POPULAR

2115 Words
CHAPTER 8  "Ano ba talagang problema mo!" tumayo ako. Galit na galit ko siyang hinarap. "Baka ikaw ang may problema sa ulo." Pangisi-ngisi muli siyang sumubo ng pagkain. Nagdilim ang paningin ko. Alam kong pinapakiusapan pa rin kami ni Saira ngunit naghari sa dibdib ko ang pagkapoot. Kaya sa isang iglap ay binigwasan ko siya ng suntok habang nakaupo. Ngunit hindi ko alam kung anong liksi meron siya at nagawa niyang umilag saka niya hinawakan ang kamay ko. Pinaikot niya iyon hanggang sa naramdaman ko na lamang na naroon na siya sa likod ko at pinilipit ang kamay ko patalikod. Idiniin niya ang ulo ko sa mismong kinakain niyang spaghetti. Palapit ng palapit ang mukha ko sa plato. "Bitiwan mo ako!" singhal ko. Alam kong marami na sa mga mag-aaral ang nakatingin sa amin. Nakakahiya. Lalo na’t babae ang gumagawa no’n sa akin. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Pero hindi! Hindi ako patatalo! “Bitiwan mo ako o makakatikim ka sa akin.” “Aba palaban! Ano ha! Gusto mong humalik ng platong may spaghetti?” “Sabi nang bitiwan mo ako e.” "Mag-sorry ka na muna sa maling inaasal mo." bulong niya sa tainga ko. Naramdaman ko ang sakit ng braso at daliri kong pinilipit niya. Nakita kong nakatayo na si Saira sa harap namin. Nataranta sa nakikita niyang gulo naming dalawa. "Faye, please. Bitiwan mo na lang siya. Ako na ang nakikiusap oh. Please?" Nakita ko ring nakatingin na sa amin ang mga ibang estudiyanteng nagmimiryenda. Tama ang hinala ko kanina. "Ulol! Ako mag-sosorry! Ugh! Tang-i--- aray!" lalo niyang diniin ang pagpilipit sa akin. Isang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa Spaghetti. "Astig talaga? Ayaw mag-sorry?" "Tang-ina mo! Bitiwan mo ako!" singhal ko habang nahihirapan sa pagpilipit niya sa kamay ko. "Hanggang 'yan lang ang kaya mo bro? Ang magmura? Bakla ka ba? Ha Ha ha!" "Tang ina mong gaga ka! Baka ikaw ang tomoboy!” lalo niyang binali ang kamay ko. “Arayyyyy!" napasigaw na ako sa sakit. "Matapang lang ang loob mo ngunit wala kang sinabi sa pakikisagupa. Ayaw ko sana talagang pumatol sa kagaya mo lang ngunit sobrang lakas ng loob mo e, idagdag pa ang kagaspangan ng ugali mo. Sige na! Simple lang oh. Sorry! Iyon lang ang hinihintay ko bro! Sabihin mo lang na bukal sa kalooban mo ang salitang, sorry!" Napakalakas ng kabog sa aking dibdib noon. Gusto ko talagang lumaban pero hawak niya ako at wala akong lakas para labanan siya. "Ano na! Nakakabagot na oh!" bulong niya sa akin. "Just say, sorry!" "Faye please. Tama na. Namumula na siya't nahihirapan! Please! Para na lang sa akin." Narinig kong pakiusap pa rin ni Saira. "Kakampihan mo ang ganitong klaseng tao, Saira? Ugaling kanto!" Nakuha na ni Saira ang atensiyon nito. Naramdaman ko rin kasing iniangat na niya ang mukha ko at gumaan ang pagpilipit niya sa aking kamay. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para sipain siya ng patalikod. "Tang-ina ka!" Kasabay iyon ng ubod lakas kong sipa. Ngunit hindi ko alam kung anong meron siya at muli niya iyong nailagan. Daplis lang ang tama niyon sa kaniyang binti. "Aba! Sumisipa pa talaga! Akalain mo ‘yon? Marunong rin naman pala siyang sumipa? Ito ang nababagay sa katarantaduhan niya Saira. Dapat dito, ginaganito!" Sa isang iglap ay tuluyang niya akong inginudngod sa kinakain niyang spaghetti. Narinig ko ang tawanan ng mga mag-aaral na nasa canteen. Pakiramdam ko noon ay para akong bumabalik sa pagiging talunan sa mga pinanggalingan kong school. Ang mga tawanang iyon. May kung anong kakaibang emosyon na nabubuo sa dibdib ko. Galit. Poot ng paghihiganti! Lalo akong nagwawala. Binitiwan niya ako. Pagkabitaw niya sa akin ay buong lakas akong nagpakawala ng isang suntok. Umilag siya sabay tulak sa akin kaya ako dumiretso at napasubsob sa katabi naming mesa. Tumapon sa akin ang pagkain. Nang susugurin ko na siya muli ay may humawak sa akin.  Ang school guard namin. "Tang-ina mo! Gaga ka!" sigaw ko sa kaniya sa sobrang galit. Tatlong beses na niya akong winalang-hiya. Dalawang beses na suntukan at isang beses na pang-uuto. Sa tatlong beses na iyon ni isa wala akong nagawa para maipanalo ko ang laban namin. Lagi lang akong talunan. Lalo tuloy nabuo ang galit na may halo nang takot. Bakit ba parang ang galing galing niya? Bakit hindi ko siya mapantayan man lang? Hindi ko mapunasan ang mukha kong puno ng spaghetti dahil hawak ako ng guard ngunit siya ay nakangiting nakatingin lang sa akin. Maayos ang uniform niya. Maayos rin ang buhok niyang parang lalaking gupit niya. Ako lang ang mukhang napuruhan.  Si Saira ang nakahawak sa braso niya at awang-awa siyang nakatingin lang sa akin. Hindi siya hinawakan man lang nang kung sinong guard. Parang ako lang talaga ang gumagawa ng gulo. Ako lang ang inaawat. Hinila ako ng guard dinala ako sa CR ng school namin. "Hugasan mong mukha mo. Hihintayin kita. Tapang mo, kid. Si Faye pa talaga ang kinalaban mo." natatawang sabi ng guard sa akin. "E, ano naman kung si Faye. Sino ba si Faye? Babae lang naman ‘yan ah!" bulong ko sa aking sarili. “Nakauna lang uli pero, hindi ko siya titigilan. Paghahandaan ko siya!” Nahugasan ko man ang mukha kong napuno ng spaghetti ngunit hindi ang lalim ng galit ko kay Faye. Napahiya ako sa harap ng mga ibang mag-aaral lalo na kay Saira. Lumalabas na wala akong magawa para ipagtanggol ko ang sarili ko sa kaniya. Sinubukan kong tanggalin ang kumalat na pulang sauce sa uniform ko ngunit hindi na iyon natanggal pa. Nang makapaghugas ako ay dinala ako ng aming guard sa Principal's Office. Kinasanayan ko na iyon. Wala nang bago pa. Mas napaaga lang ngayon ang pagbisita ko roon. Unag araw ng pasukan, Principal’s Office agad. Naroon na si Faye nang pumasok ako. Tinapunan ko siya ng masamang tingin ngunit kalmado lang siyang nakangiti sa akin. Kung anong ngiti niya ay siya namang simangot ko sa kaniya.   Nagpaalam ang guard namin sa aming Principal ngunit pagkatapos niyon ay nakipag-apir pa siya kay Faye bago siya lumabas. Ganoon siya ka-popular? Ganoon siya kalakas? Umupo ako sa harap niya. Kung nakakamatay lang ang masakit na tingin ay kanina pa sigurado bumulagta si Faye. Ngunit iyon lang ang tanging magawa ko. Naniniwala na kasi akong mas may alam siya sa sa akin sa pakikipagsuntukan. Mahirap mang tanggapin ngunit iyon ang lumalabas.   "Jetro, ano ‘to? Unang araw palang ng klase, unang araw mo sa school natin at heto't nakipagsuntukan ka na kaagad. Gusto ko lang ipaalala muna sa'yo na katulad ng ibang paaralang pinanggalingan mo, mahigpit naming pinapatupad ang policy namin na bawal ang pakikipag-away sa mga kamag-aral. Nakapag-usap na kami ni Faye sa kung anong nangyari kanina at may ilang estudiyante rin akong akong nakausap sa kung ano ang totoong nangyari. Ngayon, gusto kong marinig ang side mo." Seryosong tinuran ng Principal namin. Huminga ako ng malalim. Napakamot. Pambihira naman. Ito yung ayaw ko. Yung pakikinggan daw ang side ko pero alam ko namang di pa ako humaharap sa kanila, nahusgahan na agad ako. Ano pang silbing magpaliwanag ako. Naisip ko, ano ba ang kailangan kong ipaliwanag? "Faye is one of our best pupils here, Jetro. She is top in her class and a diligent student leader. Ngayon lang siya nasangkot sa gulo. Siya actually ang Student’s Council President ninyo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nagtulak sa'yo para magsimula ng away." Hindi pa rin ako sumagot. Minabuti kong titigan ang kuko ko sa daliri. Naririnig ko ang sinasabi ng aming Principal ngunit wala akong pakialam. Kung sasagot ba ako mababago ba ang tingin nila sa akin? Ako pa rin naman ang masama e. Aminado rin namana ko na ako talaga ang unang sumuntok. Baka nga kung magdadahilan ako magpapalala lang sa sitwasyon. Parang nakikita ko na naman sina Daddy na hindi natutuwa sa ginawa ko. Siguradong mahabang paliwanagan na naman ito mula pagsundo hanggang sa oras ng pagkain. Titigil na lang sila kung tulog na ako. "Marunong ka bang magsalita, Jetro? Kinakausap kita. Aren't you suppose to say something?" "Wala po ma'am. Pasensiya na po." Maikli kong sagot. “Kasalanan ko po ang lahat.” Ayaw ko na lang humaba pa ang usapan. Gusto ko nang mawala sa paningin ko si Faye. Lalo lang kasi akong nagngingitngit sa galit. "So, inaamin mo na ngang ikaw ang nagkamali?" tanong ng Principal namin. Katahimikan. Naghihintay sila ng sagot ko. "Jetro? Are you listening. Ikaw ba ang nagsimula ng gulo at may kasalanan sa nangyaring ito?" "Opo. Sinabi ko na ho kanina, ako ho ang nauna, ako ho ang may kasalanan sa lahat." kasabay iyon ng isang malalim na hininga. Masama ang loob kong tanggapin iyon sa harap ng itinuturing kong kaaway ngunit kung tatanggi ako, mapapahaba lang ang usapan. Mapapadami pa ang paliwanagan. Baka nga tatawagin on the spot sina Daddy at Mommy. Darating pa si Papa Zayn at Mama Sheine para syempre ipagtanggol ako. "Sige, palalagpasin ko ang nangyaring ito Jetro, hindi na muna ito makakarating sa parents mo pero tandaan mo 'to. Kapag naulit pa ito, hindi na lang warning ang aabutin mo kundi mas magiging matindi na ang ipapataw kong punishment sa'yo. Understood?" Katahimikan muli. Nagtama ang tingin namin ni Faye. Nagkatitigan. Memoryado ko na ang pagmumuha niya. Hindi ko kalilimutan ang mukhang iyan! Maiksing buhok na parang lalaki, makapal na kila na parang si Andrea Brillantes, mamula-mulang labi, matangos na ilong. Sa maikling paglalarawan, kamukha nga talaga niya si Andrea. Mukha nga lang lalaki sa buhok, kilos at pati nga nga sa pananalita. "Jetro, ano? Narinig mo ba lahat ng sinabi ko?" ang Prinicipal. "Opo. Narinig ko ho lahat Ma’am." pabulong kong sagot. "Good." Huminga siya ng malalim. "Faye, I want you to promise me that this won't happen again. Ikaw dapat ang nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ninyong mga mag-aaral. Ikaw ang kanilang role-model. Kaya hindi ko na gustong mangyari pa ito.” “I’m sorry, Ma’am. I will po.” “Goo to hear. Kung kaya mong umiwas sa gulo, gawin mo. Malaki ang tiwala ko sa'yo at ayaw kong masira iyon. Ngayon, gusto kong magkamay kayong dalawa bago lumabas ng office ko at mangakong hanggang dito na lang kung anuman ang dahilan ng pag-aaway ninyo." "Ho?" napakunot ang nook o. Tumas ang kilay ni Faye. Bakit kailangan pang makipagkamay? Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Sorry sa ginawa ko sa'yo kanina." Lumingon ako sa Principal namin at hinihintay niyang tatanggapin ko ang paghingi sa akin ni Faye ng sorry. Sandali kong inabot ang kamay niya.  Hindi ako nagsalita. "Okey na ha?” “Yes po.” Si Faye lang ang sumagot. “Matt Jetro?” “Okey na ho, Ma’am,” mahina kong tugon. “Sige na. Attend your class na." Tumalikod ako. Nauna siyang naglakad palabas sa office nang muling nagpahabol ang Principal ng paalala sa akin. "Matt Jetro ha, this is your first warning, pinakiusapan ako ng Daddy at Mommy mo to accept you here kaya sana tumino ka na." Napalingon si Faye sa narinig niya. Nagkatinginan sila ng Principal namin saka siya tumingin sa akin. Nagtama ang aming paningin. Alam kong dinig na dinig niya ang sinabi ng Principal namin. Napakiusapan. Pinakiusapan lang sila ng Principal na tanggapin ako. Napalunok ako. Yumuko akong dumaan sa harap niya saka walang imik at mabilis akong lumabas ng office. "Bro, wait!" tawag niya sa akin. Hindi ako huminto, parang wala akong narinig. Hinabol niya ako. "Sandali lang." hinawakan niya ang braso ko. Mainit ang kaniyang palad na nakahawak sa braso ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso para tanggalin iyon. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa kaniya, idagdag pa ang pagkahiya ko dahil sa sinabing iyon ng Principal namin na narinig niya. Mas may panlaban na ngayon siya sa akin. "Okey ka lang? Alam mo bang..." Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala sa akin ngunit hindi ko na siya pinatapos sa kung ano pa ang sasabihin niya sa akin. "Oo naman. Saka puwede ba, huwag kang umastang parang kaibigan ako. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin. Tandaan mo, paghahandaan ko ang muling paghaharap natin, Faye." May diin ang pagkakasabi ko niyon. Mabilis kong tinungo ang classroom namin. May narinig akong tawanan sa likod ko nang nasa upuan na ako. Yumuko na lang ako. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Unang araw ng pasukan, ako na agad ang pinag-uusapan. Astig! Ngunit gaganti pa rin ako. Hindi pa tapos ang laban. Paghahandaan kita, Faye. Oo babae ka, babae ka lang at iyon ang ipapamukha ko sa’yo. Ibabalik kita sa kinalalagyan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD