Lumipas ang maraming buwan, hindi naman nakita ni Nessa muli ang lihim n'yang hinahangaan kaya naging kuntento na lang si Nessa sa kaka stalk nito sa binata sa social media. Halos nga lahat ng pictures nito sa galary n'ya ay litrato ni Markus kaya ito na lang palagi ang pinagmamasdan n'ya sa tuwing matutulog s'ya. Masaya na s'ya dahil kahit papano may social media para alamin kung anong nangyayari kay Markus kahit hindi n'ya ito nakikita.
"Anak matunaw na 'yang cell phone mo kaka titig mo riyan sa wall paper mo naku! Na bata ka," singhal sa kanya nang kanyang tita.
"Tita naman, ang k.j mo dito ko na nga lang nakikita si Markus my loves ko, kinukuntra mo pa."
sabay kiss ni Nessa sa cellphone n'ya.
"Nessa para kang bata pa rin kung kumilos daig pa ng artista 'yang si Markus kung tratuhin mo hindi ka naman napapansin."
"Tita ok lang 'yan atlest s'ya napapansin ko. Kahit hindi n'ya ako napapansin ang mahalaga ay mahal ko s'ya nang hindi n'ya nalalaman."
sabay kiss ulit ni Nessa sa kanyang cell phone.
"Aray! naman tita, bakit ka ba namamato riyan ng unan masakit ha."
"Mahal mahal ka d'yan! Anong sinasabi mo hindi mo pa nga lubos 'yang kilala mahal mona agad ano ka?"
"Tita naman, dami na agad sinabi, ito matutulog na ako. Matulog na kayo Tita good night."
Nang naramdaman ni Nessa na tulog na ang kanyang tita ay agad n'ya muling binuksan ang kanyang cell phone upang tingnan ang mga larawan ni Markus.
"Ang gwapo gwapo mo talaga Markus my prince ko kaylan kaya ulit kita makikita sana sa pagkikita natin mapansin muna ako my prince,"
bulong ni Nessa sa kanyang sarili
maya maya pa ay naka ramdam s'ya nang antok at agad nakatulog.
**************
"Uy! Nessa, baka gusto mong sumama mamaya mag ni-night out kmi?" yaya sa kanya ng kasamahan nila sa trabaho.
"Sige na Nessa, sumama ka na hindi 'yong andito ka na lang palagi sa trabaho, bahay. Paminsan minsan mag enjoy ka rin, tutal weekend naman kaya walang pasok bukas sama ka na." Muling alok ng kasama pa nila sa trabaho.
"Magpapa alam ako kay tita, pag pumayag s'ya 'yon sasama ako sa inyo nang ma experience ko naman yang night out na 'yan," wika niya.
" Yes, ayon oh."
Sabay palakpakan ng mga katrabaho n'ya.
------------
"Tita pwede po ba akong lumabas? Sasama kila Kathleen mamaya? Mag ni-night out tutal weekend naman po kaya walang trabaho kinabukasan."
Paalam ni Nessa sa tiyahin n'ya.
"Oo naman anak, hindi mo naman kailangan mag paalam 24 ka na at nasa tamang edad ka na para e-enjoy ang pagiging kabataan, pero Nessa, 'wag lang paka subra ha? Dahil ito ang tandaan mo lahat ng subra masama anak."
"Sige po. So, paano po Tita ma liligo na ako at magbibihis ay wait! Etetext ko muna sila aalamin ko saan kami mag kita kita."
Pagka text ni Nessa sa mga kasama ay agad s'yang tumungo sa comport room para maligo.
Napili ni Nessa na suuotin ang color peach dress na hanggang tuhod pinarisan niya ng color white doll shoes at doon lumabas ang pag ka morena at makinis n'yang balat. Pinanatili lang n'yang nakalugay ang kanyang straight at black long hair sa ganda nga ng buhok n'ya pwede na s'yang maging commercial model ng shampoo nilagyan din n'ya ng kunting lipstik ang kanyang labi upang hindi s'ya magmukhang maputla.
"Anak, wow! Bagay na bagay sa iyo ang ganda ganda mo lalo ngayon diyan sa suot mo." Puri ng tita n'ya sa kanya.
"Tita talaga? Salamat, ngayon lang nga ako nakapag dress kaya tuloy medyo naasiwa ako na nakikita yong bente ko."
"Anak kahit morena ka maganda naman ang skin mo, makinis kaya 'wag kang mag alala."
"Oh, paano Tita alis na po ako uuwi rin po ako ng maagap bye."
------------------
Ryco Disco bar.
"Markus my friend, kumusta? Mabuti naman at naligaw ka sa bar ko."
"Tsssk, no choice bro, hindi na ako pwede doon kay Steven ei halos gabi gabi na akong pinuntahan at inaabangan ng mga babaeng hindi ko naman kilala. Keso ganito, ganyan nakakapagod ei sila naman 'tong lumalapit sa akin ei pinag bibigyan ko lang naman sila sa hinihiling nila sa akin."
"Ibang klase ka talaga Mr. Sevilla,
matinik ka talaga pagdating sa babae kaya idol kita ei."
"So, paano kung gusto mo mag avail, ng private room doon sa taas punta ka lang alam mo naman may nakareserve para saiyo. Sige dito na muna ako." paalam ng kaibigan n'ya.
Tulad ng inaasahan n'ya ay maya maya ang paglapit sa kanya ng mga babae, upang mag pakilala at mag papansin pero wala s'ya sa mood ngayon andito lang s'ya para uminom pero nabaling ang attention n'ya sa babaeng kapapasok lamang, pamilyar ito sa kanya kaya iniisip n'ya kong saan ito nakilala o nakita.
"Nessa....Nessa dito,"
tawag ng ilang kababaihan sa kabilang couch na malapit sa kanya.
"Nessa tama ito nga 'yon ang kaibigan ni Lorraine na empleyado ni Austine,"
bulong n'ya sa kanyang isip habang naka titig sa dalaga.
Tahimik lang na pinag mamasdan ni Markus si Nessa habang umiinom, mabuti na lang at nasa sulok s'ya sa parte na medyo madilim kaya hindi s'ya napapansin nito. Nanibago s'ya dito dahil mukhang dalagang dalaga ang awra nito ngayon nakalugay ang buhok at naka dress hindi tulad ng huli n'yang kita dito na naka business outfit na nakapusod ang buhok may salamin pa sa mata, kaya nagmumukhang manang ang itsura ni Nessa.
"Guys, mag c-cr lang ako, saan ba c.r dito? Kanina pa ako naiihi ei, mag hihilamos na rin ako mukha kasing mapadami na inum ko feeling ko nahihilo na ako."
paalam ni nessa sa kasamahan
agad tinungo ang comport room.
Pagkalabas ni Nessa sa comport room ay may nakita siyang lalaking naka abang sa labas ng comfort room halos pinag titingnan na nga ito ng mga kababaihan nakatingala ito at nakapamulsa.
"Sir. Markus?"
singhal n'ya sa binata
at doon naman nabaling sa kanya ang tingin nito.
"Hi Nessa, kanina ka pa ba riyan? Tagal mo kasing lumabas ng comfort room kaya dito na kita inabangan sa pinto."
"Ako ang ina abangan mo?"
sabay turo nito sa sarili n'ya at lumingon lingon pa ito sa likuran at tagiliran n'ya.
"Oo, actually kanina pa kita pinag mamasdan sa table n'yo, hindi lang ako makalapit kasi marami kang kasama. Kaya nong nakita kitang papasok dito sa comfort room sinundan kita."
"Huh, ako? Pero baka may kasama ka magalit sa akin dahil sinundan mo ako dito.”
hindi maipaliwanag ni Nessa ang nadarama dahil sa nararamdaman nya ngayong kaharap ang binata.
"Hmmmp. Kaya nga sinundan at inabangan kita dito dahil gusto ko sanang magpasama sa iyo sa itaas dahil wala akong kasama pwede mo ba akong samahan Nessa?"
wika ni Markus at bahagya naman itong ngumiti sa kanya.
Kaya naman agad napatango si Nessa dahil sa mapang akit na mata at ngiti nito sa kanya. Lalo pang sumiklab ang kaba n'ya nang hawakan s'ya ng binata sa palad at dinala pataas sa isang private room. Pakiramdam ni Nessa ay nakalutang s'ya sa ulap ng mga pagkakataong iyon.
"Wow! meron pa lang ganito dito sir? Ang ganda naman dito, kunting ingay lang naririnig mo hindi tulad sa baba na masyadong maingay at kung anong amoy pa ang nalalanghap mo,"
wika ni Nessa.
"Bakit ngayon ka lang ba nakapasok sa lugar na ito?"
"Opo sir, siguro mayayaman lang nakaka afford nito. Kasi walang ibang nakakapasok tayo lang talagang dalawa saka ang totoo po n'yan sir Markus ngayon lang ako naka pasok ng ganitong bar."
"Bakit kaba sir nang sir sa akin hindi mo naman ako amo at hindi kita empleyo, Nessa 'wag mo na akong tawagin sir. Markus na lang.”
sabay abot ng alak ni Markus sa dalaga.
"Ah, si.. Ahm. Markus ayaw ko nang uminom medyo nahihilo na kasi ako saka baka mapagalitan ako ni tita."
pagtanggi ni Nessa at doon naman hindi na s'ya pinilit ni Markus.
"Ok, you know Nessa. You look different tonight, ang ganda ganda mo."
at bahagya pa itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
Hindi mapigilang mataranta ni Nessa kaya nabitawan n'ya ang hawak n'yang cell phone nalaglag ito sa lapag na agad namang dinampot ng binata.
Bahagya namang kumunot ang noo ni Markus ngunit ang kasunod nito ang matamis na ngiti dahil nakita n'ya kung anong picture meron sa wall paper ng cell phone ng dalaga.
"Ano 'to Nessa are you stalking to me in my social media? At nakasave pa talaga sa phone mo, ang gwapo naman 'tong wall paper mo?"
lalong lumawak ang ngiti ng binata habang pinagmamasdan ang cell phone n'ya.
"Crush ko po kasi kayo Markus, ang totoo po matagal na po."
naka yukong paliwanag ni Nessa.
At doon naman lalong lumapit si Markus kay Nessa halos isang inches na lang ang pagitan ng mukha nila.
"Crush mo pala ako? Paano kung sabihin kong gusto kita sasama ka ba sa akin? Kahit saan kita dalhin?"
bulong ni Markus sa kanya na s'ya namang kinataranta n'ya dahil nalalanghap na n'ya ang hininga ng binata.