Malapit na ang alas-singko ng hapon nang makarating ako sa bahay ko. Agad naman akong natigilan nang may nakita na naman akong box sa harap ng gate ng bahay. Pinulot ko na lang 'yun at binuksan.
Kagaya ng inasahan ko, isang chocolate cake ang tumambad sa 'kin. May kasama na naman na note.
If you're having a rough day today, I hope that this will cheer you up. I have no bad intentions, okay? I'm really glad that you ate my gift for you. Take care always. I love you.
—The Guy at the Gate
Kumunot ang noo ko bago ako tumingin sa paligid. Wala naman akong makitang tao na kahina-hinala ang galaw.
Isa pa 'tong bugok na 'to. Ang dami ko na ngang iniisip, ako pa ang napagtripan.
Pagtingin ko sa box ay nakita kong galing 'to sa coffee shop na pinuntahan namin dati nina Shaira at Kenji. I closed my eyes for a moment. Kung galing 'to sa coffee shop na 'yun ay baka alam nila kung sino ang um-order ng lintik na cake na 'to.
Kaya naman sumakay ako ng taxi at nagpahatid ako doon sa coffee shop. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na ako sa lugar. Dali-dali naman akong pumasok at naglakad papunta sa counter.
"Good afternoon, sir! How can I help you?" bati sa 'kin ng nagbabantay sa counter.
"Do you have any record kung sino ang nag-order ng cake na 'to?" tanong ko sabay lapag sa counter ng cake.
Natigilan ang cashier. "I'm sorry, sir, but we cannot tell you about our records," sabi nito.
"This is a premium cake, isn't it?" tanong ko.
"Yes, sir."
"Then ang may-ari ng coffee shop na 'to ang nag-bake nito?" tanong ko pa.
"Yes, sir," kinakabahang sagot ng cashier.
"Where is the owner of this coffee shop? I want to talk to him. Baka alam niya kung sino ang kumuha nito," sagot ko sabay libot ng tingin sa loob ng coffee shop.
"I doubt if he knows something, sir. I am the one in charge of the dine-in and takeout orders, you see. Wala na po ritong alam ang may-ari ng shop namin. Siya lang po talaga ang gumagawa ng premium cakes and other products," sagot ng babae.
Tumingin ako sa shelf nila. Pagtingin ko sa parte ng premium cakes ay nakita ko na walang available na naka-display. I frowned.
"Can I have the menu for the premium cakes?" tanong ko.
The cashier hesitated. I just rolled my eyes. "One tuna sandwich. Take out. 'Yan. Bumili na ako. I am now officially your customer. Now, can I please have the menu?" tanong ko pa.
The cashier reluctantly handed over a menu to me. Umupo naman ako sa isang table doon at dali-daling nag-scan ng menu. Nakita ko pa doon ang assorted cupcakes and muffins na binigay sa 'kin dati.
Naka-ilang tingin na ako sa menu nila pero hindi ko makita ang chocolate cake na ibinigay sa 'kin ng kung sino mang 'yun.
"'Di kayo nagsabi na gumagawa pala kayo ng personalized cakes?" tanong ko sa cashier.
She looked uncomfortable. "Yes, sir. Through special requests only—"
"Pero walang nakapaskil sa labas na gumagawa pala kayo ng personalized products?" I asked with a smirk.
"Through special request nga po, sir—"
I raised an eyebrow. "Special request sa owner mismo? That means, kilala ng owner ng shop na 'to ang nagpapadala sa 'kin ng cakes?" tanong ko pa.
"Wala na po akong alam diyan, sir. Please, here's your order. Thank you for coming," sabi niya sabay abot sa 'kin ng order ko.
Nagbayad na lang ako.
"I'll leave this cake here. Hindi ko naman 'yan binayaran kaya wala akong pakialam diyan. You can have it. Baka tinanggap ko pa 'yan kung nagsabi ka lang ng totoo," matalim kong sabi bago ako naglakad palabas ng coffee shop.
•••
"How do you spell badass? A-J," sabi ni Shaira sa ‘kin nang sumunod na araw matapos kong makwento sa kanila ni Kenji ang nangyari kagabi. Lunch break na namin at kumakain na kami sa isang restaurant na malapit sa university namin.
Nagkamot na lang ako sa ulo ko. "Nakakainis kaya. Nagtatanong ako nang matino tapos ni hindi man lang ako magawang sagutin nang diretso," irita kong sabi.
Kenji tapped my shoulder. "You did the right thing. Maganda nang naninigurado ka. Well, at least ay alam natin na sa kanila nga galing ang mga cakes na nakukuha mo. Hindi lang natin alam kung sino ba talaga ang nagpapadala sa 'yo," sabi ni Kenji.
"What's the plan?" tanong sa 'kin ni Shaira.
Tumitig ako sa malayo. "We have to find out who this guy is; kung ano ang motibo niya sa 'kin; kung bakit panay kakapadala siya sa 'kin ng cakes," sagot ko. "As much as possible ay kailangan natin na magpunta sa coffee shop na 'yun. Malakas ang kutob ko na kilala nila o ng owner ng shop nila ang nagpapadala sa 'kin ng mga cakes na 'yan," dagdag ko pa.
"This afternoon?" tanong sa 'kin ni Kenji.
Nag-isip muna ako nang sandali. "You two should go there," sabi ko.
Napatitig sa 'kin ang dalawa. "Why?" panabay nilang sabi.
"Kasi baka makahalata sila na nag-oobserba tayo. Kung kakilala nila ang nagpapadala sa 'kin ng cakes, at makahalata sila ay paniguradong titimbrehan nila ang mokong. 'Di pa tayo masyadong kabisado ng staff doon kaya kayo na muna ang pumunta. Besides, kailangan kong kausapin si coach ngayong hapon," paliwanag ko naman sa kanila.
Tumango na lang silang dalawa.
"Basta bantayan niyo ang lahat ng crew doon. Lahat na mag-oorder ng premium products kunan niyo ng picture. Also, kilala mo sa mukha ang owner ng shop, 'di ba?" baling ko kay Shaira.
"Yep," sabi niya na may halong kilig.
I rolled my eyes. "Alam kong magugustuhan mo 'to na gagawin mo. Observe him kung makita mo siya. Obserbahan mo ang lahat ng tao na kakausap sa kanya. If you see anyone suspicious, then kunan niyo ng litrato. Am I making myself clear?" tanong ko.
They both nodded. "Nice. Sige. Then this afternoon kami doon pupunta," sabi ni Kenji.
"Also, don't ask too many questions. Baka mahalata kayo," dagdag ko pa.
"Got it," sabi ni Shaira.
Huminga ako nang malalim bago ako tumitig sa labas ng restaurant. Maya-maya pa ay bigla akong binalibag sa braso ng dalawa.
"Don't worry. Kaya namin 'yang gawin. Kami pa. We're the best undercover agents out there," sabi ni Kenji.
I smiled. "Oo na," sabi ko sabay balibag ng kamay ko sa ulo niya.
•••
"What the hell are you guys wearing?!" gulat kong tanong doon sa dalawa nang bigla nila akong hinatak sa isang bakanteng room kinahapunan.
"What? 'Di mo ba kami nakilala?" sabi ni Shaira.
Naka-pink na buhok si Shaira at naka-shades. Lakas maka-Nicki Minaj na hilaw. Si Kenji naman akala mo sinukluban ng lampaso sa wig na suot. Kung 'di ko lang kilala ang mga boses nila ay baka napagkamalan ko pang mga kulang-kulang silang dalawa.
I stared at Shaira. "I wasn't able to recognize you that fast because you two looked pathetic as hell. Pwede naman kayo doon na pumunta gamit ang mga pagmumukha niyo," singhal ko sa kanila.
"This is better. Malay mo baka marecognize kami ng staff doon. Baka natandaan na nila na kasama mo pala kami dati," sagot ni Kenji.
I sighed. "Oo na lang. Basta mag-iingat kayong dalawa."
"Opo. Don't worry," sagot ni Shaira. "Next time sama ka rin sa 'min ah? Mag-attire ka rin—"
"No way," sabad ko naman agad.
Hinatid ko na silang dalawa sa gilid ng kalsada sa labas ng college namin. "Basta mag-iingat kayo. Kailangan ko na ring kausapin si coach maya-maya. Kung may emergency kayong dalawa i-text or tawagan niyo agad ako, okay?" paalala ko sa kanila.
"Opo, boss. Masusunod po," sabi ni Kenji.
"Oo na. Bye. Ingat kayo," paalam ko sa kanila habang papasakay na sila ng taxi.
Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa nawala na ang sinasakyan nila. Umikot na ako para pumasok ulit sa gate, pero halos napatalon ako nang makita ko kung sino ang nakasandal sa pader ng gate.
Walang iba kung hindi ang lalaking naka-hood na nakita ko kahapon lang.
Naningkit bigla ang mga mata ko. Inobserbahan ko ang mga taong lumalabas at pumapasok sa gate ng college namin, pero parang halos ako lang ang pumapasin doon sa lalaki.
Baka nga kasi multo at ako lang nakakakita.
But he looked solid. Hindi naman lumiliwanag ang balat niya. Mayroon naman siyang anino. I shook my head. Para na 'kong timang sa mga pinag-iisip ko.
Pasimple akong naglakad papunta sa isang cart na nagtitinda ng mga mais. Tinitigan ko siya nang mabuti. As usual ay halos hindi ko makita ang mukha niya. May suot na naman siyang earphones. Walang kagalaw-galaw at parang natutulog na habang nakasandal sa pader.
"Kuya, pabili po ng mais," sabi ko sa nagtitinda.
Inabutan niya ako ng pagkalaki-laking sweet corn na nakatusok sa isang stick.
"Salamat po," sabi ko pagkabayad ko.
Nginatngat ko na ang mais habang naglalakad papasok ng gate. Tinitigan ko ulit ang lalaki habang naglalakad ako. Nag-crouch ako nang kaunti pero 'di ko pa rin masilip ang mukha niya sa ilalim ng hood niya.
Dahil sa kakatitig ko sa lalaki ay nakaapak na pala ako sa bato, sanhi para matapilok ako at mawalan ng balanse. Bumagsak ako sa semento at tumilapon palayo ang mais na hawak ko.
"’Yung mais ko…" maiyak-iyak kong sabi habang hawak ang balakang ko at pinapanood ang mais na gumugulong sa semento.
I then heard a soft laugh behind me. I looked behind me and saw the guy in black hood laughing a little. I just balled my hands into fists as I stood up with all the dignity I could muster.
Nang matapat ako sa kanya ay bigla akong nakarinig ng isang boses. "You're still a food maniac," sabi ng isang boses.
Lumingon ako sa direksyon ng boses pero wala akong nakita maliban doon sa lalaki. Pakiramdam ko ay kinilabutan ang buo kong katawan bigla kaya dali-dali akong naglakad papasok ng gate.
Did he just talk to me?!