Chapter five

1201 Words
Sa loob nang tatlong buwan na wala ang tita carmel ni Nessa, ay halos gabi gabing pumu punta sa apartment nila si Markus, at sa bawat gabing magkakasama sila ay naging masaya sila. Effort, at paglalambing ang pinapa dama sa kanya ni Markus, at kung minsan naman ay lumalabas sila nag ho- hotel at minsan sa condo ng binata sila tumatambay, kahit hindi n'ya alam kong anong merong relasyon meron sa kanila ay masaya s'ya. Dahil din sa madalas, at paulit ulit na may nangyayari sa kanila. Minsan natatakot s'ya na itanong kung ano ba talaga ang label ng relasyon nila, baka mamaya ay iwan s'ya nito. Ngayon pa kaya na mahal na mahal na n'ya ang binata. *********** "Markus ano bang meron tayo?" tanong ni Nessa. Habang pinagmamasdan n'ya ang binata na nag bibihis ng kanyang damit. Na kasalukuyang nasa condo sila nito. "Anong meron? Ito tayo ngayon, ano bang ine expect mo sa atin Nessa?" ganting tanong nito sa kanya. Biglang natahimik si Nessa, dahil bahagya s'yang nasaktan sa sagot ng binata. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito. Naguguluhan s'ya dahil nga kahit minsan hindi n'ya ito narinig na mag i love you sa kanya. Kahit bawat magkasama sila ay lagi n'ya itong sinasabihan ng ilove you, pero kahit isa wala itong response sa sinasabi nya, tanging ngiti lamang. "Ness, ang mahalaga masaya tayo diba? Masaya ka, masaya ako. Masaya tayo, iyon ang imfortante diba," wika ni Markus sabay halik sa pisngi niya. Nakaramdam naman siya ng kirot sa puso dahil gulong gulo pa rin siya sa kung anong merong relasyon sila. "Tumayo kana d'yan, at mag bihis ihahatid na kita sa inyo." Muling salita nito at lumabas nang kwarto. Matamlay na tumayo si Nessa patungong shower room upang maligo. Doon niya binuhos ang kanyang luha na kanina pa gustong lumabas. ---------------------- "Bro, kumusta? Mukhang masyado kang abala last few months ah. Sino na naman 'yang babaeng niluluko mo?" bungad na tanong ni Steven na kapapasok lamang sa kanyang bar. "Nothing, isang simpleng babae na pinagbibigyan ko sa kanyang pagnanasa sa akin." Naka ngiting tugon ni Markus sabay lagok ng isang basong alak. "Alam mo bro, goodluck baka dumating ang araw na pag sisihan mo lahat lahat ng ginagawa mo sa babae." Bahagya naman siyang tinapik ni Steven. "Hahaha mark my word bro, hindi ko kasalanan na magkaroon sila ng interest sa akin. Dapat nga magpasalamat sila dahil sa pagka busy kong tao nagkaroon pa ako ng oras sa kanila." Ngumisi ulit si Markus ng makahulugan kay Steven. Tanging iling iling lang ang sagot ni Steven sa kanya. Habang tahimik na nag iinuman ang dalawa ay s'ya namang pasok ni Austine na masayang masaya. "Hello mga bro, kumusta kayo?" Masiglang bati nito, at isa isang kinamayan ni Austine ang dalawa habang naka ngiti. "Oh, anong nangyari at masayang masaya ka ngayon Austine?"tanong ni Steven. "Finally, ok na kami ni Lorraine." Masayang sagot ni Austine. "Congrats bro, cheers.. At sana hindi kana namin makikitang umi iyak," wika ni Markus sabay tapik sa balikat ni Austine. "Masaya ako para sa inyo ni Lorraine," wika naman ni Steven at tinaas ang kanyang baso bilang tanda ng pag congrats sa kanilang kaibigan. Habang masaya silang nag iinuman ay biglang tumunog ang cellphone ni Markus. "Excuse me guys, sagutin ko lang tumatawag sa akin." Paalam ni Markus. Bahagyang lumayo si Markus upang kausapin ang tumawag sa kanyang cellphone. "Bakit anong sadya mo?" diritsahang tanong nya sa kabilang linya. "Anak, gusto ko lang kumustahin ka. Hindi ka kasi ng rereply sa mga text ko, kaya tumawag na ako namimis na kasi kita anak," sagot ng babae sa kabilang linya. "Kailangan n'yo ng pera? Bukas na bukas padadalhan ko agad kayo." Agad naman na end button ni Markus ng kanyang cellphone. At kahit mukhang may sasabihin pa ang kausap n'ya ay binababaan n'ya na agad ito. At bumalik si Markus sa table nang kaniyang mga kaibigan upang uminom. agad s'yang nagsalin ng alak sa baso at ininom. "Sino 'yong kausap mo? Mukhang nag iba ang mood mo," tanong ni Steven sa kanya. "Mukhang alam ko na kung sino. Nagkakaganyan kalang naman kapag nakaka usap mo s'ya, hanggang kailan mo ba titiiisin ang mommy mo bro?" tanong naman ni Austine. "Tsssk, hindi lahat ng babae katulad ng mommy n'yo mga bro, na karapat dapat mahalin, at igalang. Alam n'yo naman na bata pa lang tayo ay hindi na kami magkasundo ni mommy mula nang umalis s'ya sa bahay. Huwag na nga natin pag usapan 'yong mommy ko, at nakaka wala ng mood. mag inuman na lang tayo at e-celebrate ang buhay pag ibig nito ni Austine." Mahabang pahayag ni Markus. "Mga bro, gusto ko lang sana humingi ng tulong sa inyong dalawa. Gusto ko sanang mag propose na kay Lorraine, dahil ayaw ko nang palampasin ang pagkakataong naging ok na kami ulit. Isang simpleng surprise proposal sana," wika ni Austine. "Tsssk, baka tayo na naman ma surprise n'yan ni Lorraine, Austine? Ok, sige sige basta para sa ika sasaya mo tutulong kami diba Steven?" At tinapik ni Markus si Steven. "Oo naman bro, so anong planong gagawin natin?" mungkahi ni Steven. Habang masayang nagpaplano sila ng kanilang simple surprise proposal ay tahimik lamang na nakikinig si Austine sa plano nila. Maya maya pa ay nagpa alam na si Steven, dahil my pupuntahan daw sila ng kasintahan n'yang si Riza. "Bro, may itatanong lang sana ako sa iyo." Pag iiba ni Austine. "Ano 'yan bro,?" tanong ni Markus. "About Nessa, alam ko kung anong merong relasyon kayo ni Nessa, at concern lang ako sa kanya. Kanina kasi napansin ko sa office na tahimik s'ya at mukhang problemado." At tinapik ni Austine ang balikat ni Markus. "Bro, wala kaming relasyon ni Nessa alam mo naman na hindi ako nakikipag relasyon diba. Si Nessa, ang lumapit sa akin s'ya ang nagbigay ng motibo sa akin. Lalaki ako kaya anong mawawala diba. Walang mawawala kong pagbibigyan ko s'ya. " Nakangising tugon nito. "Bro, mabait na babae si Nessa, at hindi s'ya tulad ng mga babae na pinag lalaruan mo. Sa tagal ko na s'yang naging empleyado marahil kahit kunti ay nakilala ko pagkatao n'ya. Mabuti pa kung s'ya man ang lumalapit sa iyo, iwasan mo. Alam kong kinababaliwan ka ng mga babae sa ngayon, pero sana bilang kaibigan 'wag mo nang idamay si Nessa sa mga pinaglalaruan mo, at saka pa kaibigan din s'ya ng babaeng minamahal ko bro, kaya kaibigan na rin ang tingin ko sa kanya," wika ni Austine. "Bro, naman. Tatlong buwan ko pa lang na ginagamit si Nessa, hindi pa ako nagsagawa. Ikaw naman napaka k. j mo," iling iling na sambit nito. "Bro, iba na lang 'wag na si Nessa. Hangga't maagap pa iwanan mo na s'ya, matinong babae si Nessa, 'wag mo na s'yang isama sa mga babae mo." Muling paki usap ni Austine. "Sige na nga bro, oo na, bukas na bukas i-iwasan ko na s'ya. Sayang sa lahat pa naman ng babae ko ngayon katawan ni Nssa ang gustong gusto ko." Sabay lagok ng alak ni Markus at pangiti ngiti. "Sira ulo ka talaga Markus." At hinampas siya ng malakas sa balikat ni Austine. At doon naman nagtawanan ang mag kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD