Chapter four ( First)

1517 Words
"Markus lasing na po yata kayo?" tanong ni Nessa, sabay iwas ng mukha ng dalaga dahil langhap na langhap na n'ya ang hininga ng binata kahit na amoy alak ito ay parang nang aakit and bawat salita nito. "Crush mo ako diba? Paano kung Gusto kita sasama kaba sa akin ngayon kahit saan kita dadalhin?" muling tanong ni Markus sa kanya. "Markus." Hindi na muling nakapag salita si Nessa nang sakupin ng binata ang labi n'ya. Halos matunaw s'ya sa kanyang kina u-upuan  nang magdampi ang kanilang labi. Hindi n'ya malaman kung anong pakiramdam meron s'ya ngayon hindi mapakali dahil sa samo't saring nararamdaman, ito ang unang lalaking nakahalik sa kanyang mga labi kaya gaanoon na lang ang pakiramdam n'ya na halos malusaw sa init ng pakiramdam. "Nessa, hinihintay ko sagot mo," bulong nito sa kanya. Dito lang siya nabalik sa ulirat at kumalma muli ang kanyang mainit na pakiramdam. "Markus ba-ka, baka hanapin ako nang mga kasama ko?" natatarantang sagot ni Nessa dahil naka lapit pa rin ang mukha nito sa mukha niya. Bahagya namang lumayo nang kaunti ang binata sa kanya saka kinuha ang kanyang cellphone at inabot sa kanya. "Tawagan mo sabihin mong may pupuntahan ka." Nakangiting utos nito sa kanya. Agad pinindot ni Nessa ang cellphone at tinawagan ang mga kasama upang mag paalam habang si Markus ay nakatingin lang sa kanya habang nakangiti. " So, Nessa tara na." Muli namang hinawakan ang kanyang palad palabas ng bar agad silang tumungo sa parking lot at sumakay sa sasakyan ni Markus. "Markus saan tayo pupunta?" tanong ni Nessa sa binata habang abala ito sa pag di-drive ngunit hindi ito sumagot sa kanya sa halip lumingon lang ito at ngumiti. "You know Nessa, i  really like you, because you are so innocent," wika ni Markus habang seryoso sa pagmamaneho habang naka tutok sa kalye. "Po? Salamat po, gusto rin po kita Markus matagal na," tugon ni Nessa sa binata. "Salamat," sambit ni Markus na pabulong sa kanya. Agad namang pumarada sila sa isang malaking building na wari nya ay isang condo ng mga mayayaman. Pagkababa n'ya ng sasakyan ay agad s'yang hinapit ni Markus sa bewang habang papasok ng elevator. Hindi niya tuloy alam kung anong gagawin ng mga oras na iyon. Basta ang alam niya masayang masaya siya sapagkat kasama niya ang matagal na niyang iniibig. "Markus kaninong bahay 'to?" tanong ni Nessa, habang umiikot ang kanyang mata dahil gandang ganda s'ya sa mga gamit na naroroon sa loob na halatang mamahalin. "Sa akin, hindi to bahay Ness, condo 'to dito ako naglalagi kapag gusto ko mapag isa," tugon nito habang inaalis nito ang kanyang suot na jacket. Nakaramdam naman si Nessa muli ng kakaibang init sa katawan ng makita't, maaninag niya ang makisig na katawan ni Markus kahit pa nakasuot pa ito ng plain white t-shirt. "Markus ano anong gagawin natin dito?" tanong ni Nessa ng dalhin siya nito sa kwarto. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya nang pagkakataong iyon. "Kung anong ginagawa nang mga taong gusto ang isat isa, diba sabi mo gusto mo ako?" muling tanong nito sa  kanya sabay haplos ng palad sa kanyang mukha na naghatid ng kakaibang init sa kanyang pagkatao. Kaya tanging tango tango na lang ang naging tugon ni Nessa. Lalong nag init ang buong katawan ni Nessa ng lumapit si Markus sa kanya at ginawaran siya ng mapang akit na halik. Hindi na napigilan ni Nessa ang kanyang sarili kaya tumutugon siya sa bawat halik ng binata sa kanya. "Markus.." Mahinang tawag niya dito dahil nararamdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang likuran na tanda na inaalis ang kanyang hock ng bra. Gusto niyang pigilan si Markus, sa bawat ginagawa nito dahil utay utay na nitong natatangal ang kanyang mga samplot. Ngunit sadyang magaling itong mang akit dahil hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na umayon sa ginagawa nito. "You look beautiful, and sexy." Nakangisi ito sa kanya habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang buong hubad na katawan. Gusto niyang tumayo at mag damit upang takpan ang kanyang hubad na katawan. Pero iba ang dinidikta ng kanyang puso lalo na nang alisin nito ang lahat din ng saplot ni Markus, at tumambad sa kanya ang magandang pangangatawan nito na lalong nag  pa init sa kanyang pagkatao. ................................. Nagising si Nessa ng masakit ang kanyang ulo, at ang kanyang buong katawan lalo na ang paggitan ng kanyang hita. Bahagya pa s'yang nabigla at kinapa ang sarili dahil naramdaman n'yang wala  s'yang saplot. At ng tiningnan n'ya ang paligid ay nasa iba s'yang kwarto, at doon n'ya na naalala ang pangyayari mula sa bar hanggang dalhin siya dito sa condo. Bahagyang napa iyak Nessa dahil ang pinaka ingat ingatan n'yang dangal na pagka babae ay naibigay n'ya sa isang lalaking walang kahirap hirap. dahil sa naka inom s'ya kagabi ay hindi nya napigilan ang sarili na ibigay ito kay Markus. "Hi, good morning gising kana pala." Bungad ni Markus sa kanya na kakapasok lang ng silid. Naka bihis na ito at bagong ligo na rin. "Bakit Nessa, umiiyak kaba?" tanong nito sa kanya habang nakakunot ang noo. Naabutan kasi s'yang nag pupunas ng luha. "Ahm... Wala ma-masakit lang ang ulo ko." Muling punas n'ya ng luha at bahagyang hinaplos ang kanyang ulo. "Nag sisi kaba Nessa, na may nangyari sa ating dalawa? ako kasi hindi masaya nga ako ei, dahil ako pala ang unang lalaking sa buhay mo." Sabay haplos ni Markus sa kanyang pisngi at mabilis na hinalikan ang kanyang noo. "Huwag kanang umiyak diyan, tama na parehas naman natin nagustuhan ang nangyari diba?Tahan na magbihis kana at ihahatid na kita sa inyo," malambing na wika nito sa kanya na nag pawala ng kanyang panghihinayang na nararamdaman. ............. Habang nasa sasakyan siya ni Markus ay hindi s'ya mapalagay dahil kakaisip nang dahilan kung bakit s'ya inumaga ng uwi dagdag pa nito may kasama s'yang lalaki dahil sure na sure s'yang mapapagalitan sya ng tita n'ya. "Ness, ok ka lang relax. Ako bahala sa parents mo kung bakit magkasama tayo ngayon, at bakit inumaga kana ng uwi. Don't worry ako bahala." Sabay hawak nito sa kanyang kamay upang tumigil siya kaka kuskus ng palad at bumubugtong hininga. "Hindi parents ko Markus, tita ko kasama ko sa bahay, " maikling tugon niya. Pagka baba n'ya nang sasakyan ay agad niyang binuksan ang kanilang maliit na gate sa harap ng bahay. Ang ilan namang mga kapit bahay nila ay kanya kanyang bulungan dahil may kasama lang naman syang lalaki na may magarang kotse. "Tita.... tita..." tawag n'ya sa kanyang tita ngunit walang sumasagot. "Maupo ka muna Markus, iikot lang ako sa likod bahay baka naroroon si tita wala kasi sa silid namin wala din sa kusina." Agad inikot ni Nessa ang buong bahay pero wala ang kaniyang tiya. "Saan kaya nagpunta 'yon dapat ba ako magpasalamat dahil wala s'ya," bulong ni Nessa sa isip. Pag punta n'ya ng kusina upang kumuha ng maiinom ay doon n'ya lang napansin na may note na naka ipit sa kanilang refrigerator. ** Nessa, hindi na kita tinawagan, at tenext. dahil ayaw kitang maababala pa, pag kaalis na pagkaalis mo kasi ay agad akong tinawagan ni Mr.Mendoza, upang pumunta sa Cebu. Dahil nagkaroon ng problema ang isang branch doon, tatlong buwan akong mawawala upang doon muna pangsamantalang madidistino, upang tulungan sila doon. Mag iingat ka dito tawagan mo na lang ako bukas. -Tita Carmel. ***** Habang nagbabasa s'ya ng note hindi namalayan ni Nessa na nasa likod na pala n'ya ang binata. "See, sabi sa iyo 'wag kang mag alala ei." "Nagkataon lang Markus," tugon niya dito. "Nessa may sasabihin sana ako sa iyo," At bahagya pa nitong hinaplos ang kanyang buhok. "Ano 'yon? Maupo ka muna, at ipag luluto kita ng almusal." Alok ni Nessa. "Hindi na Ness, aalis na rin ako. Ahmm.. Gusto ko lang sanang sabihin, na sana walang makaka alam na kahit sino na may namamagitan sa ating dalawa na nagkasama tayong dalawa kagabi, ngayon," wika ni Markus na habang patuloy na hinahaplos ang kanyang buhok.   Bigla namang nalungkot ang mukha ni Nessa. "Bakit may girlfriend kaba na magagalit? O, kung sinong dapat hindi maka alam?" tanong niya. Balak pa naman n'yang ipag malaki na naka-date n'ya, at nakasama ang isa sa mga pinaka hinahanggan ng ilang mga kababaihan. Gusto sana niyang ipagmalaki sa mga kaibigan n'ya, ngunit ayaw nitong ipaalam. at mananatiling lihim lang kaya nakaramdam siya ng lungkot. "No, wala akong girlfriend Nessa. waling magagalit gusto ko lang, kung ano mang namagitan sa ating dalawa tayo lang nakaka alam. Para sa ating dalawa naman ito, lalo na sa iyo dahil babae ka naiintindihan mo ba ha? malambing na wika nito, sabay haplos sa kanyang mukha. Tanging tango tango lang ang sagot n'ya habang naka ngiti dahil sa sayang nararamdaman. "Sige na alis na ako." Paalam ni Markus sa kanya, at agad namang itong humalik ng mabilis sa kanyang labi bago lumabas ng bahay. Nang marinig ni Nessa na umandar at umalis na ang sasakyan ng binata. Doon na s'ya nag titili at humihiyaw sa tuwa na may kasamang talon talon dahil sa kasiyahan na kanyang nadarama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD