"Kamusta?" tanong sakin ni Chris kinagabihan nang tumawag sya sakin.
"Anong kamusta? Mula umaga hanggang gabi tayo mag kausap. Parang di updated ah?"
"Eh wala gusto ko lang mag kwento ka ng mag kwento. Napagod kaya ako kanina, tsaka nagpapahinga na ako oh gusto ko lang marinig boses mo" bumuntong hininga sya pag katapos nun.
Alam nya kung ano nangyare kay Ella pero hindi ko sinsabi sakanya na alam ko na nag chachat pa sa kanya si Ella. Ayoko naman kasing mag mag-akusa ng di ko napapatunayan kahit na mismong pinsan na nya yung nag sabi nun. Malay ko ba kung si Ella lang talaga yung nag chachat pero di naman nya pinapansin diba? Pero baka malay ko nag uusap na talaga sila ng hindi ko nalalaman.
Madaming pwedeng isipin pero kada iniisip ko sa mga posibleng dahilan masakit parin sa puso.
Wala namang kami pero ang sakit. Nakakatanga.
"Sa sem break nyo punta tayo tagaytay" bigla nyang sabi.
"Ha?"
Tagaytay? Baliw ba to? Tingin ba nya papayagan ako? Oo gusto ko sumama pero papayagan ba ako ng parents ko? Ni hindi nga nila ako pinapayagan makipag sleep over tapos sa tagaytay pa kami pupunta?
"Isang araw lang naman tayo. Uwi din tayo bandang gabi" desidido talaga sya huh.
"Tatry ko"
"Sige na sama kana. Gusto mo isama pa natin sila Henny tsaka Jam? Sama ka lang talaga"
"Tatry ko. Ang layo nung tagaytay, tsaka di ko alam ipapaalam ko kanila mama"
"Ipaalam kita?"
"Chris!"
"What? Kilala naman na ako ng mama mo ha, bat di mo ako hayaang ako ang magpaalam para payagan ka?"
"Hindi pwede okay, hindi pwede"
Tumahimik sya pag katapos kong sabihin yun at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga hininga nya.
"Ayaw mo ba saken?"
Pano nya naisip yung ganyang tanong? Kakausapin at hahayaan ko ba syang puyatin ako ng hindi ko sya gusto?
"Bakit?"
"Wala natanong ko lang. Baka lang kasi ayaw mo sakin kaya hindi mo ko kayang ipakilala sa magulang mo"
"Chris, alam mo naman yung sitwasyon naten diba?"
"Oo alam ko naman, hindi naman ako napapagod sadyang naiisip ko lang na hindi habang buhay mag tatago tayo sa mga kaibigan naten. Hindi ko kayang hindi kita ipagmalaki Ry, ikaw yung pinaka magandang nangyare saken, ikaw yung bumuo ulit saken"
"Hindi ko kayang sabihin sa kanila Chris. Oo maintindihan tayo ng iba pero konti lang yun. Konti lang sila. Alam mo naman yung bibig nun ni Ella. Ayokong makarinig sa iba na sinasabi nyang pinulot ko pa kung ano yung pinaglumaan na nya. Ayoko ng ganon. Ayokong pag usapan. Mahirap yun"
"Wag mo kasing isipin yung sasabihin ng ibang tao. Hindi naman sila yung na papakain sayo Ry. Tayong dalawa ang nasa relasyon na to at tayong dalawa lang din ang may karapatang humusga sa isa't isa"
"Chris, hindi ko maiiwasan yun. Di ko maiiwasang makarinig ng kung ano ano galing sa iba. Ikaw ayos lang sayo kasi lalaki ka at wala ka na dito school. Pero pano ako? Chris kasama ko yung mga taong humahanga sa pagmamahal mo dati kay Ella. Nakakasama ko palagi yung mga kaibigan natin. Hindi ko kayang makita yung panghuhusga sa mata nila once na malaman nila yung about saten"
Bumuntong hininga sya pag tapos nun. At ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin.
Walang nagsasalita samin pag katapos kong sabihin yun. Iisipin ko na sanang tulog na sya ng bigla syang nag salita.
"Okay sige. Naiintindihan kita"
Hindi ko alam kung pano ko pa ipapaliwanag kay Chris yung nararamdaman ko. Alam kong gustong gusto nya akong ipagmalaki sa iba pero di nya magawa kasi ayoko. Ang swerte ko kasi naiintindihan nya ako. Hindi ko alam kung hanggang saan yun.
Sana dumating din yung araw na kaya kong harapin yung mundo na hindi tinitignan yung mga mata ng mga mapanghusga na tao.
Palabas ako ng room ng bigla akong inakbayan ni Monique.
"Kanila Andi ulet"
Napalingon ako sa sinabi nya kasi kagagaling lang namin dun nung isang araw.
"Ulet? Moni na naman?"
Sa dulo ng hallway nakita ko yung iba naming kaibigan.
Bukod kasi saming mga babae may mga kaibigan din kaming mga lalake. Hindi nga lang namin nakakasama lagi kasi iba yung sched nila samin. Di kasi sila sumabay samin mag paenroll kaya ayun iba yung sched.
"Kasama sila Maky. Pupunta din ata si Chris" nagulat ako sa sinabi nya kaya napahinto ako ng lakad. Nakaakbay sya sakin kaya naman pati sya napatigil din.
"Si Chris? Bat di sya nag paalam sakin?"
Bat hindi sinabi sakin ni Chris na may inom na naman kanila Andi at pupunta pala sya. Mag kausap kami kanina bat hindi man lang nya nabanggit?
"Nanay ka? Bat mag papaalam sayo? Kailangan ba ng kumpirmasyon galing sayo para makapunta sya?" tanong nya
Dun ko lang narealize yung tanong ko sa kanya kaya naman pinagpatuloy ko yung pag lalakad papalapit kanila Maky at nag isip ng isasagot sa kanya.
"Duh nag away kami nun nung nakaraan sa chat, grabe mang asar yun diba? Napikon ako kaya sabi ko wag syang sasama pag may nag aya sa tropa kaya ayun" casual kong sabi na akala mo totoong nag away nga kami ni Chris.
"Minsan na nga makasama saten inaaway mo pa. Mag sorry ka dun"
"Yoko nga kapal ng muka non"
Dumeretso kami sa bahay nila Andi ng makumpleto kami. Si Chris daw susunod nalang pag katapos ng shift nya.
"Tamang tama pupunta si Chris! Namiss ko talaga yung dambuhala na yun" sabi ni Jerry.
Malapit kasi sya kay Chris pero hindi nya alam yung about samin ni Chris kasi sinabi ko na wag sabihin kasi madaldal yang si Jerry hindi pwede pag sabihan ng secret.
"Di ko sya miss" sabat ni Henny habang na nag hahanap sya ng magandang movie.
Himala at hindi sya kasama sa mga iinom. Sabagay adun din kasi si Ella at hanggang ngayon hindi parin sila mag kaayos.
"Malamang lagi mo nakikita!" umupo sa tabi nya si Carl at inagaw yung remote sakanya "Ako na nga mag hahanap. Baka series na naman ipanood mo samin mabibitin na naman kami"
Nahati na naman kami sa dalawang grupo. Meron nandun sa lamesa para uminom at merong nandito sa sala ni Andi para manood lang.
Pumunta si Jerry sa sala dala dala yung pitsel ng pinaglagyan nila ng alak at nilapag sa sahig. Kasunod nya si Maxine na may dala dalang mga baso.
"Oh dito na tayong lahat. Panget pag watak watak tayo di tayo makakapag usap ng maayos. Iinom lahat ah!" anunsyo nya pa bago umupo sa sahig.
Nareklamo si Henny na kakainom lang daw nya nung isang araw at ayaw nya munang uminom ngayon.
"Nung isang araw pa yun! Mag kaiba yun sa ngayon" sabi kanya ni Carl.
"Letse naman! Pag may nangyaring masama sa atay ko ipakukulong ko dahilan ng inuman na to" kinuha nya yung binigay na baso ni Jerry at sya ang unang uminom samin.
"Whoo! Lord gabayan nyo po yung atay ko"
Nagtuloy tuloy na kami sa inuman habang ako nakikipag usap kay Manuela.
"Di pa ba ayos yung dalawa?"
Kahit di sya mag banggit ng pangalan kilala ko kung sino yung tinutukoy nya.
Lahat na siguro sila napansin na hindi mag kaayos si Ella at Henny dahil sa pananahimik ni Ella pag si Henny na yung nagsasalita. Kadalasan kasi kapag may maling nasasabi si Henny kinocorrect sya ni Ella tapos mag aasaran silang dalawa hanggang sa mayroon na isang mapipikon sa kanila.
Nakita naming tumayo si Ella at pumunta sa tabi ni Henny na kasalukuyang nakaupo si Carl.
"Ano ba Ella! Wag ka nga dito!" pananaboy sa kanya ni Carl.
Pilit sinisiksik ni Ella yung sarili nya sa tabi ni Henny para makaupo at makatabi nya si Henny. Dahil sa pag yugyog nainis na ata si Henny.
"Ano ba? Pansin ka?" tumayo sya at pinili nalang na umupo sa sahig malayo kay Ella.
Nakita kong napabuntunghininga nalang si Ella at umayos na ng upo sa tabi ni Carl. Natawa naman si Carl sa nangyari dahil alam na nyang mag kaaway nga yung dalawa.
"Gosh! Nung isang araw pa yan ha! Make bati na nga! Sakit nyo sa head" sabi sa kanila ni Andi.
"Wala kayong mapapala sakin" masungit na sagot ni Henny at tinanggap yung shot na binigay ni Jerry.
Sobrang sama nga siguro ng loob nya kay Ella kaya hanggang ngayon hindi nya parin kayang kausapin.
"Sorry na Henny" sabi ni Ella na rinig na rinig namin.
"Oh sorry na daw Henny." sabi ni kuya Paolo sa kanila
Inirapan nya lang si Kuya Paolo at binalik yung atensyon sa pinapanood.
"Waw sunget. Chicks ka?" sabi ni Kuya Paolo sa kanya at nag tawanan sila Jerry dun.
Pilit nilang babati yung dalawa kahit na hindi nila alam kung bakit sila nag away. Kahit anong pilit nila di parin talaga nakikipag bati si Henny at nag mamatigas ang ulo.
Sa pag uusap nila hindi nila namalayan na nakapasok na sa bahay nila Andi si Chris. Kung hindi pa sumigaw ng malakas si Chris hindi nila malalaman na nandito na sya. Saglit kong nahagip yung tingin nya at iniwas ko agad. Nilapitan sya nila Kuya Paolo para kamustahin. Alaga sya ngayon nila Kuya Paolo kasi minsan nalang talaga namin nakakasama si Chris sa mga ganitong inuman.
Kinuha ni Carl yung bag ni Chris at inilagay sa tabi ng mga bag namin. Si Jerry naman umupo sa tapat nya at pilit tinatanggal yung sa sapatos habang si Kuya Paolo naman minamasahe sa likod si Chris.
"Hoy mga gago kayo!" sabi sakanila ni Chris
"Namiss ka namin pre. Pakiss nga!" inilapit ni Carl yung muka ni kay Chris para humingi ng halik pero sinapak lang nya sa balikat si Carl at nagtawanan sila.
"Sige pag silbihan nyo ko. Ilabas nyo yung pagkain!"
Umupos na din si Chris sa sahig tabi ni Henny. Nararamdaman kong napapatingin sya sakin pero hindi ko sya pinapansin.
Baluga sya hindi man lang nag sabi na pupunta pala sya dito. Galing trabaho pagod tas makikipag inuman pa.
"Meron pang isang mag kaaway dito eh" sabi bigla ni Monique
Naguluhan ako sa sinabi nya kaya napalingon ako sa kanya at nakatingin din sya sakin tapos kay Chris. Pabalik balik yung tingin nya samin ni Chris kaya naman naguluhan narin yung iba. Nakita kong kumunot yung noo ni Chris kaya napatingin sya sakin.
Nang narealize ko kung ano ang sinasabi ni Monique tumawa nalang ako para kunwari hindi totoo.
"Wala yun sus!" sabi ko sakanya at bumulong na tumigil sya.
"Makipag bati kana Chris! Palit tayo pwesto dito kana" tumayo ni Monique at lumapit sa pwesto ni Chris. Si Chris naman kahit naguguluhan sumunod parin sya at umupo sa tabi ko.
Humilig ng konti si Chris papalapit para itanong kung anong problema at bat sya mag sosorry.
"Wala yun wag mo na pansinin. Gumawa lang ako ng kwento"
Tumango lang sya nun at nakipag inuman na. Sa buong mag katabi kami ni Chris hindi kami masyadong nagkakausap dahil panay ang kausap sakanya nila Jerry. Habang ako naman nanood lang movie.
Ganito naman kami palagi simula nung nag karoon ng something saminng dalawa. Madalang lang kaming mag pansinan para hindi kami mahalata masyado. Tsaka simula kasi nung napalapit na kami sa isa't isa iba na yung turing nya sakin kapag mag kakasama kaming lahat sweet yung pakikitungo nya sakin kumpara sa iba, tapos di talaga nya matago na may gusto sya sakin, natanong pa nga kami ni Kuya Paolo nun kung may something daw ba samin. Kaya ayun simula nun distansya talaga yung ginawa namin. Tipong mag uusap kami pero di dapat malaman ng iba na may something samin.
Ang hirap din kaya gumalaw habang may kasama kayong iba.
"Oh wala na pa lang alak. Bili muna kay0" utos ni Jerry.
"Ikaw kaya bumili? Inom na inom ka pa eh" sabi ni Manuela sakanya.
"Ikaw nalang kaya? Kita mong nahihilo na ako"
"Ako nalang" sabat ni Ella sakanilang dalawa.
Mukhang wala pa naman syang tama kaya nag prisinta nalang sya.
"Ako nalang baka lasing kana" prisinta ko naman.
Syempre kaibigan ko pa rin to baka kung ano pang mangyari sakanya sa labas.
"Oo kami nalang ni Ryji" sabi naman ni Chris.
"Hindi ako nalang talaga di pa naman ako lasing." sabi naman ni Ella.
"Baka mapahamak ka pa sa labas. Kami nalang." sabi ko naman.
"Si Ella nalang kaya tsaka Chris?"
Nagulat ako sa sinabi ni Monique. Napilingon ako sakanya at nakita kong nakatingin siya kanila Ella at Chris.
"Oo nga sila na lang. Di naman papabayaan ni Chris si Ella eh diba?" dagdag pa ni Carl.
Tumahimik nalang ako sa mga suggestion nila. Syempre sino pa nga bang gusto nilang makasama ni Chris kundi si Ella lang? Si Ella lang naman yung tingin nilang bagay kay Chris. Si Ella lang naman yung tingin nilang aayos sa buhay ni Chris. Si Ella lang. Kay Ella sila botong lahat.
"Ah hindi ako nalang. Kaya ko naman di naman malayo yung tindahan"
Bakit parang nakikita kong nagpapapilit sya?
"Hindi, sasamahan ka na ni Chris. Baka ano pang mangyare sayo jan" sabi naman ni Andi.
"Ikaw nalang Carl di ka pa naman lasing eh" sabi naman ni Chris.
Halatang ayaw nya kasama si Ella kaya pinagpipilitan nyang ni Carl nalang yung sumama kay Ella bumili ng alak.
"Ikaw na Chris" sabi naman ni Monique
"Wag nyo ngang pilitin si Chris. Kung ayaw nya edi ayaw. Carl ikaw nalang sumama kay Ella" sabi naman ni Jam sa kanila.
Nakikinig lang ako sa piang usapan nila. Ayoko naman sumabat at sabihing ayokong sumama si Chris kay Ella kaso hindi naman pwede at wala naman silang alam tungkol samin.
"Tayo na Chris! Kayo na ni Ella" utos ni Kuya Paolo.
Napilit nila si Chris sumama kay Ella para bumili ng alak.
Hinawakan ni Chris yung tuhod ko bago sya tumayo na parang nag papaalam syang aalis sya.
"Pag wala kayong nabili jan sa labas dun nalang kayo sa labasan bumili. Baka kasi sarado na ngayon don" paalala ni Andi sakanila.
Nag ambagan kami at binigay kanila Chris yung pera. Nauna si Chris lumabs pero bago sya makalabas ng pinto tumingin muna sya sakin para tumango. Kaya naman iniwas ko yung tingin ko sakanya.
"Sana mag usap ng maayos yung dalawa" sabi ni Kuya Paolo samin.
"Anong pag uusapan nila? Tapos na sila. Wala ng dapat pag usapan pa" sabi naman ni Henny.
Lumapit sakanya si Kuya Paolo at inakbayan sya.
"Ikaw alam mo daig mo pa yung dalawa sa pagiging bitter. Di naman ikaw yung hiniwalyan pero di ka parin maka move on."
"Duh! Pinsan ako. Alam kong alam nyo na ako ang laging nakakasama ni Chris nung panahong iniwan sya ni Ella."
Alam kong kaya ayaw nyang ipagpilitan nila si Chris kay Ella kasi alam nyang masasaktan ako. Alam nya yung nararamdaman ko.
*beep!
From: Chrisy
Ga, sorry...
Hindi ko nalang pinansin yung text ni Chris at nakipag kwentuhan nalang ulit sakanila.
Hindi na ako mapakali nung medyo natatagalan na sila. 30 minutes na simula nung umalis sila para bumili ng alak. Kung jan lang sila sa labas bumili saglit lang dapat pero kung sa labasan sila bumili matatagalan nga sila pero hindi ganito ka tagal.
To: Chrisy
Tagal nyo. San na kayo?
To: Chrisy
San na kayo?
Hindi nag rereply si Chris sa mga text ko.
Pati ata sila Jerry naisip na masyado ng matagal si Ella.
"Tagal nung dalawa ah?" puna ni Manuela
"Baka nag kaayos na at nagkabalikan?" sabi naman ni Andi at sinundan nya pa ito ng pag tawa.
"What? baka nag chukcukan na yun sa kanto" sabi naman ni Monique.
Kung ano ano na yung sinasabi sabi nila at kung ano ano narin yung pumapasok sa isip ko na pwede nilang gawin.
Nang tumagal pa ng tumagal. Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako para sundan sila.
"San ka pupunta?" tanong ni Jam.
"Sa labas papahangin lang. Pam patanggal lasing uwi narin ako maya onte"
"Samahan kita." sabi ni Henny at tumayo na pero pinigilan ko sya
"Wag na ako nalang"
Di ko na inantay yung sasabihin nya at tuluyan na ako ng lumabas.
Una kong pinuntahan yung tindahan sa labas pero sarado na. Kaya naman pumunta na ako sa labasan para tignan sila doon pero hindi pa ako nakakapunta sa labasan ng may narinig akong nag sisigawan sa may kanto.
"Mahal kita Chris! Mahal na mahal!"
Napahinto ako sa paglalakad at lumapit pa ng konti para kumpirmahin kung tama yung hinala ko.
"Bobo puta. May boyfriend ka pero ganyan sinasabi mo sakin?" sagot nung lalaki.
"Akala ko nung una sya yung mahal ko pero ikaw talaga Chris. Ikaw parin talaga." narinig kong lumakas yung iyak nya.
"May girlfriend na ako. Ayoko ng gulo"
"Hindi mo naman sya mahal diba?" rinig kong tanong ng lalake.
Hindi ko alam kung bakit sumisikip yung dibdib ko. Sobrang sakit.
"Sagutin mo ako! Hindi mo naman sya mahal diba?"
Hindi agad sumagot yung lalake kaya naman mas lalo akong lumapit para makita ko yung mga mukha nila.
Gusto kong malaman kung sasagutin ba ni Chris yung tanong ni Ella. Gusto kong malaman kung mahal nya ba ako. Gusto kong malaman para itigil na namin to.
Pero bago pa ako makalapit ng todo may humila na ng braso ko.
"Anong ginagawa mo jan? Bat nakikinig ka ng usapan ng may usapan?" tanong nya.
Hindi agad ako makasagot sa kanya dahil sa gulat.
Bakit sya nandito? Akala ko ba...
"Chismosa ka talaga. Kaya ka nasasaktan eh" tumawa pa sya ng malakas bago ako tangayin pabalik sa bahay nila Andi.
Hindi ko alam yung sasabihin ko sakanya. Gusto kong sabihin sakanya kung ano man yung nasa utak ko pero hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.
"Tahimik mo?"
"Asan si Ella?"
Natigilan sya sa tanong ko pero sinagot parin nya.
"Pinauna ko na sya. Di kasi kami magkasundo" tumahimik sya saglit bago sya nag patuloy ulit "Sabi nya kasi sakin mahal nya parin ako, di ko nasabi na nag memessage pa sya sakin diba?" hindi ako makapaniwala na sinasabi nya sakin to., tumitig lang ako sa mukha nya.
"Sorry, hindi naman kasi importante yun. Wala naman na akong pake sakanya. Ikaw na yung mahal ko eh, ikaw na yung nanjan." ngumiti muna sya sakin bago nag patuloy. "Sinabi ko sakanya na may mahal na akong iba. Pero hindi ko sinabing ikaw ha! Baka sabunutan mo ko hahahaha"
Malapit na kami kanila Andi kaya naman huminto muna ako sa paglalakad.
"Chris..."
Lumingon sya sakin ng nakakunot yung noo.
"Hmm?"
"Ligawan mo na ako" alam kong hindi to ang tamang panahon para sabihin sakanya to pero ayoko namang lagi nalang akong nagdududa sakanya. Alam kong bawal tong ginagawa namin para sa mata ng iba, pero pinasok ko to parehas namin pinasok to kaya sasamahan ko syang tapusin to. Sasamahan ko syang maging masaya. Pipiliin ko muna yung kaligayahan ko.