Wala mang kasiguraduhan kung nakapasa si Misty sa unang yugto ng pagsusulit, maaga pa din siyang gumising para magtungo sa akademiya para kumpiramahin kung nakapasa nga siya o tuluyan na siyang uuwi sa kanyang angkan na walang napatunayan.
"kung di man ako makapasa ngayon, meron pa namang susunod na taon" sambit niya sa kanyang loob-looban.
Hindi pa rin tuluyang nawawalan ng pag asa si Misty, naniniwala siyang basta me pagkakataon pa, may pag asa pa.
Wala pang ika walo ng umaga nasa malawak na solar na ng akademiya si Misty para malaman ang resulta ng kanyang pagsusulit. Kita niya ang kaibahan ng bilang ng tao, kahapon nasa mahigit limang daang kabataan ang nasa lugar na iyon, sa pagkakataong ito, mahigit kumulang nasa dalawang daan na lamang. Ang sa bilang na ito, maari pang kalahati ang di pumasa sa ikalawang yugto ng pagsusulit.
Eksaktong ikawalo ng umaga, Nasa harap na nila si Head Master Romolus para basahin ang mga opisyal na nakapasa sa unang yugto ng pagsusulit.
Nag aabang sa isang banda si Misty kung kasali ba ang pangalan niya sa mga nabanggit.
"Magandang umaga sa inyong lahat, halatang nangalahati na ang mga nandito kumpara kahapon, pero akin babasahin ang pangalan ng mga nakakuha apat na pag sangayon kahapon. sila ay ang mga sumusunod, Ash Clarret mula sa iron dragon, Vera Fillia mula sa itim na tigre, Flinn Alucardia mula sa fire lion, Clint Clarret mula sa iron dragon, Lindon Tigral mula sa soaring phoenix, Karina Belerick mula sa berdeng pawikan, Leo Alucardia mula sa fire lion, Redd Tigral mula sa soaring phoenix, Irithel Setse mula sa puting oso at Odette Clarret mula sa iron Dragon. Sila ang mga sampung naka kuha ng apat na pag sang ayon mula sa mga faction head, magalak ko kayong pinupuri. Susunod ko namang babasahin ang mga naka kuha ng tatlong pag sang ayon" mahabang salaysay ng Head Master
"Ang susuwerte naman nila"
"siguradong malalakas sila"
"Mga galing sa tanyag ng angkan lahat sila"
"Ang ganda ni Vera'
"Ang kisig ni Ash, nakaka bighani siya"
"ang guwapo ni Flinn, akin lang siya"
Yan ang mga maririnig mong bulong bulungan sa malawak na solar ng paaralan. Si Misty naman ay hindi mapakali sa isang banda, kinakabahan na baka hindi tawagin ang kanyang pangalan
Natapos na basahin ng head master ang mga nakakuha ng tatlong pag sang ayon, karamihan pa din sa ,mga ito ay mula sa maharlikang angkan, meron na ding mga nakapasok na mula sa ordinaryong angkan.
Nang matapos ni head master basahin ang mga naka kuha ng tatlong pagsangayon mula sa mga faction head, nasa mahigit animnapu nalang ang natira sa malawak na ground ng akademiya.
"Ngayon babasahin ko naman ang pangalan ng mga nakapasa mula sa dalawang pagsang ayon, lilinawin ko, lahat kayong natira ay dalawa lamang ang nakuha nyong pagsang ayon, kung wala ang iyong pangalan, ipagpaumahin nyo, pero di kayo nakapasa sa unang yugto ng pagsusulit, pero maari pa din naman kayong sumubok ulit sa mga susunod na pagkakataon."
Abot langit ang dasal ni Misty na sana isa siya sa mga bibiyayaan ng pagkakataong makapasok sa ikalawang yugto.
"sa inyong humigit animnapu na nandito, pito na lang ang pangalang aking babangitin, una......"
"Angela Creta mula sa angkara"
"Franco Curthel mula sa pulang alakdan "
"Lyla Amaculo mula sa dilaw na rosas"
"Roy Morte mula sa naanito"
"Osario Tambot mula sa asul na buwaya"
"Guine Cartos mula sa puting jasmine"
at........
"Misty Draco, mula sa puting Tupa"
Halos maubusan siya ng hininga nang akala niyang hindi na mababangit ang kanyang pangalan, maluha luha siya nang mabanggit nag kanyang pangalan.
Nagtagumpay siyang makapasa sa unang yugto ng pagsusulit.
"Bago man matapos ang araw na to, malalaman na natin ang mga makakapasok sa akademya. Binabati ko kayong lahat, at ipagdarasal ko na maka pasa kayo sa ikalawang pagsusulit."
"Para ipaliwanang ang panuntunan sa ikalawang pagsusulit, ipinapakilala ko si master rank class head mistress Aurora" huling sambit ng academy head master.
Umakyat naman sa entablado ang isang magandang dalaga na si mistress Aurora.
"ang ganda niya"
"Mukhang ambata pa niya"
"sana mabait siya"
Yan ang naririnig na bulong bulungan ng mga nasa lugar na iyon.
"Maraming salamat sa mga papuri nyo, kahit bulong bulungan lang yan, nababasa ko ang mga nasa utak ninyo, pero nagkakamali kayo, hindi na ako isang bata, sa katunayan, nasa edad animnapu na ako." natatawang pahayag ni Mistress Aurora
"Ano, matanda na pala siya?"
"Ngunit papanong mukha lang siyang eded dalawampu?"
"nakakainggit naman siya"
Muling nagbulungan ang mga kabataan na nandoon.
"Sa totoo lang, isa akong magus at meron din akong alam sa alchemy kaya mukha pa din akong bata, pero sasagutin ko lahat mga katanungan ninyo pag nakapasa na kayo sa huling yugto ng pagsusulit at kasama na kayo sa master class ko, sa ngayon, ipapaliwanag ko muna ang ikalawang yugto ng pagsusulit" mahabang paliwanag ni mistress Aurora.
"sa ikalawang yugto ng pagsusulit, makikita ang antas ng inyong kaalaman tungkol sa mundo natin at ang inyong pangkaloobang pag uugali, bibigyan kayo ng eksaktong 3 oras para matapos ang inyong pagsusulit. Dahil sa nasa mahigit isang daan pa kayo, sa isang silid ay magkakasama ang sampung kabataan para sa kanyang pagsusulit. Inuulit ko, bibigyan kayo ng eksaktong tatlong oras para sa pagsusulit. Wala kayong kasama sa loob ng silid kundi kayong sampu lang, ngunit, wag kayo pakampante, dahil kahit wala kami doon, alam namin ang ginagawa ninyo, madami kaming magus na magbabantay sa inyo"
Masusing nakikinig si Misty sa mga panuntunang sinasabi ni mistress Aurora. Samantalang ang karamihan ay hindi pa rin maka bawi sa pagkakagulat na isa nang eded animnapu ang magandang dalaga sa kanilang harapan.
"Ngayon, maari na kayong pumasok sa gusaling nasa aking likuran, sa bawat pintuan ng isang silid, makikita nyo ang inyong pangalan. Pag nag umpisa na kayong magsulat, mag uumpisa na ang tatlong oras na ibinigay sa inyo. Ang papel na gagamitin nyo ay mahiwaga, pagkatapos ng tatlong oras, kusa itong masusunog, iyon ang takda na tapos na ang binigay sa inyong oras" pagpapatuloy na paliwanag ng magandang mistress.
Agad agad namang hinanap ng mga kabataan ang kanilang mga pangalan. Hindi rin nagpahuli si Misty, hinanap niya ang silid kung saan niya kukunin ang kanyang pagsusulit. hindi naman nagtagal, nahanap niya ang silid na ito, natuwa siya kasi kasama niya ang anim pang mula sa ordinaryong angkan na naka kuha lamang ng dalwang pag-sangayon sa unang yugto ng pagsusulit.
Pagpasok nila sa loob ng silid, nagulat sila sa nadatnan. may sampung mesa at upuan, sa ibabaw ng mesa, may panulat at papel, blangko ito. Sa loob din ng silid, mapapansin na ang gulo gulo, meron din isang lamesa na puno ng pagkain. mga pagkain na ni minsan ay hindi pa nasubukang makain ng isang Misty Draco.
Pero hindi niya pinansin iyon, umupo na siya sa isang bakanteng upuan, napansin niya na ang kasama nilang tatlo ay mula sa mga maharlikang angkan.
"Bakit naman nakapasa ang mga basurang ito sa unang pagsusulit? pero sigurado ako, di na sila makakapsa sa ikalawang yugto, mga mangmang naman mga yan" sabi ng isang mula sa maharlika
"tama ka, tignan mo sila, kung makatingin sa pagkaing nakahanda, akala mo makakain sila, di nila alam, pang mayaman lang yan" sabi naman ng isa pa
"masyado kayong hambog, akala ninyo kung sino kayong malakas at magaling, makikita nyo, mas magiging malakas ako sa inyo" mula sa loob loob ni Misty.
Hindi na niya pinansin ang mga pasarin ng mga ito, nag umpisa na siyang magsulat ng kanyang pangalan. Natuwa siya sa hiwaga ng papel na kanilang gamit, pagkatapos niyang isulat ang kanyang pangalan, nawala ito at biglang lumitaw ang unang tanong.
Ano ang antas ng lakas meron ang isang tao?
Natuwa naman ang dalaga kasi alam niya ang sagot, mula sa bronze rank hanggang sa Mythic Rank.
pagkatapos ng unang tanong, lumabas ulit ang mga tanong.
halos isang oras na siyang sumasagot nang lumabas sa papel ito:
Huling tanong? bakit mo gustong lumakas?
Ito na ba ang pagsusulit, bakit parang napakadali naman ng mga tanong. nag isip si Misty kung sasabihin ba niya ang totoong dahilan o gagawa siya ng dahilan na kaaya aya sa babasa ng kanyang mga sagot. Sa huli pinili niya ang katotohanan, na kaya siya nagpapalakas para maprotektahan ang kanilang angkan mula sa mga gustong sumira nito.
Wala pang dalawang oras tapos na ni Misty ang kanyang pagsusulit. pinagmasdan nya ang mga maharlikang kasama nila, ayun, nasa mesa na sila ng pagkain at lumalamon. Nang matapos silang kumain, umalis na sila sa silid.
"o mga mangmang, aalis na kami, tapos na kami, napakadali ng mga tanong hindi pa kayo tapos, hindi kayo makakapasa niyan. nakaka hiya kayo, mga basura" pang iinis pa nila bago sila umalis.
Kimkim ang kamao na pinipigilan ni Misty na sagutin ang mga ito. "kung alam niyo lang, tapos na din ako" sa loob loob niya.
Muli niyang pinagmasdan ang paligid, dahil sa tapos na siya, tumayo siya at hinanap ang mga bagay na kailangan sa pag lilinis, pinulot niya ang mga bagay na kelangan iligpit.
Abala siya sa pagliligpit para maisaayos ang silid na ito nang mapansin niyang tinutulungan na din siya ng mga kasama niya.
"Tulungan ka na namin, para sabay sabay tayong kakain, mukhang masarap ang iniwan na pagkain sa atin ng akademiyang ito." sabi ni isang dalagang mula sa angkan na angkara. "ako nga pala si Angela Creta" dugtong pa nito
"ako naman si Misty Draco"
"Hi, ako naman si Guine Cartos"
"ehem, ako naman si Roy Morte at ito naman si Franco Curthel, at Osario Tambot naman iyung medyo mataba"
"kamusta, ako naman si Lyla Maculo, alam mo Misty, ang ganda mo, walang panama sayo yung Vera mula sa itim na tigre kanina. mayaman lang siya, pero maliban doon, wala na siyang panama sayo. " masiglang bati naman ng dalagitang mula sa angkan ng dilaw na rosas.
"hindi naman, ang ganda kaya niya. Bilisan nalang natin at nang makakain na tayo" pambabale wala ni Misty sa pagkukumpara nila sa kanya kay Vera na mula sa itim na Tigre.
Nang matapos nilang malinis ang silid, kumain na sila. Napansin nilang ang mga papel nila ay kusang nasunog, hudyat na tapos na ang kanilang pagsusulit, niligpit nila ang kanilang pinag kainan at lumabas na sila sa silid ng pagususlit.
Muli silang tinipon sa malawak na ground ng akademiya.
"Ikinalulugod ko na natapos na ang ikalawang yugto ng pagsusulit, maya maya, ika una ng hapon, malalaman niyo na ang mga masuwerteng nakapasok sa taong ito, hangang sa huling pagkikita" Pagpapa alam ni Class head mistress Aurora sa lahat.
Dahil sa nakatagpo siya ng mga bagong kakilala, inaya siya na maglibot libot muna sa bayan ng Canberra habang hinihintay nila ang resulta ng kanilang pagsusulit.
Pagkatapos mananghalian, agad silang bumalik sa akademiya. marami na ang naghihintay sa resulta ng huling yugto ng pagsusulit.
"Magandang hapon mga kabataan ng Mohiyan, hawak ko na ngayon ang mga limapu na nakapasa sa huling yugto ng pagsusulit, handa na ba kayo"
Lahat ng kabataang nandoon ay kinakabahan na hindi matawag ang kanilang pangalan. Isa na doon si Misty Draco. Nagulat siya na limampu lang pala ang nakapasa sa huling yugto
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na lahat kayong pumasa ay marunong sumunod sa tamang panuntunan. Binabati ko ang mga kabataang nakuhang maghintay ng tatlong oras sa loob ng silid, at hindi lumabas hanggat hindi nakikita ang hudyat na tapos na ang pagsusulit, dahil doon, nakita namin ang inyong magandang pag uugali." Muling wika ng Head Master.
Gaya ng inaasahan ,ang sampung naunang tinawag ay ang sampung nakakuha ng apat na pagsang ayon mula sa apat na faction head.
"Meron na lang tayong sampung natitirang pangalan.. sila ay" pinagpatuloy ng academy head master ang pagbabasa ng pangalan. nasa ika apatnaput dalawa ng mabanggit ang pangalan ni Misty Draco.
Walang pagsidlan ang kanyang saya ng makapasa siya sa ikalawang yugto ng pagsusulit. narinig din niya na nabanggit ang pangalan ng anim na kasama niya sa silid. Tuwang tuwa sila na pormal na silang makaka pasok sa akademiyang ito.
"Muli sa mga nakapasa, binabati ko kayo, sa mga hindi nakapasa, kung gugustuhin nyo, maari na naman kayong sumubok tatlong taon mula ngayon." huling pagbati ng head master sa lahat.
Nang matapos ang pag aanunsyo, hinatid na sila sa kanilang magiging tuluyan sa loob ng akademiya.
Pagpasok nila sa gusali ng kanilang magiging silid tuluyan, may nakatayong isang babaeng halos kaedad lamang nila ang naghihintay sa kanila
Lahat ay tumigil sa kaniyang harapan. Napansin ni Misty na nasa apatnapu lang silang nandito, wala ang nangungunang sampu sa gusaling ito.
"Ako si Quarters head Hilda, isa ako sa mga core member ng warriors faction at ako ang batas sa loob ng gusaling ito, lahat ng gagawin nyo ay kelangan may pahintulot ako, ayoko sa taong maingay at pinaka ayoko ang gulo. kahit kabilang man kayo sa maharlikang angkan, wala akong paki alam." pagpapakilala niya sa mga bagong estudyante ng Mohiyan Academy.
"kahit kabilang ako sa royal clan ng iron dragon?" mayabang na tanong ng isang bagong estudyante, ito ay si Valerian Clarret.
"Kahit pa isang prinsipe o ang hari, sa loob ng gusaling ito, ako ang masusunod! Maliwanag? " sigaw ni hilda
Napahiya naman ang mayabang na miyembro ng royal clan. Nag-ngingitngit sa galit si Valerian sa quarters head na nagpahiya sa kanya.
"Makikita mo, isang araw luluhod ka din sa akin" sa loob loob ng napahiyang binata.
"Dito sa unang palapag matatagpuan ang kainan, sa ikalawang palapag, dun puwede mag silid ang mga miyembro ng ordinaryong angkan at sa ikatlong palapag naman, mas malawak ang nyong mga silid, doon ang silid ng mga miyembro ng maharlikang angkan, sumunod kayo sa akin at ibibigay ko ang mga numero at susi ng magiging silid ninyo." utos ni Hilda sa lahat
Masaya naman si Misty dahil sa wakas, nakapasok na siya sa akademiya ng kaharian ng Mohiyan. umaasa siyang dito mapapalakas ang kanyang antas ng lakas at kung papalarin maka abot kahit sa mataas na tier ng grandmaster.
masaya ka din ba para sa ating maganda at mabait na bida?
nakapasok na siya sa Mohiyan Academy.