bc

IKAW LANG ANG PAG - IBIG KO

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Thor ay isang hamak lamang na janitor sa isang kompanya kung saan ang kanyang sinisinta ay isang Taga Pagmana ng kompanyang pinagtatrabahuan niya.

Meg Elisha De Fuego, CEO at lihim na iniibig si Thor. May paraan pa ba ang kanilang nililihim na pagsinta sa isa't isa kung ang estado ng buhay nilay siyang maglalayo sa pag-iibigan nila?

"Tunghayan natin ang kanilang madrama, nakakatawa at nakakaiyak na istorya"

_m0onbay13_

chap-preview
Free preview
Unang Pagkikita
Ako si Thor Gael Santillan. Dalawampu't Tatlong taong gulang at nagsasideline ako sa pagbubuhat ng mga banye banyerang isda upang may maipang- tus tos sa aking apat na kapatid at sa aking ina at sa aking naudlot na pag-aaral. Graduate na sana ako sa kursong enhenyero kung di lamang namatay si tatay noon sa aksidente sa pagpapasada ng jeep na pagmamay-ari ng aking ninong. Tumigil ako sa aking pag-aaral noon no'ng ako ay nasa first sem ng first year college at ngayon ay di ko na sasayangin ang ibinigay na iskolar sa akin ng Gobyerno para sa mga mahihirap na tulad ko. Nag-aaral ako sa gabi at nagsasideline naman sa umaga. Minsan ay sumasama naman ako sa pagraraket ng mga kaibigan ko sa pagkanta sa banda nila. Pero, sa 420pesos na porsiyentohan sa pagbuhat ng mga banyerang isda at pagkanta kanta ay kulang parin sa amin. Kaya kung anu-anong raket o diskarte na lang ang pinapasok ko para magkapera at para sa pag-aaral namin ng mga kapatid kong nag-aaral din tulad ko. Paggising ng umaga ay naligo agad ako at nagbihis. Naabutan pa ako ni inay na nagkakape. "mukhang may lakad ka ngayon anak". Sabi niya. At nagsalin na rin ng kapeng bigas sa baso. "oho inay. Maghahanap po ng mapagraraketan. Sagot ko at humigop ng kape. " abay, hindi kita ata nakikitang nagpapahinga. Sermon sa akin. "Hindi po uso ang pahinga sa akin inay".Sagot ko uli. Para po sa inyo ng mga kapatid ko. Kaya 'wag na kayong tumanggap ng maraming labahin. Sabi ko uli kay nanay. "kaya ko pa naman anak at sana din ay' wag mong pababayaan ang pag-aaral mo". Abay ilang gabi ka ng di pumapasok sa eskwelahan. "dalawang gabi lang naman po 'nay. Sayang po kasi iyong kita sa banda ni Marcus. Pagsisinungaling ko kay nanay dahil ang totoo ay sumama ako kay mang ambo na magkundoktor sa bus nila. Kaya' wag kayong mag-alala. Ako pa ba? Sabi ko na nagsign pa ng pagwapito sa aking baba. Nangiti lang si inay sa akin at inubos ko na ang aking kape at nagpaalam na sa kanila. Habang naglalakad ako suot ang pantalong kupas at t-shirt papunta ng palengke ay tinawag ako ni Ariel ang buddy ko minsan sa pag sideline. Pero may kaya sila sa buhay. Ako lang talaga ang mahirap. Hehe "musta na buddy? Tanong niya sa akin "Heto, naghahanap ng mapagsaside layan uli" . Sagot ko dito. Ikaw, kumusta ang gig niyo kagabi? 'di ako nakasama dahil midterm exam namin". Sabi ko. Nasasayangan ako sa kita, kaso hindi rin pwede dahil dalawang gabi na akong hindi pumapasok. Pagtutuloy ko. "tamang tama at may raket tayo sa sabado sabi ni Marcus sa akin at pinapasabi din niya sa iyo. Sa bahay ng Big boss ni JC gaganapin. Birthday daw ng asawa at anak ng boss niya. Sabi niya kaya bigla akong na excite. Hindi ko alam kung bakit. " Big boss ni JC? Sa De Fuego? May sinabi ba si Marcus kung anong mga lyrics natin? Tanong ko dito " Siguro buddy kasi marami namang boss si JC, baka nga sa De Fuego. By request ata ang mangyayari buddy eh.. Pero, siyempre 'di mawawala iyong mga paborito nating kantahin para sa mga oldies at bagets. Aniya sa akin. Bumili ka na kasi ng cellphone mo para madali kang kontakin" . Dugtong pa niya. "pinag-iipunan ko pa buddy eh. Alam mo naman ang sitwasiyon namin sa bahay". Kaya nga kayod kalabaw ako para sa akin at sa kanila. Sagot ko naman sa kanya. Alam kong naaawa sa akin ng mga kaibigan ko, pero di ko ipinapakita na may oras na pagod na talaga ako. Pero hindi ako susuko. Pasasaan din at makakaahon din kami ng mga kapatid ko kasama si inay sa hirap. "o, siya sige at kita kita na lang tayo sa bahay nila Marcus bukas ng umaga para magrehearsal tayo. Sabi niya uli sa akin. " malilate ako ng kaunti buddy ah. Schedule ko bukas dito sa palengke. Sabi ko sa kanya. "Okey lang 'yon Buddy Thor.' kaw pa eh, malakas ka kay Marcus. Aniya at tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya muna ito. Si JC ang tumawag. Parang ako ata ang pinag-uusapan nila. At ng ibinaba niya na ang phone niya. " ako ata pinag-uusapan niyo ni JC, buddy ah".. Tanong ko. "Oo, buddy Thor at pinapasabi niya sayo kung gusto mo raw mag-apply sa DFFC ba iyon o KFC.. Kakamot kamot na sabi niya. Natawa naman ako. " hahaha! Loko ka buddy.. Ginawa mo pang KFC ang DFCI.. Nagtawanan kaming dalawa. Tamang tama at naghahanap ako ng trabaho. Kahit full time o 8 hours sa umaga. Alasais naman ang pasok ko. Sabi ko sa kanya. " kaso nga lang buddy ay Janitor".. " Sanay naman ako kahit anong trabaho buddy.. ako pa ba? Sabi kong sabay pakita ng muscles ko. Napapailing na lang siya at napapangiti. " sigurado ka ha".. Kung sure ka na talaga ay ihanda mo na raw muna ang resume mo at magkita na lang daw kayo ni JC bukas sa lobby ng DFCI. Dugtong niya at nagpaalam na rin siya dahil tumawag ang ate niya. Dumating na raw ang kanilang kuya galing states. Pagka alis ni Ariel ay inihanda ko na ang aking resume at 2x2 picture. Alasingko naman ang raket ko sa bayan kaya may oras pa ako para maghanda sa pag-apply ng trabaho. Pagkakataon ko na ito para sa amin. Tumingala ako sa langit at ngumiti. " (MEG's POV) " Hello Pa".. "yes Pa"..I'm on the way". Is mama there in office? Tanong ko dahil di ko naabutan si mama sa bahay kaninang umaga. May sarili akong condo. Kaya doon ako naglalagi simula pa noong college ako. Sa sabado na ang birthday namin at sabay talaga kami ni mama. I am Meg Elisha L. De Fuego, 22 years of age and I am only daughter of my parents that's why ako ang magmamana ng kompanya nila Papa at mama. Kaya bago ako magtrabaho at uupong CEO ay papasyal muna ako sa kompanya namin upang pag-aralan ang mga papeles na ibibigay sa akin ni papa ngayon. Habang inililiko ko ang aking kotse sa parking lot ay may biglang tumawid. Bumaba ako "Hoy!" Mister, magpapakamatay ka ba?!! Sigaw ko dito dahil nakatalikod siya. Humarap naman ito sa akin. "Hoy Miss" ako na nga itong muntikan mo nang mabangga ay ikaw pa itong galit!! Sigaw din nito. Natatameme naman ako dahil sa titig niya sa akin. Tila bigla akong nauhaw. Tumikhim muna ako dahil may nakabara sa aking lalamunan. "ehem! Kung hindi ka naman kasi engot ay bigla bigla ka na lang tumatawid".. Hindi mo ba nakikita na paparating itong kotse ko!" sabi ko sa kanya. Ngumisi ito nang nakakaloko. " pakialam ko ba diyan sa tsekot mo". Sa laki kong ito at gwapo ay hindi mo 'ko napansin? " sabi niya uli sa akin. " aba' t napakahambog ng lalaking ito. Sabi ng isip ko. "Wala akong oras na maki pagbangayan sa lalaking mayabang na katulad mo!" singhal ko sa kanya. At nameywang pa ako. "Gwapo daw?".. Saan namang banda bulong ko. Hay naku, Meg.. gwapo naman talaga ang lalaking kaharap mo. Sabi ng isip ko. "O, Diba?".. Gwapo talaga ako". Napapatulala ka pa sa akin eh". Hay naku Miss".. Kung di lang ako nagmamadali baka magpa authograph ka pa sa akin". Pasalamat ka at may hinahabol ako". Sabi uli nito. Nagsalubong ang mga kilay ko sa mayabang na lalaking ito. "Kahit artistahin ka pa".. Hinding hindi ako magpapa sign sayo!!! Sigaw ko. " O, eh.." de inamin mo rin na talagang gwapo ako".. Sabi nitong tumawa pa at sabay alis sa harapan ko. "yabang mo!!!! Sigaw ko sa kanya. " sa susunod na mag kita tayo Miss, hahalikan na kita". Pahabol niya. Kaya lalo akong na inis. Akala mo naman kung sinong ponsiyo pilatong gwapo. "hayssss".. Naku, Naku naman.. sisirain pa ata ng lalaking iyon ang araw ko".. inis kong sabi. Kung bakit sa dinami dami pa ng tao sa mundo ay 'yon pa ang lalaking muntikan ko nang mabangga. "My goodness".. Masisira ang beauty ko sa kanya!! grrrrr!! Nang tumunog ang phone ko ay sinagot ko ito. "Yes, Pa".. I'm here in a parking lot ". Yes, I will be there in a minute". Sagot ko at pinatay ko na ang tawag at naglakad na ako papunta sa aming kompanya. Pagdating ko ay diretso agad ako sa elevator at pinindot ko na ang numero kung saan floor ang opisina ni Papa na magiging opisina ko na rin sa susunod na linggo. At itong araw na din ang di ko makakalimutan na may isang lalaking unang beses kong nakibangayan sa tanan ng buhay ko. Kung bakit kasi lumabas ako agad at sininghalan ko naman. Aminin ko din naman sana na kasalanan ko. Kaso ay nainis ako dahil mayabang na'y arogante pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook