"Have you gathered any useful information at all?" tanong ko kina Shaira at Kenji nang bumungad sila sa pinto ng bahay ko kinagabihan.
"Wala naman kami masyadong nakuhang impormasyon. Nagtanong kami nang kaunti, and we took some pictures of the people who ordered premium products. I have the pictures in my cellphone," sagot ni Kenji.
"How about the owner? Nakita niyo ba siya?" tanong ko pa.
"Well, uh—-"
Biglang lumingon si Kenji kay Shaira. Sumilip naman ako at nakita ko siya na parang nakasinghot ng isang box ng katol.
"Ano'ng nangyari diyan?" tanong ko.
Huminga nang malalim si Kenji. "Nandoon kasi ang may-ari ng coffee shop. Alam mo naman na aligaga doon si Shaira—"
"Hoy, hindi ako aligaga. I just can't handle his looks and hotness," sabi ni Shaira na parang hihimatayin na.
"May ginawa man lang ba ang babae na 'yan?" bulong ko kay Kenji.
"Oo. Punong-puno ang phone niya ng pictures ng owner ng coffee shop," sagot niya.
I rolled my eyes. "Tara na dito sa loob. Nag-dinner na kayo?" tanong ko.
"Not yet," sabi ni Kenji habang hinihila si Shaira papasok ng bahay.
"Dito na kayo kumain. Magluluto naman na ako. I'm going to cook sinigang na baboy. May gusto kayong kainin?" tanong ko.
"That's fine for me. Masarap naman ang lahat ng luto mo," sabi ni Kenji sabay kindat.
I rolled my eyes. "Ikaw, Shaira? Okay lang ba sa 'yo ang karne?"
Nakatitig pa rin sa kawalan si Shaira. "Si Paulo lang sapat na. . ."
I frowned. "Paulo?" tanong ko.
"That's the name of the owner of the coffee shop. Paulo Garcia Arellano. Kinabisado ni Shaira dahil hahanapin niya raw sa f*******:," sagot ni Kenji na kumakain na ng saging.
Natigilan ako sa paghahalungkat sa ref.
"Paulo. . ." ulit ko pa.
Biglang sumakit ang ulo ko.
A weird rush of blurred images and muffled sounds suddenly flooded my mind's eye. Nag-crouch ako bigla sa sahig at sinandal ko sa mga kamay ko ang ulo ko sa panandaliang sakit na naramdaman ko.
"Aw. . ." nakangiwi kong sabi habang patuloy sa pagsakit ang ulo ko.
"AJ, okay ka lang?" sabi ni Kenji at dali-dali siyang tumabi sa 'kin.
I blinked. Nawala na ang sakit. "I'm fine. Just a sudden headache. Baka sa init lang kanina," sabi ko.
"Tulungan na kita sa pagluluto. Masyado ka yatang napapagod sa mga gawain mo rito sa bahay niyo," sabi ni Kenji sabay alalay sa 'kin na makatayo.
"Okay lang ako," sabi ko habang hinihimas ang sintido ko.
"Inom ka muna ng tubig," sabi niya sabay abot sa 'kin ng isang basong tubig.
"Thanks," sabi ko naman.
Parati ko 'tong nararanasan magmula nang magising ako after ng operasyon ko. 'Yung tipong bigla na lang akong matitigilan at sasakit ang ulo sabay ang mga makikita at maririnig kong kung ano-ano. Related na rin dito ang madalas na pagkahimatay ko nang wala sa oras.
Sabi kasi ng doktor ay normal na 'to dahil sa nangyaring trauma sa utak ko dahil sa operasyon; pero sa kalaunan ay mawawala na lang din naman daw 'to.
"May hinala na ba kayo kung sino ang nagpapadala sa 'kin ng cakes?" tanong ko sa kanila habang hinahalo ko na ang niluluto ko.
Inabot sa 'kin ni Kenji ang phone niya. "May apat na tao lang naman ang nag-take out ng premium cakes. Dalawang babae at dalawang lalaki. 'Yung dalawang babae ay may mga anak na kasama kaya imposibleng sila 'yun," sabi ni Kenji habang tumitingin ako sa mga pictures.
"'Yung dalawang lalaki naman ay may mga kasamang girlfriends nila, kaya mukhang hindi natin natiyempuhan kung sino man ang nagpapadala sa 'yo," dagdag pa niya.
"How about the owner? 'Yung mga kumakausap sa staff?" tanong ko habang patuloy sa pag-scroll.
"Wala kaming napansin na kakaiba. Madalas na makipag-usap sa mga customers 'yung Paulo, pero wala naman kaming napansin na kahina-hinala sa kanya," sagot ni Kenji.
Bigla akong napatigil sa isang litrato.
It was a picture of a man wearing a brown apron habang may dalang isang tray ng cupcakes. He's smiling. Agad kong napansin ang mga labi niya bago dumako ang titig ko sa mga mata niya. I don't know who he is, pero hindi ko maiwasan na maramdaman na parang malapit siya sa 'kin.
"Oh, that's Paulo. Nang mapuno na ang phone memory ni Shaira ay nanghiram siya sa 'kin ng phone para kunan ng litrato ang owner. Kailangan ko pa ngang ipasa sa kanya 'yan later," Kenji said with a sigh.
I stared at the guy's picture. I really can't deny the feeling that I've already seen him before.
•••
The next day ay bumungad sa room namin si Shaira na may dalang balita. "We have a new classmate today!" sabi niya pagkapasok niya ng pinto. Siya rin kasi ang block president namin.
Si Kenji na kasalukuyang nakikipag-agawan sa 'kin ng raisin bread na baon ko ay natigilan bigla at tumitig sa unahan. Kahit ako ay napalingon din.
"Who?" tanong naming lahat.
Bumaling si Shaira sa pinto. "Come in! Pakilala ka."
Isang lalaki ang pumasok sa room. "Hello, everyone. I'm Greg Fortez. 18. I'm your new blockmate," pakilala niya sa 'min.
Pagkatapos na makapagpakilala ng lalaki ay bumalik na kami ni Kenji sa pag-aagawan ng raisin bread na dala ko.
"Damot mo. Pahingi nga ako—"
"Hintay kasi!" singhal ko naman. "'Di ko naman 'yan uubusin!"
"Hey, guys! Makikitabi sa 'tin si Greg," biglang sabi ni Shaira sa tabi namin.
"Yeah. Who cares?" tanong ni Kenji.
"Close kayo?" tanong ko naman at bumalik na kaming dalawa sa hilahan ng tinapay.
"Actually, narinig niya kayo. He's going to sit beside you, AJ!" sabi ni Shaira.
Napalingon kaming dalawa and we saw the Greg smiling awkwardly at us.
"Hello. I'm Greg—"
"Yeah. We're not deaf," sabay naming sabi ni Kenji.
Si Shaira na lang ang nagpakilala sa 'ming dalawa kay Greg. "This is Kenji Intal, the team captain of the soccer team of this university. This guy here is AJ Altarejos—"
"Short for Alexander John," sabad ko kay Shaira.
"—yes, and he's also the team captain of the volleyball team of this university!" sabi niya.
"It's nice to meet you," sabi ni Greg sa 'min.
"Ang sarap ng raisin bread," muffled kong sabi habang nakasubsob sa armchair ko. Bigla akong nakaramdam ng kamay sa batok ko. Binatukan na pala kaming dalawa ni Kenji ni Shaira.
"Hoy! May kumakausap sa inyo! Respeto naman!" sigaw ni Shaira.
We glared at her.
"It's nice to meet you, too," panabay naming sabi ni Kenji kay Greg.
Greg smiled. "Natural ba 'yan?" tanong niya bigla.
"What?" tanong ko naman.
"'Yan na buhok mo. Natural ba 'yan na greyish shade ng buhok mo?" tanong niya sa ‘kin.
Talas ng mga mata nito.
"This is fashion, not genes. Why? Gusto mo ng ganitong kulay ng buhok?" tanong ko.
He laughed a little. "No. I just think that it suits you," sabi ni Greg.
"Thanks," bored kong sagot bago ako sumubsob ulit sa armchair ko. 'Di ko na siya pinansin pa sa buong period namin.
Nang matapos na ang lecture namin ay nagpaalam sa 'min si Shaira na pupunta muna siya ng CSC office, kaya naman kaming dalawa lang ni Kenji ang natira.
"Tara na, AJ. Kain tayo sa cafeteria," yaya niya sa 'kin.
"Sige. Tara," sabi ko naman.
Lumingon ako sa kaliwang armchair ko pero wala na doon si Greg. Kumunot bigla ang noo ko. Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa pader ng hallway at umiinom ng isang Chuckie.
Natigilan ako at napatitig sa kanya. Bigla niya yatang napansin na nandoon ako kaya lumingon siya sa 'kin.
"Want one?" alok niya sa 'kin habang nakangiti.
Bigla kong naalala ang lalaki sa waiting shed. "No, thanks," sagot ko naman at umatras ako nang kaunti.
Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Isa na namang hinala ang namumuo sa utak ko.
•••
Sa buong maghapon nga ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang bantayan ang bawat kilos ni Greg.
Naglalakad na ako palabas ng school. Kailangang bumawi sa practice ni Kenji sa football dahil sa pag-cut niya dati ng practice time nila kaya magpapa-hapon siya. May meeting naman si Shaira sa CSC. Friday ngayon at pahinga namin sa practice.
Habang naglalakad ako ay panay kakaisip ako tungkol kay Greg. So far ay pansin ko na magaling naman siya sa klase. Matalino at mahilig mag-recite; pero hindi pa rin naaalis sa isip ko ang hinala ko kanina pa.
Could he be the same guy that I met before in that waiting shed? Ba't 'di siya agad na nagpakilala? Or baka pakulo niya ang Chuckie kanina para maalala ko siya?
Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakalagpas na pala ako ng gate. Napalingon naman ako bigla. Nandoon na naman kasi ang lalaking nakasandal sa pader ng gate. I frowned bago ako tumalikod at dali-daling naglakad palayo.
Pasikat nito. Ang dami ko na ngang iniisip, idadagdag ko pa ba ang damuhong 'to?
Tumigil ulit ako at lumingon, pero wala na doon ang lalaki. I just rolled my eyes bago ako naglakad ulit. Bahala siya kung ano ang trip niya sa buhay. Wala akong oras sa kanya.
Bigla na lang na may humablot sa 'kin mula sa likod. May nagtakip ng bibig ko at may humawak sa tiyan ko sabay buhat sa 'kin papunta sa kung saan.
I tried to struggle pero hindi nakakabuwelo ang mga paa ko. Sinubukan kong sumigaw pero muffled na boses lang ang lumalabas sa bibig ko. Masyado ring malakas ang kumakaladkad sa 'kin. Maya-maya pa ay bigla na lang kaming tumigil sa isang eskinita. Patalikod akong nakasandal doon sa lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung sino ang may hawak sa 'kin.
Walang iba kung hindi ang lalaking naka-hood na kani-kanina lang ay nakasandal sa gate. Nakatakip ang isa niyang kamay sa bibig ko at ang isa naman niyang kamay ay nakapasok sa loob ng uniform ko at nakalapat sa tiyan ko.
"Shout or move, and I'm going to rape you."