Dalawang araw ang lumipas at mag uumpisa na pag aaral ni Misty sa Mohiyan Academy, dito sasanayin niya ang kanyang pagpapalakas ng antas ng lakas, kung meron siyang alam sa pag gawa ng potion, sa pagpapalakas ng kanyang mahika kung meron man o ang pag gamit ng ibat ibang sandata.
Sa Akademiya ng kaharian, ang isang nasa master rank ay binibigyan ng tatlong taon para maka apak sa kasunod na ranggo, ang pagiging grandmaster, kung sa loob ng tatlong taon ay hindi nila kayang maka apak sa pagiging grandmaster, sila ay sapilitang aalis na sa akademiya at hindi na sila maaring magpatuloy at mamili ng faction. meron din naman masuwerteng isang taon palang, nakaka akyat na sa pagiging grandmaster, kadalasan mga miyembro ng mayayamang angkan na may kayamanan at kayang bumili ng mga potion o pildoras para makatulong sa pagtaas ng kanilang ranggo.
Sa malawak na lupain ng akademiya ng Mohiyan, nahahati ito sa ibat ibang gusali,nasa pinaka sentro nito ang maluwag na ground kung saan kadalasan ginaganap ang mga pagusulit ng lakas at kapangyarihan. Madami ding gusali dito, makikita ang pinaka malaking gusali, kung saan andun tanggapan ng mga mahahalagang tao sa akademiyang ito. meron ding malaking gusali kung saan ito ang magsisilbing paaralan ng mga master class na estudyante na pinamamahalaan ni mistress Aurora.
Sa malayong timog na parte ng akademiya, makikita naman ang isa na na namang malaking gusali, ang gusali ng faction na alchemy, na pinamumunuan ni Faction head Rafaela, kung saan makikita din ang malawak na hardin kung saan makikita ang ibat ibang uri ng halamang gamot na may matataas na antas.
Sa hilagang parte ng akademiya ang teritoryo ng mga magus na pinamamahalaan ni faction head Alicia.
Sa kanlurang bahagi, dun naman makikita ang warriors faction ni faction head Argus na meron ding malawak na ground para sa pagsasanayan ng lakas.
at sa silangan parte naman ay matatagpuan ang weaponry faction ni faction head Ione.
Lahat ng lugar na ito ay may mga kanya kanya ding mga mag aaral, pero mga nasa ranggong grandmaster pataas lang ang pedeng maka tapak sa mga lugar na ito. Mahigpit na ipinagbabawal ang sinumang nasa master rank na tumapak sa mga lugar na ito.
Sa likod naman ng akademiya ay isang malawak na kabundukan kung saan mararamdaman ang ibat ibang antas ng lakas ng mga beast. Ang mga wild beast at may mangilan ngilan na demonyo ang nandito ay maaring kalabanin ng mga mag aaral para mas umangat ang antas ng kanilang lakas.
Sa bahagi ng akademiya kung saan naka gusali ang tuluyan ng mga bagong mag aaral na nasa master rank, may isang magandang dalaga na naghahanda na sa kanbyang unang araw sa pag aaral, ito ay walang iba kundi si Misty Darco.
Masayang masaya ang dalaga habang suot suot ang kanyang bagong uniporme na bigay ng akademiya. Maaga palang ay nakahanda na siya sa pagpasok.
Eksaktong ika anim ng umaga ay naka baba na siya sa unang palapag kung saan matatagpuan ang kainan, doon ay nakita niya ang kanyang mga bagong kaibigan na nag mula sa mga ordinaryong angkan.
"Misty, dito ka na umupo, kuha ka nalang ng iyong makakain sa may bandang counter" tawag sa kanya ni Angela
"Salamat, sige kuha lang ako ng aking makakain" pasigaw na sagot niya.
"Maaga na ako, pero mas may maaga pa pala sa akin sa pag baba" tuwang tuwa niyang turan sa kanyang sarili.
Pagkatapos niyang kumuha ng kanyang makakain, agad siyang dumalo sa mesa ng kanyang mga bagong kaibigan. masaya silang kumain ng kanilang agahan
"sana magkakasama tayo sa iisang klase" Franco
"oo nga, para me maka usap ako, napaka yabang naman ng mga nagmula sa malalakas na angkan" sabi naman ni Lyla
"Sana hindi natin kasama sa klase yung mapagmataas na si Valerian Clarret." sambit naman ni Guine
"Sa tingin ko iisang klase lang tayong lahat, kung titignan natin, wala pa sa labing lima ang nakapasok mula sa mga ordinaryong angkan na gaya natin, kaya hindi malabong iisang klase lamang tayo." sagot naman ni Misty Draco sa kanila.
Pagkatapos nilang kumain, agad silang nagpunta sa malawak na ground. Nandoon naghihintay si Master Rank class Head Mistress Aurora.
Gaya ng dati, isa pa din itong napakagandang dalaga na nasa eded dalawampu kung titignan at nagpapadagdag sa kanyang ganda ang kanyang di ma-alis alis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Magandang umaga mga Master Rank class, ngayon ang unang araw ng iyong pag aaral sa ating akademiya, dito sa master rank class, meron kayong tatlong taon na pedeng mag pa-angat ng inyong rango. Nasa sa inyo na kung hintayin niyo pa ang tatlong taong ito, kung mas maaga kayong maka tapak sa grandmaster, mas masaya, para makapili na kayo kung anong faction ang inyong pipiliin." Paliwanag ni Mistress Aurora
"Kayang kaya ko sa loob ng isang taon, grandmaster na ako" mayabang na pahayag ng kinaiinisan niolang si Valerian Clarret
"Ang hambog talaga niya" bulong naman ni Angela kay Misty
"Kayong apatnapu na nasa master rank ay kabilang sa low master rank class, ang sampung nanguna sa pagsusulit at pare pahong nasa tier 2 o tier 3 master rank na, kaya miyembro sila ng core master rank class." Pagpapatuloy ni Mistress Aurora sa kanila.
Bigla namang may sumundo sa sampung miyembro ng core master rank class na isang guro din. Pagka alis ng sampung miyembro ng core master class, May isa namang makisig na ipinakilala si Mistress Aurora.
"Eto ang inyong gurong tagapayo, si ginoong Valir Elav, isa siyang epic tier 1, sana ay igalang niyo siya, siya ang inyong lalapitan kung meron kayong mga problema o hindi maintindihan, maliwanag ba?" tanong ni Mistress Aurora
"Maliwanag po Mistress!" sagot naman ng lahat
"Mabuti kung ganon, iiwan ko na kayo kay ginoong Valir at siya na ang magdadala sa inyo sa inyong silid aralan, siya na din ang magpapakilala sa inyong mga magiging guro sa ibat bibang larangan." pagpapa alam niya, at bigla nalang siyang naglaho.
Lahat ay natuwa sa ipinapakitang mahika ni class head mistress.
"Sumunod kayo sa akin, at nang maipakilala ko na ang inyong mga magiging guro" nakangiting utos ni ginoong Valir
Napakalawak ng kanilang silad aralan, tuwang tuwa ang mga bagong magkakaibigan at napagkasunduan nila na tabi tabi sila sa kanilang upuan.
Ipinakilala na din ang kanilang magiging guro, mula sa kasaysayan ng kahariang Mohiyan, basic magus, pag gamit ng weapon, basic alchemy at essence manipulation at siyempre ang skill enhancement.
Tuwang tuwa si Misty na sa wakas matututo na siya sa ibang larangan, mga larangan na ipinagkait mula sa kanyang pagkabata dahil sa wala silang sapat na yaman para matutunan ang mga ito.
Sa pag aaral nila ng essence manipulation, walang problema si Misty, pati na din ang skill enhancement, ngunit may malaki siyang problema sa basic magus, kahit kasi anong pilit niya sa sariling katawan, wala siyang maipalabas na kakaiba, wala siyang mahika sa katawan, at ito pa naman ang susunod niyang klase.
"Buti pa kayo meron kayong napapalabas na mahika sa inyong katawan." malungkot na saad ni Misty sa kanyang mga kaibigan
"Malalaman mo din ang iyong kapangyarihan Misty, baka sadyang hindi pa lumalabas ang iyong tunay na mahika." tugon naman ni Guine
"Ano ba ang mga kapangyarihan nyo?" tanong ni Misty
"Ako kaya kong pasunurin konti ang mga halaman, pero napakahina ko pa" sagot naman ni Lyla
"Ako naman, kaya kong makipag usap sa mga hayop, nauunawaan no ang ibig nilang ipahiwatig, pero gaya ni Lyla, mahina pa din ang kakayahan ko" sabi ni Osario
"Kaya kong magpalabas at gumamit ng lason mula sa alakdan sa pakikipaglaban" sambit naman ni Franco
"Magpatulog naman ang kakayahan ko" si Guine
"Pinag aaralan ko palang ang pagtawag ng kaluluwa sa pakikipaglaban" si Roy
"Halos pareho tayo Roy, kung ikaw naman ay natatawag mo kaluluwa, ako naman, puwedeng gumamit ng kahit ano para maging puppet" sabi naman ni Angela
Hindi maiwasan ni Misty ang mainggit sa kanyang kaibigan, siya lang ata ang walang kayang ipalabas na magus.
Sa araw na iyon, hindi pa din nakapagpalabas ng mahika si Misty. Hindi naman siya pinuwersa ng kanilang guro, sinabihan lang siya na maghintay at lalabas din ang kanyang talento sa magus.
"Walang isang indibidwal sa ating mundo ang walang angking mahika" ani nga ng kanyang guro sa basic magus.
Sa larangan naman ng pag gamit ng weapon, lahat ng nasa master rank at tinuturuang gumamit ng low silver rate weapon, dahil ito lang ang kaya ng kanilang antas na lakas.
Natutunan din ni MIsty na sa pag gamit ng weapons, may kanya kanya ding antas ang puwedeng gamitin ng kada rango. Ang mga kagaya niyang master rank ay puwede lang gumamit ng low silver rate hanggang mid silver rate weapon. Sa mga nasa Grandmaster rate, puwede siyang gumamit ng high silver rate hanggang mid golden rate na weapon. Sa mga epic, puwede na silang maka gamit ng high golden rate at rare golden rate na weapons. Sa mga legend rank naman ay puwedeng gumamit ng grand rate weapon, pero sa buong kaharian ng Mohiyan, ang tanging meron lang grand rate weapon ay ang kasalukuyang hari.
Sa paglipas ng panahon, unti unti nang kumakapal ang antas na lakas ni Misty dahil sa kanyang pagsisikap sa akademiya ng kaharian ng Mohiyan.
Kelan kaya lalakas ang ating Bida?
wala man lang siyang lovelife?