ARYANNA’S POV: Five Years Later… “How are you, Ms. Aryanna?” Tanong sa akin ni father Jonathan. “Mano po father.” Sabay yuko ko ng aking ulo para basbasan ng butihing pari. “Balita ko babalik kana sa Maynila? Marami ang malulungkot lalo na ang mga bata sa kumbento sa pag alis mo hija.” Malungkot na pahayag ni Father sa akin. Alam ko naman iyon, pero kailangan ko nang bumalik. Umalis akong puno ng kabiguan, at babalik ako na sakit pa rin ang sasalubong sa akin. May katapusan ba? My parents were murdered. Walang mag-aasikaso sa mga labi nila. Iyon ang balita sa akin ni Rommel. My dad was murdered in prison by Javier men. My mother was a victim of hit and run after her release at Rothstein rehabilitation center. Ayon sa imbestigasyon na sabi ni Rommel it was intentional dahil kasabay an

