CHAPTER 42 Nilingon ko si Faye, masaya sila ni Miggy. May hawak si Faye na inaagaw ni Miggy hanggang sa napayakap si Miggy kay Faye at nakita ko kung gaano sila kasaya. Pucha naman, bakit ganito? Bakit parang may naramdaman akong nakadagan sa dibdib ko? Hindi kailanman pwede yung ganito! Ako lang kasi yung nandoon. Nakatayo sa sulok. Nag-iisa. Ni walang masabing kaibigan. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Hanggang sa nakita kong nagpaalam na si Philip kay Saira. Hayon, nakakita na ako ng pagkakataon. Palabas na ang tatlo nang nagdesisyon akong habulin sila para makausap si Saira. Kailangan ko pa ring magpaliwanag. Kahit ang pagkakaibigan lang namin ang kaya ko pang maibalik. "Saira, sandali lang, usap naman tayo please?" sigaw ko. Hindi sila lumingon. Mas binilisan pa nga nila a

