubatan ay may kanya kanya ding rango, ang wild beast na nakamasid ngayon kay Misty ay maihahalintulad sa isang master rank tier 3, kung susugurin niya si Misty Draco, siguradong walang laban ang magandang dalaga. Hindi nagtagal, sumugod nga ang wild beast kay Misty Draco, agad namang nagmulat ng mata si Misty na maramdaman niya ang isang matinding panganib na papalapit sa kanya. Agad niyang nakita ang isang nakakatakot na wild beast na pasugod sa kanya. "Isang wild beast na nasa master tier 3? Katapusan ko na ba ito?" gulat na sigaw ng dalaga ROAR "lalabanan kita, hindi ko hahayaang mamatay ako ng walang kalaban laban" sigaw niya sa halimaw na nasa kanyang harapan ROAR Tanging sagot ng halimaw sa kanya, nakikita niyang gutom na gutom ang halimaw at siya ang balak nitong maging pagkain. Nag umpisang labanan ni Misty Draco ang kanyang kalaban, Ginamit na niya ang mga skill na alam niya, pero sadyang mas malakas ang halimaw na kanayang kasagupa ngayon. Nang mapagod si Misty Draco, sinugod siya ng halimaw at nakalmot siya sa kanyang dibdib, agad na bumulwak ang dugo sa kanya at unti unti siyang nanghina, sa pagkakataong iyon, alam niya na mamatay na siya. Unti unting bumigat ang mga talukap ng mata ni Misty at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Sa oras na iyon, handa nang lapain ng halimaw si Misty pero may hindi inaasahang pangyayari sa kanyang katawan. Bigla itong binalutan ng isang napakalakas na enerhiya. Ang mga sugat na kayang natamo ay biglang naglaho, Naging makinis ulit ang kanyang balat at parang walang nangyari sa dalaga. Ang malakas na enerhiyang bumalot sa dalaga ay tumama din sa halimaw at naging sanhi ng kamatayan nito. Sa isipan ng dalaga bigalang may tumunog sa kanyang utak. All infornation transferred..... Divine artifacts received by the host .... ************************* FLASHBACK Sa isang munting tahanan, may isang ginang ang kasalukuyang nanganganak, isa itong sensitibong pagbubuntis dahil meron siyang mahinang pangangatawan, ang babaeng ito ay walang iba kundi si Olivia Draco. "Ramon, patawarin mo ako, pero hindi ko na kaya, kung sakaling mamatay man ako sa panganganak, wag mong papabayaan ang magiging anak natin" nahihirapang sambit ni Olivia sa kanyang asawa. "Huwag kang magsalita ng ganyan aking asawa, makakayanan mo ito, sabay nating papalakihin ang anting magiging anak" naiiyak na tugon ni Ramon sa kanyang asawa. "Ngunit hindi ko na ata kaya, patawarin mo ako...." at biglang nawalan ng malay ang ginang Dahil sa nawalan siya ng malay, ang batang iluluwal niya sana ay hindi tuluyang nakalabas, dahil dito aksidente itong namatay. Walang katumbas na kalungkutan ang nadama ni Ramon, patay ang batang isinilanang ng kanyang asawa. At malaking problema niya ay ang pagsasabi sa kanyang asawa oras na magising ito. Hindi nila alam merong isang hindi ordinaryong indibidwal na nagmamasid sa kanya sa pagkakataong ito. Isang nakaitim na lalake na may gintong maskara, Meron itong buhat buhat na bata na mukhang bago ding silang. Lumapit ito sa lalakeng naglilibing ng patay na bagong silang na sanggol. "Kaibigan, sa iyo ko iiwan ang batang ito, Sana palakihin mo siyang mabuting tao at puno ng pagmamahal." Agad na sambit ng hindi kilalang indibidwal kay Ramon. Nabigla naman si Ramon sa mga pangyayari, sasagot pa sana siya pero bigla nalang nawala sa harap niya ang mahiwagang nilalang na nag abot sa kanya ng sanggol. Naguguluhan si Ramon, patay ang kanyang anak pero meron bata na puwede niyang ipakilala sa kanyang asawa na kanilang anak. "hulog nang langit ang batang ito, sisiguraduhin kong ituturing kitang tunay na anak at lalaki kang puno ng pagmamahal" sambit ni Ramon sa batang kanyang tangay. Nang magising si Olivia, may isang magandang sanggol sa kanyang tabi. agad niya itong niyakap at umiyak na sinasabi. "Anak, nakaya nating mabuhay na dalawa, mahal na mahal kita, papalakihin kitang isang mabuting tao" walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ngayon ng mag asawang Ramon at Olivia ng angkan ng Puting tupa **************************** Madilim dilim pa nang magising si Misty. Nagulat siya at nasa b****a siya ng kabundukan. at mas nagulat siya nang makita niya ang tier 3 master rank na halimaw na nakahandusay sa kanyang tabi at isa nang patay. "Sa pagkaka alala ko, namatay na ako? nanaginip lang ba ako?" tanong niya sa kanyang sarili. Muli niyang sinuri ang kanyang sarili at natuwa naman siya dahil wala naman siyang tinamong mga sugat. Isa pa ding pala isipan sa kanya kung bakit may patay na halimaw sa tabi niya. Pero natuwa naman niya kasi alam niya na may mga parte ang halimaw na ito na puwede niyang ibenta. Agad agad niyang hinanap ang Charmed Gems nito. Natuwa siya nang mahanap naman niya ang Gem ng halimaw. Hindi rin niya pinaligtas ang balat nito na maari din niyang ibenta, pati ang karne nito na ayon sa kanyang utak, isa itong masarap na karne. blood crux - maganda para sa pag gawa ng potion Bigla siyang nagulat ng bigalang rumehistro yun sa kanyang utak. "Mukhang maganda ang gising ko ngayon, maganda ang takbo ng utak ko" masayang sambit niya Wala siyang sinayang na sandali at agad na kinulekta ang blood essence ng halimaw sa kanyang harapan. Agad agad niyang isinilid ito sa kanyang mahiwagang sisidlan. meron siyang isang maliit na pouch kung saan puwede siyang maglagay ng mga bagay na walang buhay at kaya nitong maglaman ng kasya sa isang maliit na silid. Low stage 3 marvelous booster pill - magagamit sa pagpapataas ng antas mula sa mababang tier ng master rank sa mas mataas na tier, puwede hanggang maximum tier 5 ng master rank. Ingredients ........ Muli na namang rumehistro sa utak niya. Naguguluhan ang dalaga, papano niya nalaman ang sangkap ng pag gawa ng pildoras na ito? "Nababaliw na ata ako, nabagok ata ulo kagabi ng makatulog ako dito" tanong niya sa sarili na parang nababaliw. Bago pa man sumikat ang araw, napagpasyahan ng dalaga na bumalik na sa kanilang silid tuluyan, baka malaman pa ni quarter head Hilda na hindi siya umuwi. Muling may rumihistro sa utak ni Misty. You level up Mater rank tier 2.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD