ARYANNA’s POV: Pasakay na kami ng sasakyan ni Rommel, tahimik kaming dalawa. Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon. “Gusto mo munang magkape Rommel?” Umiling ito, tila umiiwas sa akin. Simula ng bumalik ako hindi man lang ako nakauwi ng mansyon. Dinalhan ako ng gamit ni Rommel. “Hindi na Aryanna.” Tanggi nito. Pinausad niya ang sasakyan niya ng makababa ako. Nasundan ko na lang iyon ng tingin. Hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko. Saka pa lang ako nagpasyang pumasok. Nag doorbell ako. Pero walang may nag bukas ng pintuan. Ilang minuto pa ulit akong naghintay. Akma akong mag doorbell ng bumukas ang pedestrian gate namin. Para akong naitulos sa aking kinatatayuan ng tumambad sa harapan ko si James. Na siyang nagbukas ng gate. Anong ginagawa niya rito? “Alam mo pa pala ang bahay

