POOT

1291 Words
CHAPTER 7 "Jetro, dito ka na. Come, join us!" si Saira. Nakita pa rin pala ako. Hindi tuloy ako makapagdesisyon. Alam ko kasing iinit lang ang ulo ko kung doon ako magmiryenda kasama ng babaeng astig na iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko ang ginawa ng kaharap ni Saira na pangisi-ngisi pang nakatingin sa akin. Ang sarap batukan e. Lalo tuloy akong nainis sa ginawa niya sa akin sa beach at yung nangyari kaninang umaga na niligaw ako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. Hindi tuloy ako makapagdesisyon kung tutuloy pa akong lapitan si Saira. Ngunit nakapagbitaw na ako ng salita kay Saira na babantayan niya ang iiwan kong upuan. Tutal naman siya ang nauna kaya kinalimutan ko ang pangako ko kay Daddy na iiwas ako sa gulo. Bahala na kung mauuwi sa away ito. Hindi ako ang dapat umiwas lalo na at kaninang umaga lang muli niya ako tinarantado. Lumapit ako sa kanila. Tahimik kong ipinatong ang tray sa mesa. Nginitian ko si Saira. Hindi ako nag-aksaya ng panahong tignan ang astig na babaeng iyon ngunit alam kong sa akin siya nakatingin. Dahil do'n namumula ako na hindi ko alam kung bakit. Lalo akong naco-concious kapag alam kong may tumititig sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko sa kanila. "Magkakilala na ba kayo?" si Saira. Kumindat ako kay Saira sabay bukas sa aking baong sandwich. “Oo kilala ko na ang hambog na ‘yan.” Pabulong. Ayaw ko naman siyang makilala kaya ako nagsabing Oo na lang para hindi kami ipakilala pa ni Saira. "Faye pala bro." Inilahad niya ang kamay niya. ‘Bro? Tomboy ka ba?” Kumunot ang noo ko. “Hindi. Bakit naman tomboy agad?” Hindi pa rin niya ibinababa ang kamay niya. Bakit ba ang hilig nilang makipagkamay kapag nakikipagkilala. Obligado bang makipagkamay ang isang tao sa tuwing sasabihin ang pangalan? “Bro ang tawag mo sa akin e. Di ba tawagan lang ‘yan ng dalawang lalaki?” “Really? Oh come on.  Bro is a shortened form of "brother", so calling someone your "bro" is like calling someone your close friend,” paliwanag niya. “Hindi moa lam ‘yon?” Pinamukha pang bobo ako  na para bang sinasabi sa akin at kay Saira na hindi ko alam ‘yon. Hindi naman talaga pero basta ang yabang pa rin! “Ano ba? Sasagutin mob a ako? I am Faye, and you are.” “Ibaba mo nga ‘yang kamay mo. Kilala mo ako. Narinig mo na panigurado ang pangalan ko sa beach. Huwag ka ngang magpanggap na mabait ka kasi hindi naman talaga. Alam mong pangalan ko. Alam kong alam mo.” “No. I swear hindi kita kilala. Well, kilala kita by face pero hindi sa pangalan. Alam kong bastos ka at tarantado pero hindi ko alam na mas masahol pa. So, tell me, what is your name?" “Kilala mo nga ako. Huwag ka kasing magmaang-maangan.” Mapakla kong sagot ngunit di ako nakatingin sa kaniya. Ganito ba ang mga tao rito sa school na ‘to? Mga inglesera? Mga pasosyal. Kumagat ako ng sandwich. Binawi niya ang nakalahad niyang kamay nang hindi ko pa rin iyon inabot. "Faye, siya si Jetro, Jetro siya si Faye. O ano, shakehand na kayo. Tigilan na nga ‘yang away na ‘yan.” “Huwag ng shakehand. Baka kasi mangpilipit na naman ‘yan ng kamay. Babawian ko lang sana eh.” Si Faye. Mabuti na lang hindi ko tinaggap ang kamay niya kanina pa. Kay Saira lang ako muli tumingin nang si Saira na mismo ang nagkusang ipakilala kami sa isa't isa. Pagkatapos no'n ay saka ako uminom ng softdrink. Nagsimula na rin kumain ang dalawa. Tahimik kaming tatlo. "Puwede bang let's just be friends na lang kung anuman ang hindi ninyo pinagkaintindihan dati?” pamamasag ni Saira sa nangingibabaw na katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam ba ninyo na laging sinasabi sa akin ni Mommy na mas madaling makipagkaibigan kaysa sa magkaroon ng kaaway. Bati na kayo ha?" "Ako, okey lang. Ewan ko sa kaniya kung may problema siya sa akin."   Ang sinabing iyon ni Faye ang nagbigay ng dahilan sa akin para sagutin siya. "Magkaliwanagan nga tayo. Sa beach ikaw ang unang nakatama ng bola sa akin hindi ba?” ‘I have been telling you this. Hindi ko talaga sinasadya. I even asked your forgiveness pero ikaw itong matapang.” “Anong akong matapang? Nananahimik ako noon e, tapos kaninang umaga, sino ang walang hiyang  nagbigay ng direksiyon sa akin papunta sa CR ng mga babae, di ba ikaw rin 'yun?" Tumawa siya. Lalo akong nainis. "Oooppss! Sorry. Sinunod mo yung direksiyon ko. Ha ha ha!" lkinairita ko yug lutong ng kanyang halakhak. Ang sarap sungalngalan ng buong apple ang bibig. "Tingin mo nakakatawa yung ginawa mo sa akin, tarantada ka?" singhal ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong magmura na siyang ikinabigla ni Saira. "Malay ko bang maniniwala ka sa una palang e, itinuring mo nang kaaway. Saka kung tarantada ako, ano ka na lang?" sumubo siya ng spaghetti. "Puwede huwag naman kayong mag-away please? Ninenerbiyos ako sa inyo. Faye, tama na, please?" "Bakit ako, e siya itong unang nagmura sa akin. Naghahanap yata lagi 'yan ng away, e. Dinadala niya rito sa school natin ang ugali niyang kanto." "Hindi ko na kailangang maghanap ng away kasi nahanap ko na! Isa pa, hindi ugali ng mmga tiga kanto ang nanliligaw ng nagtatanong. Sila nga yung maayos sumagot sa mga delivery e. kaya okey nang masabing asal kanto ako at least, hindi gagang kagaya mo!" sagot ko. "Bro…” “Hindi mo ako bro. Hindi tayo close friends.” “Okey, anong gusto mong itawag ko sa’yo?” “Gusto ko, hindi mo na lang ako kausapin.” “Well and good.” Sumubo siya ng spaghetti. Ako naman ay uminom ng softdrink. Umiling-iling na lang si Saira. Alam mong problema mo?” si Faye uli. “Faye tama na. Nanahimik na e.” “Hindi Saira, dapat lang na malaman niya ang problema niya sa buhay.” “Hayaan mo lang Sira. O ano? Ano sa tingin moa ng problema ko/” “Ang problema sa’yo, masyado kang matapang. Kung gusto mong irespeto kita, irespeto mo rin muna ako. Hindi mo ako kilala, hindi rin kita kilala kaya hinay-hinay lang sa mga banat mo." "Wala akong balak makilala ka. Kung ako matapang, ikaw saksakan ng yabang!" "Mayabang?” “Oo, mayabang. Nakapuntos ka lang sa beach ng minsan akala mo kung sino ka nang magaling.” “Hindi pagyayabang ‘yon. Natalo lang kita. Saira, sabihin mo nga sa akin, kailan ako nagyabang?” “Hay naku, ewan ko sa inyong dalawa!” uminom si Saira ng chocolate drink niya. “Eto Jetro ah, kung kayabangan sa'yo ang talunin kita sa suntukan, sige guilty na ako. Pero mapapatunayan ni Saira na hindi ako mayabang o kahit minsan hindi ako nagyabang. Baka ikaw ang hambog." Pangisi-ngisi pa niyang banat sa akin. Nanginginig na ang mga kamao ko kanina pa. Nawalan na nga ako ng ganang magmiryenda pa. Pakiramdam ko lahat ng dugo nasa mukha ko na. "Ano ba talagang problema mo!" tumayo ako. Galit na galit ko siyang hinarap. "Baka ikaw ang may problema sa ulo." Pangisi-ngisi muli siyang sumubo ng pagkain. Nagdilim ang paningin ko. Alam kong pinapakiusapan pa rin kami ni Saira ngunit naghari sa dibdib ko ang pagkapoot. Kaya sa isang iglap ay binigwasan ko siya ng suntok habang nakaupo. Ikinagulat ng lahat iyon. Hindi nila akalain na kaya kong manakit ng babae. Sa pagkakataong ito, hindi na ako patatalo. Hindi ako dapat patalo. Babae lang siya. Lalaki pa rin ako!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD