Nanlamig bigla ang buo kong katawan sa sinabi ng lalaki. Tumitig ako sa paligid at naghanap ng pwede kong matakbuhan pero wala akong makitang ligtas na daanan. Halos wala ring katao-tao sa paligid. "Kuya, 'wag namang ganyan oh," pawisan kong sabi habang nanginginig ang buo kong katawan. Hindi siya sumagot. "May pangarap pa po ako. Tsaka lalaki po ako, kuya. Baka malabo lang po ang mga mata niyo," sabi ko pa. I heard him sigh. "OA mo. Binibiro lang kita," sabi niya sabay bitaw sa 'kin. Agad ko naman siyang hinarap. Maya-maya pa ay tumakbo na ako palabas ng eskinita. "TULONG! RAPIST!" sigaw ko sabay takbo. Nagawa ulit akong mahablot ng lalaki. Pinwersa niya akong makaharap sa kanya at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. May tila pumitik sa utak

