bc

Ang hirap mag mahal ng taong tapos ka ng mahalin

book_age16+
34
FOLLOW
1K
READ
forced
sensitive
confident
twisted
sweet
serious
rejected
weak to strong
selfish
shy
like
intro-logo
Blurb

A story about a girl who is not contented on what she has. She is coward. She is beautiful. She is selfish. She is kind. She is self-centered. She is friendly. You can find it in the beginning but you can find it in the end.

chap-preview
Free preview
UNO
"Hindi pwede ayoko" "Kahit isang beses lang? Tsaka hindi naman nila iisipin na ikaw yung pupuntahan ko. Andun naman si Henny dun nalang ako lalapit" "Ang kulit mo. Ayoko nga. Dun mo nalang ako antayin sa may kanto" Binaba ko na yung tawag at lumapit na sa mga kaibigan ko. Ang kulit niya naman kasi. Alam naman nya naman na bawal pag pipilitan pa nya. "Chris yun?" tanong sakin ni Henny nung lumapit ako sa kanya. Tumango lang ako sakanya bilang sagot. Sya lang naman tsaka si Jam yung nakakaalam ng abot samin ni Chris. Di ko kasi kayang sabihin sa buong tropa kasi ayokong iba yung ispin nila sakin, alam ko naman na mga tabas ng dila nung mga yun. Si Henny kasi pinsan nya si Chris tapos si Jam malapit kay Chris kaya nalaman nila. "Wawa naman pinsan ko. Rejected na naman" tumawa sya ng malakas pag katapos nun at bumalik na din sya sa ginagawa nya. Hindi pumasok yung second subject namin kaya naman nag iwan nalang sya ng gagawin namin. Balak ko na sanang umuwi kasi may usapan kami ni Chris kaso ayoko naman tumanggi sa mga to na sabay sabay na daw gawin yung acitivity para sabay sabay narin makapag pasa. Manginginom lang tong mga to pero ang lakas din makaimpluwensya mag aral ng mga to. Nang natapos na kaming lahat sabay sabay na kaming lumabas ng room. Narinig kong tinawag ako ni Henny na kausap ni Manuela sa likod. "Sabay na tayoooo. Wag mo ko iwan please" ang hyper talaga neto. "Sinong mang iiwan?" "Ikaw! Lagi mo kong iniiwan! Nauuna ka pa sa first kapag uwian na eh" "Gago" Malapit lang naman sa bahay yung school. Mga dalawang sakay ng tricycle tas okay na. "Magkikita kayo?" tanong sakin ni Henny nung nasa loob na kami ng tricycle. Medyo magkalapit lang kasi ng bahay tong si Henny tsaka si Chris kaya talagang magsasabay kami. "As usual. Gusto nga akong sunduin kanina sa school" "Oh? Bat di ka nagpasundo?" "Baliw edi ano iisipin nung iba?" "Ano bang iisipin nila?" "Buang! Malalaman nila yung about samin!" "Malalaman din naman bandang huli bat di pa paagahin?" "Ewan ko sayo" "Takot ka kay Ella noh?" "Mama mo takot" "Break na sila, ano pang pakialam nya?" "Basta ang panget tignan. Nahihiya ako kasi nagkagusto ako sa ex nya." "Eto na naman tayo sa pagiging guilty mo" Ewan di ko kasi kayang aminin na nag kagusto ako sa ex ng tropa ko na tropa din namin. Gets nyo ba? Si Chris kasi kaibigan din namin, tapos yung ex nyang si Ella kaibigan din namin. Tapos nag break na sila matagal na dahil kay Ella tapos ayon pagkatapos nun naging close kami ni Chris hanggang sa umamin siya sakin na may gusto sya sakin tas ayun tuloy tuloy na hanggang ngayon. Hindi naman kami. Parang m.u lang ganon pero gusto nyang manligaw kaso ayoko pa kasi sinusure ko pa yung nararamdam ko sakanya kasi baka biglang mawala ayoko naman mang iwan sa ere. Pareho naman tong pinasok pareho dapat kaming lalabas. Dumeretso kami ni Henny dun sa kanto sa kanila don kasi nya ako susunduin kasi medyo malayo yung bahay nila dito pag dito sa kabilang street dadaan. "Arte naman pede ka naman dumeretso dun" "Paki mo ba? Magpabebe ka kaya kahit minsan" "Arte parin" Pinag usapan lang muna namin yung about sa activity kanina na ginawa dahil hindi na naman sya sigurado sa mga sagot nya kanina. Lagi naman ganyan yan pero kapag nag checheck na puro matataas score minsan dalawa lang mali o kaya tatlo. Gusto nya sanang pumasok muna kami sa bahay nila para dun nalang mag antay kaso ayoko pumasok sa kanila kasi nahihiya ako baka pakainin na naman ako nung mama neto. Pag napapadpad kasi ako sakanila lagi akong pinakain nung mama nya. Sa lahat naman ganon yung trato nila. Ikaw nalang mahihiya pag inaalok ka kahit patay gutom ka. Sinabi kong ako nalang mag aantay dito kaso ayaw naman pumasok baka daw kasi paag tripan ako pag iniwan nya ako mag isa dito. "Ayan na oh" Nakita namin si Chris na papalapit habang may hawak hawak pa na bola. Nakaputing t-shirt sya tas naka jersey short na kulay black, meron din syang head band na kulay puti. "Baho ha" sabi ni Henny nung makalapit samin si Chris. "Kapal mo. Kakaligo ko lang" "Di halata. Para kang ipis na pagod" "Balik kita sa punso" "Balik kita sa tyan ng nanay mo" "Baka maunahan kita" "Mauuna ka talaga tanga" Di talaga nawawalan ng sinasabi tong dalawa na to. Lagi nalang ganito kapag nag kikita sila. "Okay na kayo? May bukas pa mag tira kayo" Umirap lang si Henny kay Chris at ganon din si Chris sakanya. "Tara na Ry baka may masapak pa ako dito" hinila na ako ni Chris papalapit sakanya at di na nag paalam kay Henny para umalis kaya lumingon ako sa kanya para mag paalam. "Susunod ako! Weyt mo ko sa gate bihis lang ako!" sigaw nya bago pumasok sa eskinita nila. Baliw talaga sasama naman pala sya sa court bat kaya di pa sya nag bihis kanina nung inaantay namin si Chris. "Lalandi na naman yun. Tsk" "Anong lalandi ka jan. Si Ian yung lumalandi sakanya halos supalpalin na nga nya muka nun eh" "Sus tingin mo bakit laging sumasama satin yun pag may laro kami?" di na nya ako inantay sumagot at sinagot na nya yung sarili nyang tanong "Malamang para magpalandi kay Ian" hinampas ko sya sa balikat dahil sa sinabi nya. "Hoy gago to pinsan mo yung sinasabihan mong malandi" taka syang tumingin sakin. "Huh? Sinabi ko bang malandi sya? Ang sabi ko nagpapalandi sya kay Ian na halata naman na gustong gustong nya" "Bobo parehas na din yun" "Ako nasasaktan na ako kakaganyan mo ha" "Tanga mo kasi mga bente" tumawa lang sya sa sinabi ko. Inakbayan nya nalang ako habang papunta kami sa kanila. Kakain daw muna kasi kami bago pumunta sa court. Manonood lang naman talaga ako ng laro nila kaya pinapunta nya ako dito. Gusto daw nya ng may mag chicheer sakanya kasi naiinggit sya sa mga tropa nyang kasama yung mga jowa. Apaka inggitero talaga. Pagkatapos namin kumain nagpahinga muna kami saglit bago pumunta ng court 4pm pa naman yung laro nila kaya ayos lang na kumain muna kami. Pasimula na yung laban nung nag text si Henny para magpasundo sa gate kaya tumayo muna para puntahan si Henny. Nung palabas ako nakasalubong ko si Ian na may dala dalang gatorade na blue. "Kasama mo si Henny?" "Sa gate na daw" "Ako nalang susundo" "Ikaw bahala. Sana buhay ka pang makarating dito" Kaya naman bumalik na ako sa pwesto ko. Landi talaga ng Ian na yun tapos sasabihin ni Chris pinsan nya malandi? Baliw talaga. Umupo si Henny sa tabi ko ng nakasimangot. "Inaasahan ko kapwa nuno yung susundo sakin bakit dambuhala yung sumundo?" "Sabi nya sya na daw eh. Alangan naman tanggihan ko baka umiyak pa" "Bugaw ka" Nag start na yung game kaya naman tumahimik na ako habang si Henny nag sasalita parin kung gano sya kainis sa pag mumukha ni Ian. Di naman panget si Ian, gwapo nga nun eh mas gwapo pa kay Chris. Seryoso ako jan. Tipong mapapalingon ka pag dadaan sya sa harapan mo tapos sobrang bango pa nun. Bagay sila netong si Henny. Mukang mahinhin pero balahura. "HOY TANGA TANGA MO! PINAPAHIYA MO ANGKAN NATEN!" sigaw ni Henny nung nakita nyang di nashoot ni Chris yung bola. Sinamaan lang sya ng tingin ni Chris at bumalik na ulit sa pag lalaro. "Pano mo ba nagustuhan yun? Bobo naman mag hawak ng bola nun" "Sa pag hawak ba ng bola nasusukat pag ka gusto?" "Hindi, sa pag hawak ng s**o oo" tumawa sya sa sinagot nya sakin kaya naman hinila ko yung buhok nya sa pagiging bastos nya. "Manyak mo" "Mas manyak si Chris. Tinatanong nga nya kung nakita ko na ba n*****s mo eh. Like ang tanga diba? Hindi naman tayo nag papakitaan ng mga u***g. Ano yun parang "uy tingin ng u***g mo kung ano kulay, sakin kasi medyo pink" duh bobo diba?" nagulat ako sa sinabi ni Henny. Baliw talaga yung gago na yun. Pinag nanasaan pati n*****s ko. Ni hindi nga kami nag ki-kiss tapos nasa n*****s na agad isip nya? Bat ba ako nag kagusto dun? Oo alam ko na manyak sya pero potah pati sa pinsan nya sinasabi nya mga kabastusan nya. "Totoo ba yan?" "Oo gagi, naka secret message pa nga yung tanong nya kaso nawala agad kasi may oras" Manyak talaga ng gago na yun. Humanda sya sakin Nanalo sila Chris kaya naman sila yun nilibre ng qwek qwek sa labasan. Yun lang naman pustahan nila eh, manlilibre pag talo. "Manyak mo." kinurot ko si Chris sa tagiliran nung lumapit sya sakin. Tumayo na si Henny para bigyan kami ng oras para mag usap. Alam kasi nyang gigisahin ko Chris. "Ha?" "Hatdog" "Ano?" "Anone" "Isa pa." "Ang manyak mo. Manyak mo. Sobrang manyak mo" tumawa lang sya sakanya at umupo sa tabi ko tsaka ako hinila papalapit. "Ang baho Chris" pilit kong inilalayo yung katawan nya sakin kasi mababasa yung uniform ko ng damit nya. Hindi naman sya mabaho, pero sobra talaga yung pawis nya kaya ayokong madikit sa kanya. "Arte mo naman, di mo na nga ako chinicheer tapos ganyan ka" "Chinicheer kita di lang naririnig" kahit yung totoo nanonood lang ako ng tahimik, kinakabahan kasi ako pag nanonood ng basketball baka masubsob sya ng di ko namamalayan. "Puro panlalait ni Henny naririnig ko" pabebe talaga neto mas sya pa yung babae sa aming dalawa eh. "Manyak mo. Bat mo tinatanong kay Henny ano kulay ng u***g ko?" binatukan ko sya pag tapos nun Nakahawak lang sya sa ulo nya na hinampas ko habang nakakunot yung noo. Iniisip nya ata yung sinasabi ko. Nung marealize nya na namula yung mukha nya at nag iwas ng tingin sakin. "Grabe kakapanood mo ng p**n yan" tumawa na nalang ako para mabawasan yung hiya nya. Tumayo ako at kinuha yung towel nya at pinunasan yung pawis nya. Tumingala sya sakin habang nakangiti sya na parang may gagawin masama. "Gusto ko lang malaman kulay. Di naman bastos yun." tumawa pa sya pag katapos nya sabihin yun. Baliw talaga to. "Manyak mo wag kang tutungtong sa bahay namin" "Di nga ako makatungtong kahit sa labas ng gate tapos sa loob pa ng bahay nyo?" "Strict kasi talaga parents ko, alam mo na ganda ko kasi" "Kapal ha, di kita tinuruan ng ganyan" Pumunta na kami sa kanila pag tapos namin sa court. Sumama si Henny samin hanggang sa bahay nila kaya naman banas na naman tong Chris sakanya. "Bat ka ba sumama? Wala ka naman gagawin dito. Umuwi ka na nga" "Hoy! Fyi pinapunta ako dito ni Tita noh!" "Makikikain ka lang naman dito" "Kaya nga diba, aantayin ko sya. Gawin nyo lang gusto nyong gawin jan basta wag masyadong wild inosente pa ako" Nasa sala lang nila kami habang nanonood ng movie. Ganto lang nama palagi ganap namin pag nakanila Chris ako eh. Manonood ng laro nila. Tatambay sa bahay nila. Minsan dito ako gumagawa ng assignment tapos tinutulungan nya ako. Nag stop na sa pag aaral si Chris para pag aralin muna yung pangalawa nyang kapatid. Tapos ngayon nag tatrabaho sya bilang encoder, dito lang naman siya naka base sa bahay nila tapos ipapasa nalang kung mga files na ipapagawa nya kaya waitings din sya minsan. Pero ngayon day off nya. Bihira lang kami mag kita kaya sinusulit namin yung mga ganitong time. "Ayaw mo pa rin ba?" bigla nyang tanong sakin habang pinag lalaruan nya yung isa kong kamay at nakatingin sa tv. Mahina lang yung boses nya kasi ayaw nyang marinig ni Henny na medyo malapit lang sa sofa na inuupuan namin. Naguluhan ako sa tanong nya kaya lumingon talaga ako para tignan sya ng mabuti. "Ayaw mo pa rin bang ligawan kita?" ulit nya ng mas malinaw sa tanong nya kanina Bakit ba kasi ayaw ko pa? Kasi hindi pa ako sure? Kasi hindi ko pa alam kung totoo na yung nararamdaman ko? Ano ba talagang dahilan ko? O baka natatakot lang ako sa sasabihin ng ibang tao sa relasyon namin? "Naiinip kana ba?"napalingon sya sakin pag kasabi ko nun. Umiling sya ng ilang beses sakin. "Hindi, hindi ako nag mamadali. Baka lang kasi ready ka na mag paligaw." "Aantayin mo ko?" Tumingin sya ng seryoso sakin habang hawak parin yung isa kong kamay. Para akong hinihila papalapit sakanya nung mga mata nya. Ang hirap makahinga. "Oo naman. Aantayin kita kahit gano katagal" ngumiti sya sakin ng hindi abot sa mata pag katapos nun. Narinig namin na umubo si Henny kaya umayos na kami ng upo. "Ouch. Waiter" sabi pa nya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook