SINGKO

3529 Words
“Sorry na Ry. Di ko alam ano ginawa ko pero sorry paden. Pero bakit nga?” bungad agad sakin ni Chris ng magkita kami sa labasan papuntang terminal ng tricyle. Papasok na kasi ako at gusto nyang magkita kami bago ako pumasok. Tinext nya ako na mag aantay daw sya sa labasan para masabayan nya ako papuntang terminal. “Si Trixie.” panimula ko. Gusto kong itanong sakanya kung nag cha-chat ba sakanya si Trixie. Di ko naman kasi binubuksan yung account neto kahit binigay nya sakin yung account nya. Privacy padin noh! Di ko alam pano ko sisimulan sabihin yung tungkol kay Trixie. “Trixie?” tanong nya. Nagtuloy tuloy lang ako sa pag lalakad habang nasa gilid ko sya at nakasunod sakin. “Anong meron sakanya” “Dati ba….” “Dati ba? Na ano?” “Kasi sabi nya…. ganto…” “Ha? Ano sabi?” “Uhmm.. kasi” Putcha pano ko sasabihin sakanya! Ngayon na naiiisip ko kung bat ako nainis sakanya napaka babaw naman pala ng dahilan ko. Shuta Ryji! Huminto sya sa harap ko at nakaharap sakin kaya naman napahinto na din ako. “A-ano?” “Upo muna tayo.” Hinila nya ako sa waiting shed malapit sa terminal ng tricycle. Pinaupo nya ako at umupo din sya sa tabi ko. “Alam ko na sasabihin mo” “Ano nga?” “Si Trixie ba kamo?” “Pano mo nalaman?” sinumbong ba ni Henny? O ni Jam? “Kanina mo pa sinasabi pangalan nya. Kaya malamang sya gusto mo pag usapan.” “Alam mo kung tungkol san?” “Sya ba dahilan kung bat di mo ko kinausap kahapon?” Tumango ako sakanya. Tsaka ko nilipat paningin ko sa harapan namin. “Bakit? Dahil ba don sa pag hawak nya sakin sa braso? Sorry na di ko napansin tsaka tinanggal ko naman agad eh” Di ba nya natandaan na naging ka fling nya sa Trixie? O nag tatangahan lang to? Pano ko ba kasi sasabihin? Potek. Parang ayoko na sabihin ang babaw kasi talaga eh. Pwede ko namang ipag sa walang bahala nalang yon tsaka matagal tapos ako naman yung gusto ni Chris ngayon kaya di na nya papansinin yun si Trixie. Eh kaso naman kasi, pano naman kung mag tuloy tuloy chat nun ni Trixie kay Chris ng di ko alam? Duh Ryji sabi nga ni Chris diba di na sya mag cha-chat pa ng iba bukod sayo! Ehhhhh di naman ako sigurado! Potaena may tiwala naman ako sakanya eh kay Trixie lang wala. Pano to ngayon? “Ah potah, dahil ba don?” tanong ni Chris habang nakatingin sa phone nya. “Alen?” takang tanong ko kasi di ko napansin na nag kakalikot na pala sya sa phone nya nung nag-iisip ako kung sasabihin ko pa ba sa kanya. “Kaya ba di mo ko kinausap kahapon kasi nalaman mong nag kachat kami ni Trixie dati?” San nya nakuha to? “Sino nag sabi sayo?” Tinaas nga yung phone nya at nakita ko na mag ka-chat sila ng pinsan nya. “Sinabi ni Henny sakin. Grabe naman pala Ry, gg ka na pala sakin kahapon kaya pala paulit ulit ko nakakagat dila ko. Tignan mo!” nilabasa nya dila nya para pakita sakin yung sugat at wala naman akong nakita. “Arte ha wala naman!” “Meron titigan mo kasi!” “Ayoko! Ambaho ng hininga mo!” nilayo ko mukha nya sakin nung nilapit pa nya ng todo sakin yung muka nya. “Grabe ha! Wala kang kiss sakin!” banta nya. “Paki ko? Wala ka naman talaga kiss sakin!” inirapan ko sya pagkatapos ko mag sani non. “Dukutin ko yang mata mo eh! Mmmm!” umakto pa syag dudukutin yung mukha ko kaya naman lumayo ako sa kanya. “Tigilan mo nga ako! Dun kana sa Trixie mo!” sabay tulak ko sakanya. “Aba potah” di makapaniwalang sabi nya sakin. Tinignan ko sya at nakita kong nakatakip yung dalawa nyang kamay sa bibig nya habang nanlalaki ang mata at halatang nakangiti sya sa likod ng mga kamay nya. “Ano ha!” hamon ko. Di sya gumalaw kaya inirapan ko ulit sya. Naramdaman ko na hinawakan nya yung kaliwang kamay ko. Kaya hinila ko pabalik sakin kasi baka may makakita samin dito. Potek naman kasi dito nya pa naisipan mag usap kami. Sa waiting shed pa! Jusko talaga. “Pag tayo nakita dito nila Mark uupakan kita!” “Arte naman netwaaa! Chosera! Nag seselos ka ba kay Trixie? Bakla! Kinikilig ako!” Pinaghahampas pa ako na parang bakla ng hangal na to. “Ano ba! Di ka titigil? Iiwan kita dito!” “Init ng dugo mare? Wag kana mag selos kay Trixie past is past ang mahalaga sakin ngayon ay ang present. Wag mo na isipin yon.” “Di ako nagseselos noh!” Hindi naman kasi talaga ko nagseselos noh. Gusto ko lang magtanong! Tanong lang talaga promise! Eh bat di mo pinansin kahapon Ryji? Kapokpokan mo din eh! “Sus, tagal na non Ry. Kung nag aalala ka na magchat sakin yun wag ka mag alala naka block nasakin yon.” Napatingin ako sakanya sa sinabi nya. Nakita ko na nasa news feed sya ni Trixie at ibo-block palang nya. Bopols talaga neto. “Sus. Hahanap ng paraan yan. Sabi pa nga nya baka matuloy na daw yung pag punta nya sa bahay nyo eh! May plano pala kayo non, wag ka mag alala di ako sasama.” “Huh? San mo nakuha yan?” takang tanong nya. “Weh kunwari di alam. Back read ka nga sa convo nyo!” Di na sya nag dalawang isip at pumunta sa convo nila ni Trixie at nag back read. “Pucha landi ko pala dito” Oo tanga! Tumingin na ako sa orasan ko at nakita ko na meron nalang akong 20mins bago ang klase ko. “Papasok na ako Chris.” sabi ko sakanya habang abala padin sa pag scroll sa message nila ni Trixie. Nakita ko na papalapit si Trixie sa dereksyon namin kaya tumayo na ako. “Hoy! Aalis na ako. Ano jan ka nalang forever and ever? Papako kita jan sa kinauupuan mo tamo.” “Teka gusto ko makita yung pag na may sinabi syang pupunta sya sa bahay para makita mo din sinagot ko. May 20mins ka pa naman teka.” Nakita ko si Trixie na malapit na at nakikibasa na din kay Chris. “Ooohhh, nag baback read ka sa message natin ah!” Hah! Pucha! “Ay kabayong pagod!” gulat na sigaw ni Chris at mas lalo syang nagulat nung nakita nya si Trixie sa gilid nya. Mabilis nyang tinago yung phone nya sa bulsa nya at pumunta sa likod ko. “Sorry Ry di ko napansin. Uuwi na ako kinalibutan ako bigla sa kanya eh. Doncha worry hahanapin ko yung chat nya na ganon papakita ko sayo ingat ka sa pag pasok ha. Text tsaka chat mo ko!” bulong nya sakin habang nasa likod ko sya. “Bye Trixie!” nag paalam na sya at naglakad na pauwi. “Bat uuwi kana!” sigaw pabalid ni Trixie sakanya pero di na sya nilingon ni Chris. Iniwan ko na si Trixie don ate pumasok na sa tricycle na nakaabang sa harapan ko. “Bat umalis agad yon si Chris?” tanong ni Trixie pag ka pasok nya sa loob ng tricycle. Pucha naman dito pa sumakay to. “May pasok ata eh, ewan ko.” “Ah ganon, sayang gusto ko sana makausap eh.” Di na kami nag pansinan pag tapos nya sabihin yon. Lumipas ang ilang araw na di ko namamalayan. Sa sobrang bilis ng panahon hindi ko alam na November na at malapit na matapos ang taon. Malapit na din kaming maging 3rd yr college. At malapit na din kaming umalis ni Chris at pumuntang tagaytay. Nakalimutan ko na kung pano nya ako napapayag pero basta di pa ako nakakapag isip ng ipapaalam ko. Di naman kasi ako pinapayagan umalis alis ng ganito tsaka anlayo pa non. Mag-iisip talaga ako ng bongga para makasama sa tagaytay. Pucha iba talaga pag inlab kahit bawal talagang gagawa ng paraan para makatakas. Di ko alam na ganito pala ako. Di naman kasi ako ganito dun sa last boyfriend ko kahit 3 years kai non tsaka legal sa magulang never ako nag sinungaling sa mga pupuntahan namin. Pero sabagay legal naman kasi kami non kaya nakakapag paalam ako. Kaya di ko akalain na magsisinungaling ako para makaalis. Chris ano ba ginagawa mo sakin! Jusko! “Ano gagawin mo sa sembreak?” tanong sakin ni Maky habang kumakain kami sa redbong. Eto yung place naparang waiting shed pero may lamesa sa gitna tapos may nakaikot na upuan sa lamesa tapos sa gitna din merong bakal na nakakabit at nag sisilbing pundasyon nung bubong netong inuupuan namin. “Sa bahay lang tambay. Kain. Tulog. Kung walang ipapagawang activity yung mga feeling major na subject malamang ganon lang gagawin ko buong sembreak. Kaw?” sagot ko. “Ganon din siguro. Pag dumating si ate baka mag deliver din ng mga paninda nya.” “May business pala ate mo noh?” tanong sakanya ni Monique. “Nagtitinda din ba ate mo ng lalake?” tanong naman ni Andi. “Bakit kelangan mo na ba bumili? May boyfriend ka ngayon ah” balik na tanong ni Maky sakanya. “Tanga di para sakin noh! Di ko pag papalit bubipie ko! Para kay Ryji! Tagal na nilang break nong 3 years nya eh” “Bugaw ka? Tigilan mo ko Andi.” sagot ko kay Andi. Kung alam lang siguro netong si Andi kung sino umaaligid sakin ngayon baka di nya maiisipan to. “Sus! Tagtuyot kana te! Panahon na para mag padilig kana!” sigaw ni Andia kaya hinatak siya ni Monique pa upo. “Punyeta ka! Nakakahiya ka tsaka may lalaki dito mahiya ka nga kay Maky shuta ka!” “Open-minded naman yang si Maky mukha lang hindi noh! Nakita ko ngang nakikinood ng p**n yan kanila Paolo eh” Di na sya sinagot ni Monique. Eto namang si Maky tawa tawa lang siguro kasi totoo naman kaya na sya sumagot. “Totoo noh? Tawa tawa ka lang jan” sabi ko sakanya. “Lalake ako tsaka normal na samin yan. Nag p**n marathon pa nga kami nila Paolo nung nakaraan sakanila eh hahahahaha” Shuta netong mga to! Ambabatos! “Ay bet! Kelan kayo uulet?” sabi ni Andi sakanya. Habang pinipilit ni Andi si Maky na sumama sa susunod napanood nila non nakita ko na papalapit si Maxine samin. May mga dala dala syang mga folders. “Dami nyan may event ba ngayong buwan? Sem break pa ah?” tanong ni Monique ng makita nyang papalapit si Maxine. “Patulong naman padala neto sa department Maky. Hanapin ko lang si Jerry di pa kumakain yon eh. Tsaka wala pang event ngayon next month pa. Nanghingi lang ako copy nung nakaraan netong mga to para sa formant ng papers para sa dadating na event next month.” tumayo si Maky at kinuha yung mga folder sa kamay ni Maxine. “Sipag talaga Ms. Pres! Kaya sayo ako eh!” sabi ni Andi sakanya. Si Maxine yung nanalong President ng organization ng department ngayon taon. Inaasahan nadin naman yun kasi di talaga sya tinigilan nung prof namin na tumakbo na maging President sa taong to. “Ayoko na neto! Sarap na lumubog simula nung nanalo ako sunod sunod na mga pinapagawa sakin. Tsaka di pa sila tapos mag endorse sakin ng mga papers last year jusko! Wala akong time kay Jerry.” pagmamaktol nya. “Sus! Kaya mo yan, tsaka naiintidihan ka naman non ni Jerry. Aba wag syang mag reklamo isa din sya sa mga bumoto sayo!” sabi ko sakanya. Pagtapos non umalis na sila ni Maky. Si Maky papuntang department habang si Maxine papuntang court para hanapin si Jerry. Panigurado naman kasing nasa court yun pag gantong break, kasama nya sila Carl at yung iba pa. Maraming nanamangha pag magkakasama kaming magtotropa sa laki ng grupo namin talagang pag titinginan kami pag naglalakd sa hallway. Tsaka kasama pa don sobrang ingay din naman sa daan. Walo kaming babae sa grupo at limang lalaki. Di ko alam bat bigla kaming dumami. Ang mga kasama lang kasi talaga namin ay sila Jam, Henny, Ako, Paolo at Maxine kami lang talaga dapat. Pero nung nagkaroon ng groupings sa isang major subject nag kasama sama kaming trese, kinse dapat kada grupo kaso nag kulang na. Kaya kami lang, akala namin nung una di kami mag kakasundo lahat kasi yung iba samin masusungit tsaka mga atechona kaso habang tumatagal na kasama namin yung iba sa practice namin nagkakapalagayan na ng loob. Kaya ayon lagi na kami mag kakasama kaya kahit tapos na yung performance namin kami kami padin yung magkakasama tsaka madaming nag kakasundo pag merong mag aaya uminom. Ang sabi nga nung iba napaka solid namin. Wala na kasi kaming pinapasok sa grupo namin na ibang tao, masyado kaming mapili sa mga kaibigan kaya nag kakasundo din kaming lahat don. Di ko nga akalain na mag kakaroon ako ng mga ganitong klaseng kaibigan kasi iniisip ko nung start na yung school year ng first year wala akong magiging kaibigan kasi university yung pinasukan ko. Tsaka tingin ko sa mga pumapasok dito mga atechona kaya di na ako umasa na mag karoon pa ng kaibigan eh kaso my friends happened kaya ayon. Masaya ang buhay college ko. “Nakapag paalam ka na ba?” tanong sakin ni Henny huling araw bago kami mag sem break. “Di pa, sasama ka ba? Sama ka na para di ako mailang. Kaming dalawa lang daw aalis eh” pilit ko kay Henny. “Oh pucha! Gagawin mo pa akong chimay nyo yoko nga. Tsaka te kadiri ayokong panoorin kayo ni Chris mag lampungan sa harap ko!” Andito kami ngayon sa bahay para gumawa ng activity na pinapagawa nung isang subject na feeling major. Jusko sem break na pero may pinagawa pa sya samin ibang subject nga namin wala pinagawa sya lang talaga, nakakainis eh. “Hinaan mo nga yang boses pag ikaw narinig ni Mama kutos ka sakin sampu!” lakas lakas kasi nung bunganga kala mo naka soundproof yung kwarto ko eh hindi naman. “Isama natin si Ian para di ka mabored” “Shuta Ryji! Wag na talaga patayin mo nalang ako!” Arte naman neto nagiging obvious na din naman kasi na bet nya si Ian. Ayaw lang nya aminin di ata tanggap na nagkagusto na sya sa kaaway nya. Sabagay mag kaaway naman talaga yung kapre at duwende. “Te halata kana wag ka ng tumanggi. Alam ko sa kaibuturan ng puso mo gusto mo ang ideyang ito” “Ano ba pinagsasabi mo? Di ka ba kinikilabutan?” “Sus arte, yummy ka? Tigilan mo nga ako. Nagchat sakin si Ian kagabi tinatanong kung galit ka daw ba sakanya?” Gulat syang napatingin sakin. Kala siguro neto hindi ko alam na nanliligaw na sakanya si Ian. Nako dzai una pa ako sa first nakaalam. Pano ba naman tong si Ian sakin nag tatanong ng mga gusto at ayaw ni Henny. “B-bakit sya sayo nagtatanong? Tsaka bat nya tinanong sayo?” “Tingin mo bakit? Tingin mo ano yung alam ko?” Nakita ko sa mukha na naguiguilty sya na di nya sinabi sakin yung tungkol sa kanila. Lumapit sya sa kinauupuan ko dala-dala yung lapis nya. Kinagat nya yung dulo ng lapis nya habang pasulyap sulyap sakin. “Ano ha?” “Sorry di ko sinabi. Baka kasi sabihin mo kay Chris, tapos sasabihin ni Chris kay Mama tapos sasabihin ni Mama kay Papa. Pano na ako? Alam mo naman na ayaw ni Papa na may lumalapit sakin na lalaki.” Kahit naman ganito kagaslaw to si Henny sobrang strict ng Papa nya sakanya. Bunsong babae kasi kaya ganon. Tsaka never pang nagkaka boyfriend to kasi ayaw nya sa mga gustong manligaw sakanya. Kaya nagulat ako nung nalaman ko na nanliligaw na si Ian sakanya. Aba nakapasa sya sa standards ni Henny kung ganon. “Para naman tong others. Bat ko sasabihin kay Chris alam ko kung gano kadaldal yon. Tsaka alam mo matagal ko ng alam simula pa sa una. Sakin unang pinaalam ni Ian tsaka kung madaldal ako dapat matagal na ding alam ni Chris diba.” “Sorry talaga. Wag mo sasabihin kay Chris ah.” “Oo nga tanga. Sus dalaga kana. So gusto mo nga talaga si Ian ha. Pakipot ka pa sakanya ka din pala babagsak.” “Hoy hindi ah! Pinikot lang ako non!” Sus bibigay din naman pala to kala ko habang buhay na tong single eh. Di na kami natapos gumawa ng activity kasi mas pinag usapan namin kung anong ganap nila ni Ian. “Oh ano? Sabihan mo si Ian na sama kayo para apat tayo.” “Ayoko. Tsaka duh teh di yun papayag si Chris na sumama ako lalo na si Ian noh. Malaman pa non na nanliligaw na sakin si Ian nako wag na. Enjoy nalang kayo. Tsaka moment nyo yun ayokong maging agaw pansin sa araw na yon.” Di ko na napilit si Henny na sumama samin kahit siguro umiyak ako ng dugo di talaga sila sasama. Kaya ang gagawin ko ngayon mag-iisip nalang ng kung anong magandang ipampaalam. To: Tita Aileen Hello tita! Pwede mo po bang sabihin kay mama na jan muna po ako sainyo sa sabado? May lakad po kasi ako non eh kilala mo naman po si mama di papayag yon. Sige na tita please. From: Tita Aileen Aba tong bata na to! Lalandi ka naman noh? Wag ka papahuli sa mama mo ha. Ako na bahala sa mama. Mag-ingat ka ha! Gumamit kayo ng proteksyon please lang! Masyado pa akong bata para maging lola. Yes! Potaena buti nalang ay tita akong ganito. Muntik ko na syang makalimutan, may mabait naman pala akong tita. “Ma, sa sabado po punta po ako kanila Tita Aileen.” pag papaalam ko kay mama miyerkules ng gabi. “Ano bang gagawin mo don? May sarili ka naman bahay, bat makikitulog ka pa sa ibang bahay.” sagot ni Mama. Tulog? Overnigt ba pinaalam ni Tita? Shuta ang lakas ko sakanya! Sabi ko isang araw lang uwi din ako gabi eh. “Minsan lang naman Ma, tsaka day off ni Tita sa sabado. Bored yun kelangan nya ng companion. At ako yon.” “Sige bahala ka sa buhay mo basta mag pasundo ka jan sa tita mo.” Shutaaaaaaa!!! Makakaalis ako sa sabado. Umaga ng sabado sinundo ako ni Tita bandang 6:30 am sabi ko kasi sakanya 7:00 am kami aalis ni Chris. Siya lang din naman kasi nakakakilala kay Chris sa pamilya namin. Di naman sya tutol samin di rin naman sya payag. Basta daw alam namin ginagawa namin okay na sya don. Si Tita Aileen bunsong kapatid ni Mama. Medyo bata pa si Tita kaya di muna sya nag aasawa, tsaka wala daw talaga sa isip nya ang mag asawa. Kahit andami nang nanligaw sakanya wala parin syang sinasagot kasi sabi nya may inaantay daw sya. First love nya ata may girlfriend pa daw kasi di pa nag hihiwalay at naniniwala syang mag hihiwalay pa yon kaya hanggang ngayon nag aantay sya. “Alagaan mo pamangkin ko ha! Pag may nangyari jan malalagot ako sa nanay non. Tsaka ikaw malalagot ka sakin Chris di na kita papalapitin dito!” sabi ni Tita kay Chris nung hinatid ako ni Tita sa bahay nila Chris. “Ay nako po Tita ako po bahala. Wag kayong mag alala ako po bahala dito. Salamat po!” nag-salute pa si Chris bago sinara ni Tita yung pintuan ng kotse. Binaba ni Tita yung bintana ng kotse para makausap pa si Chris. “Alam mo naman number ko diba? Update mo ko kung nasan na kayo tsaka text mo ko pag mag papasundo kayo. Mag ingat kayo!” “Opo tita! Ingat po kayo!” Kumaway kami ni Chris habang papaalis na yung kotse ni Tita. “Diba sabi sayo papayagan ka eh!” “Duh! Ang alam ni mama kay Tita Aileen ako ngayon hindi sa Tagaytay!” “Kahit na nakaalis ka padin! Nakakexcite naman!” “Ano tara na sabi mo 7 tayo aalis.” “Oo 7 nga chill ka lang, mas excited ka pa nga ata sakin eh! Sus! Kunin ko lang bag ko tsaka paalam ka muna kanila Mama!” Pumasok na kami sa loob ng bahay nila para kunin yung bag nya at para mag paalam sa mga magulang nya. Ngayon lang ako kinabahan sa mga lakad ko potek. Ngayon lang ako nagsinungaling ng ganito at sa malayo pa ako pupunta. Di ko ako sanay potek. Ano ka ba Ry! Minsan lang to kaya sulitin mo na baka di na to maulit! Lord last na pag sisinungaling ko na to sorry na po! Di na po ako uulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD