CHAPTER 41 May hinala na akong may alam si Saira tungkol sa laro namin ni Philip sa basketball ngunit sana nagawa ni Faye na sabihin sa maayos na paraan, huwag sana niyang gamitin yung salitang pinagpustahan. Ipinaglaban ko yung pagmamahal ko sa kaniya dahil iyon lang ang alam kong paraan para walang sagabal sa amin. Ipinanalo ko siya ngunit nabawi din dahil sa kadesperadahan ni Faye tapos ako yung pinalalabas nilang masama ngayon! Ako yung mali. Ako yung parang walang ginagawa. Pucha naman oh! Kung alam ko lang talaga na ganito kahirap. Kung alam ko lang na ganito matatapos ang lahat. Nang kumakain kami ng hapunan nina Daddy ay madalas nila akong tinitignan. Kinakausap nila ako. Nagtanong sila kung kumusta ang final exam ko. Kung hanggang kailan ang klase namin na sinagot ko rin na

