Maagap nagising si Nessa para magpatulong magluto ng almusal kay aling Loling. Dahil buong magdamag n'yang dinamdam ang nangyari noong gabi, imbes kasi na sumuko s'ya ay lalo s'yang nag pursigi kung anong timpla meron panglasa ang asawa niya. Ayaw na n'ya kasing maulit ang nangyari kagabi ang mapahiya s'ya sa niluto niya. Kaya napag pasyahan n'yang humingi ng tulong sa kasambahay ng pamilya. "Good morning manang, gusto ko po sanang humingi ng tulong. Ahm.. Pagpapaturo po sana ako kung anong timpla 'yong tipo ng asawa ko? Gusto ko po kasi s'yang ipag luto," wika ni Nessa. "Nessa, ang agap mong nagising ah. Hmmp gusto ko 'yan, gusto mong matutong magluto ano bang maitutulong ko iha?" tanong ng matanda. "Gusto ko po sanang malaman kung anong favorite na almusal ni Markus? Alam ko pong ala

