Markus Luis Sevilla, mayaman, hindi lang basta basta mayaman, kundi bilyonaryo, at panganay na anak sa dalawang magkakapatid. Dahil sa angking yaman nasusunod ang lahat ng gusto, pero sa kabilang banda hindi siya masaya sa pamilya dahil sa pagiging broken family. Bata pa lang s’ya nang maghiwalay ang magulang n'ya dahil nag cheat ang mommy n'ya habang sobsob sa trabaho ang ama niya. Samantalang ang kanyang ina naman ay nagpapaka sasa sa ibat ibang lalaki kaya lumaki siyang may galit sa mga babae. Dahil ina akala niyang ang lahat ng babae ay iisa lamang ng gawain kapag wala ang asawa at masyadong busy sa trabaho ay mag papakasasa ito ibat ibang lalaking kandungan. Mabuti na lamang at lalaki rin ang kanyang nakakabatang kapatid kaya sa tahanan nila isa lang ang babae ang mayordoma at katulong nila at naging yaya niya, mula pagkabata kaya mas madalas n'ya itong ituring na ina.
"Kuya saan ka na naman ba galing? At ngayon ka lang umuwi? Si daddy kanina ka pa hinihintay,"
bungad nang kapatid n'yang si Markie Liam na kasalukuyang nasa sofa my kasama itong barkada wari nya'y may group study.
"Sa Bar ni Steven, nasaan si dad,?"
tanong niya.
Tanging nguso lng ang sagot nito na naka nguso sa mini library ng ama dito kasi ito malimit kapag nasa bahay.
Agad siyang tumungo sa mini library ng ama upang kumustahin ito, na abutan niyang Busing-busy ito sa kanyang trabaho.
"Dad, hanggang dito ba naman nag tatrabaho ka? Kumain kana ba? Magpapaluto ako kay manang Loling ng paborito nating kare-kare."
At doon lamang siya napansin ng ama kaya agad siya nitong tinawag upang kausapin sa harap ng table nito.
"Anak, saan ka naman ba galing? Mabuti pa itong negosyo natin ang inaasikaso mo, hindi 'yang barkada at pangbabae mo ewan ko ba saan ka nagmana at ganyan ka hindi naman ako babaero, lalo na ang lolo mo?"
"Dad, naman! gusto ko lang e-enjoy ang pagiging kabataan ko kaya h'wag mo na akong bawalan saka Dad, h'wag kang mag alala hindi ko naman pinapabayaan ang ating company."
"Anak matanda na ako gusto ko bago ako mawala, secure na ang kinabukasan n'yo kaya hangga't andito pa ako sa mundong ibabaw gusto kong makita na nasa maayos na kayo ng kapatid mo."
"Dad, naman! ang bata bata n'yo pa kaya."
Sabay tapik ni Markus sa balikat ng ama.
"Tama na 'yan, kumain muna tayo please! At baka mangayayat kayo? Naku! Naku, ayaw kong mangyari yoon Dad."
lambing at pigil ni Markus sa kanyang ama sa pagbabasa ng mga files nito sa kanyang lamesa.
At doon naman sumunod ang kanyang ama sa kanya upang tumungo sa kanilang kitchen para kumain.
"Manang Loling may pagkain na po ba? Kasi kakain na po kami ni Daddy,"
tawag n'ya sa katulong nila.
"Ay, mabuti naman anak at nadala mo 'yan dito kanina ko pa 'yan pinapatawag ayaw naman ako pansinin ei busog pa raw siya, oh, sige Ariel kunin mona ang pag kain sa kusina."
utos ng kanilang kasambahay.
"Manang sino naman 'yong kasama n'yo?"
tanong ni Markus.
"Bagong katulong na makakasama ko dito sa bahay. Alam mo naman matanda na ako ei sa laki ng bahay na ito hindi ko kakayanin ei ewan ko ba sa iyo lahat na lang ng babaeng makakasama ko dito pinapalayas mo kaya ayan lalaki na lang kinuha ko."
"Excelent Manang, excelent."
Sabay palakpak niya sa kanyang dalawang kamay.
******************************
Habang nag aabang nang masasakyan si Nessa ay may napansin siya na isang magarang sasakyan sa tapat ng coffee shop. Nanglaki ang mata n'ya nang makita n'yang si Markus ang nasa loob ng coffee shop kaya naisipan n'yang pumunta sa kina roroonan nito.
"Hi, sir Markus remember?"
sabay turo ni Nessa sa kanyang sarili.
Bahagya namang kumunot ang noo ng binata mabuti na lang wala itong kasama dahilan dpara hindi s"ya mapahiya.
"No, and you are?"
tanong ni Markus sa kanya.
"Ah, hehehe Nessa po 'yong friend ni Lorraine ako 'yong kasama n'ya sa department."
doon naman lumiwanag ang mukha ng binata.
"Oh, i see sorry i forgot.
Nessa nice to see you again,
have a sit mag co-cofee ka ba?
Sakto wala akong kasama,"
wika ni Markus sa kanya na agad namang s'yang umupo sa tabi ng binata.
"Anong ginagawa n'yo dito sir?"
muling tanong n'ya sa binata dahil abala ito kakapindot ng cell phone.
"Ahm, to help may friend Austine, your boss. Alam mo naman na umalis ng walang paalam si Lorraine diba? Kaya ayan nagbabakasali na makatulong galing ako sa office n'ya ayon nakita ko 'tong coffee shop. Teka diba sabi mo friend mo si Lorraine alam mo ba kung nasaan sya?"
"Ahm. Hindi po sir e, wala po akong balita sa kanya mula nang umalis. Kahit sa akin po hindi po nag paalam isang taon na naka lipas hindi po pala nakikita si Miss. Rain,?"
Tanging iling iling lang ang sagot nito sa kanya habang abala pa rin kakapindot ng kanyang cellphone.
"So, paano Nessa alis na ako thank you, nice to see you again."
Paalam ni Markus sa kanya at agad lumabas ng coffee shop.
Bayagya tuloy s'yang nasaktan dahil kahit ilang minuto n'ya itong nakasama ei hindi man lang s'ya tinatapunan ng pansin kung hindi pa s'ya mag sasalita hindi ito mag sasalita nangliit tuloy s'ya sa sarili nya.
"Sabagay sino nga naman ako para pansinin ni Markus, na isang kilalang tao at napaka gwapo at mayaman. Samantalang ako isang simpleng babae hindi pa kagandahan hindi maputi at sexy,"
bulong ni Nessa sa sarili n'ya habang nag aabang ng sasakyan.
"Ilang buwan ko pa naman s'yang inaabang abangan nagbabakasali na makita snob, naman,"
muling bulong n'ya sa sarili habang papasok ng taxi.
******************************
"Oh, bakit nakasimangot ka riyan? Expected ko pa naman mauuna ka sa akin dahil nauna kang umuwi kanina? Tapos ako pa mauuna sa iyo saan ka pa galing ha Nessa?"
tanong ng tita n'ya sa kanya
"Nag coffee Tita, si Markus kasi andon kaya ayon nag papansin ako. Tapos hindi naman ako pinansin. Dapat kasi naging mayaman din tayo tita para naman gumanda rin ako katulad ng mga mayayaman para mapansin ako ng crush ko."
Sabay upo ni Nessa sa mesa nila sa kusina at malungkot ang mukha nito.
"Hay Naku! anak sa dami ba naman kasi ng hahangaan mo ei 'yong gwapong mayaman pa. Humanap ka kasi ng lalaking ka level natin. 'Yong lupa rin katulad natin hindi katulad nilang nasa langit tinitingala ng lahat, at Nessa hindi ka pangit sadyang napaka simple mo lang babae at nakatago ang ganda minsan kasi pasyal tayo sa salon. Epa ma-make over kita?"
"Tita ayaw ko, gusto ko tanggap ako na ganito ako ayaw kong baguhin ang sarili ko para lang magustuhan ng lalaking hinahangaan ko."
"Naku! naku! tama na 'yan at magpalit ka na at handa na itong hapunan natin, kilos na at ng makakain na tayo.
Agad namang tumayo si Nessa upang maglinis at magpalit ng damit para makain na sila nang hapunan.