Lumipas ang mga buwan mula nang nagkasagutan ni Nessa si Markus ay madalas na n'ya itong hindi nakikita, nakakasama dahil madalas itong wala lagi sa mansyon. Halos dalawang bisis lang itong umuwi sa isang buwan sa mansyon. Ayon sa kapatid nito madalas daw itong out of town. Minsan naman nasa condo lamang ito. Kaya ang nakakasama n'ya lang lagi ang kapatid nito at ang dalawang katulong nila. Ang ama kasi nito ay mandalas ding wala sa mansyon dahil naka tutok ito sa negosyo ng pamilya. Maging sa buwanang check up n'ya ay hindi man lang s'ya magawang samahan ni Markus, kaya tanging katulong lamang nito ang nakakasama n'ya. Kahit nga sa unang pagkakataon na malalaman nila ang gender ng baby nila ay wala itong paki alam. Masayang masaya s'ya dahil baby girl ang kanyang pinag bubuntis. Malaki

