"And you ate those cupcakes?!" gulat na tanong sa 'kin ni Shaira nang makwento sa kanya ni Kenji ang nangyari kahapon.
"Wala namang mali sa cupcakes. Tsaka ang sarap kaya," sagot ko naman.
Tinitigan ni Shaira ang note. "The Guy at the Gate? Do you have any idea who this guy is?" tanong pa niya.
"Dunno," sagot ko naman na nakatitig sa kawalan. "Maybe he's an admirer of mine."
"Looks like you've got a new suitor. Kaya pala medyo pangit ang mood ni Kenji," sabi ni Shaira.
"I'm not in a bad mood. I think it's not a good idea to just accept things from a person you don't even know. Kapakanan lang ni AJ ang iniisip ko," sagot ni Kenji mula sa armchair sa kanan ko.
"Of course. Wala namang nangyari kay AJ. He's fine. That should be good enough for us. Swerte mo, AJ," sabi ni Shaira.
Hindi na ako sumagot. I looked at Kenji sideways. "Hoy, galit ka?" baling ko sa kanya.
"No," sagot ni Kenji habang nakatukod ang kamay sa ulo niya.
I sighed. "'Wag ka nang mag-emote. Mag-iingat na ako next time. Alam mo naman na kahinaan ko ang cupcakes. Sorry na," sabi ko.
Tinitigan ako ni Kenji. "Oo na. Alam mo naman na hindi kita kayang tiisin."
Nginitian ko siya. He smiled back.
"This afternoon, pwede ba kayong gumala mga around four?" tanong niya sa 'min.
"Hindi nga kami pwede," sabay naming sabi ni Shaira.
"Hanggang five ang practice ko," sabi ko.
"Hanggang six ako dahil sa academic council," sabi ni Shaira.
Tinitigan ko si Kenji. "Ano ba kasi ang gagawin mo? Gagala lang naman yata tayo."
"Hindi nga! Ano kasi. . . 'yung—"
"Ano nga?!" sabog sa kanya ni Shaira.
"Kailangan kong pumunta sa dentista namin. Kailangan ko magpa-check up ng ngipin," namumulang sabi ni Kenji.
Humagalpak na lang kami nang kakatawa ni Shaira. Takot kasi si Kenji sa dentista.
"Ang laki-laki mo na pero takot ka pa rin sa dentista?!" sabi ni Shaira.
"Kayo kaya ang makaranas ng naranasan ko? Tanda ko pa noong elementary ako wala pa ngang epekto 'yung anesthesia pero binunot na agad 'yung ngipin ko—"
Hinawakan ko sa balikat si Kenji. "Sige. Ihahatid ka namin ni Shaira sa gate mamaya. Kailangan lang talaga namin na gawin ang mga dapat naming gawin. Mga alas-tres ka na umalis. Baka hindi mo maabutan na bukas ang clinic," sabi ko.
"Aalis muna ako ng pratice ngayong three. Ikaw, Shai?" baling ko kay Shaira.
"Sige na. Snack time naman namin 'yun," sagot niya.
"Talaga?" tanong ni Kenji.
Kinurot ko ang ilong niya. "Opo. Para kang bata."
"Oo na. Sorry," sagot ni Kenji habang kumakamot sa ulo niya.
Kaya naman kinahapunan ay hinatid na namin si Kenji sa gate ng school. "Pakabait ka doon, ha? Susulat ka parati! Mami-miss ka namin!" maiyak-iyak na sabi ni Shaira.
"Shaira naman—"
I laughed. "Bye. Ingat ka. 'Wag iiyak," sabi ko naman.
"Bye. See you tomorrow!" sabi ni Kenji sabay lakad palayo sa 'min.
Hinatid namin ng tingin si Kenji hanggang sa nakasakay na siya ng taxi. Papasok na sana kami ulit nang bigla akong nakakita ng isang cart na nagtitinda ng mga candies.
"Hoy. Tara na. Kailangan ko nang bumalik," sabi ni Shaira sa tabi ko.
"Mauna ka na. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ko naman.
Shaira stared at me. "Okay. Take care. Balik ka agad sa practice niyo."
Pagkaalis ni Shaira ay agad akong lumapit sa nagtitinda ng mga gummies. Isa rin kasi sa mga gusto kong kainin ay mga matatamis.
"Ate pabili po ng gummies. Twenty pesos," sabi ko.
Pagkakuha ko ng gummies ay naglakad na ako pabalik ng gate; pero natigilan ako pag-ikot ko.
There was a guy wearing a black hooded jacket over his uniform. Nakasandal siya sa pader. Natatakpan ang kalahati ng mukha niya. Ilong lang at bibig ang nakikita ko sa kanya. May hawak siyang Chuckie at may suot pa na earphones.
I stared curiously at him.
Wala siyang kaimik-imik habang nakasandal sa pader. Parang wala siyang nakikita at parang ako lang ang nakakakita sa kanya. I looked around at halos ako lang ang nakatingin sa kanya. Maya-maya pa ay bigla akong natigilan nang bigla akong may maalala. . .
Hapon noon at papauwi na ako sa bahay ko. It was cloudy. Maalinsangan ang hangin at nagbabadya ang malakas na ulan. Tahimik ang paligid at marahang nagsisilaglagan ang mga dahon mula sa mga puno.
Hindi pa nga ako nakararating sa bahay ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bumaling ako sa bag ko pero nakalimutan ko palang magdala ng payong. I glanced around and saw a waiting shed. Agad naman akong tumakbo papunta doon.
It was empty except for a boy wearing a black hooded jacket over his navy blue school uniform. Nakasandal siya sa pader ng waiting shed. I can only see his mouth. Natatakpan na ng hoodie niya ang mga mata niya at ang kalahati ng ilong niya.
I slightly moved away from him. Mahirap na. Baka may hablutin sa 'kin.
Maya-maya pa ay bigla siyang nagtaas ng kamay. May hawak pala siyang panyo. Tumitig na lang ako sa kanya.
"You're wet. Wipe yourself," sabi niya na 'di sa 'kin lumilingon.
Dala marahil ng gulat ay kinuha ko na lang ang panyo, but I did not wipe myself with it.
Napansin niya yata 'yun.
"That's my spare handkerchief. 'Di ko pa 'yan nagagamit," sabi ng lalaki.
Pinunasan ko na lang ang sarili ko.
"Do you have a cellphone?" Tanong niya.
Napatitig ako sa kanya. I held my bag tightly. Lintik na. Maho-holdap pa yata ako.
He almost smiled. "Better text someone from your house na nandito ka. Mukhang matagal pa bago matapos 'tong ulan."
Nakahinga ako nang maluwag. "I live alone."
We just stood there in total silence for the next few minutes habang hinihintay na humupa ang ulan. Makalipas ang ilang sandali ay may inabot na naman sa 'kin ang lalaki.
"Want one?" sabi niya bigla.
Inaabutan niya ako ng isang Chuckie. Nagkataon pa naman na paborito ko rin ang Chuckie; pero mahirap na. Baka kung ano pa ang mangyari kapag kinuha ko 'yun.
I shook my head.
"Wala 'yang lason," he said stubbornly.
Kinuha ko na lang √ng Chuckie para 'di na ako makipag-argue pa sa kanya.
I gazed impatiently at the sky. Medyo nilalamig na ako dahil nabasa pa ako ng ulan. Patay na rin pati ang phone ko. Ayoko namang lumusong sa ulan dahil sakitin pa naman ako. Maya-maya pa ay bigla na lang akong nakaramdam ng siko sa likod ko. I looked around and saw the guy pulling a jacket from his bag.
He straightened up bago niya inabot sa 'kin ang jacket niya. "Spare jacket ko. Wear it. Kanina ka pa nanginginig sa lamig."
Kung hindi lang talaga ako nangangatog sa lamig ay hindi ko talaga sana kukunin ang jacket niya. Dahil nakakahiya at ayoko namang magmukhang masama kung hindi ko kunin ang jacket ay kinuha ko na lang 'yun at sinuot.
A full thirty minutes had passed since na sumilong ako sa waiting shed. May kadiliman na sa paligid. Maingay na ang kalsada dahil rush hour na. Malakas pa rin ang ulan. I just stood there awkwardly habang hinihintay na humupa ang ulan.
"It's getting late. Umuwi ka na," biglang sabi ng lalaki.
Pinuwersa niya sa kamay ko ang isang payong. He looked at me for a few seconds before smiling. Tumalikod na siya at naglakad na sa ilalim ng ulan.
"Wait," sabi ko naman bago pa siya makaalis.
The guy turned around. Labi lang talaga niya ang nakikita ko.
"Mababasa ka."
"I'll be okay," he said simply bago siya tumalikod ulit.
"Wait! Kuya!" tawag ko ulit sa kanya.
Nanatili siyang nakatalikod, pero lumingon pa rin siya sa 'kin. He looked at me sideways.
"Thanks," 'yun na lang ang nasabi ko.
The corner of his lips curved into a tiny smile bago siya nagpatuloy na maglakad palayo.
Napatitig na lang ako sa sarili ko. I'm holding his handkerchief in my left hand, the Chuckie that he gave to me was already in my pocket, I'm wearing his jacket, and I'm holding his umbrella in my right hand. And he's a complete stranger to me.
Mukhang ako pa ang nang-holdap sa kanya.
I looked up once again pero wala na ang lalaki sa kalsadang nilakaran niya. Mag-isa na lang ako sa gitna ng ingay ng kalsada at sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Tinitigan ko siya nang mabuti. Kamukha niya ang lalaking naka-hood na nakita ko dati sa isang waiting shed noong Hunyo.
But it can't be him. Ano naman ang ginagawa niya rito? Ang lakas naman na coincidence kung sakali. However, I can't deny na pakiramdam ko ay kamukha niya ang lalaking 'yun.
Naglakad na lang ako pabalik ng gate. Dumiretso ako sa gym para ipagpatuloy ang practice namin.
Throughout our practice ay wala ako sa focus. Madalas akong napapalingon sa likod ko. Pakiramdam ko kasi at may nakatitig sa 'kin mula sa malayo. Dahil doon ay pinutol ko na lang ang practice hanggang four.
"You all did well today. Good work, guys. Bukas ulit. See you all," sabi ko sa teammates ko bago ako nag-dismiss.
Pagkatapos kong makapag-ayos ay umuwi na rin ako. Laking gulat ko nang makita kong nandoon pa rin sa gate ang lalaki.
Pasimple ko siyang tinitigan habang naglalakad ako palabas. Imposible naman kasing may kapatid siya o girlfriend dito sa university namin kasi halos wala nang tao dahil tanghali pa lang ay nagsi-uwian na ang mga estudiyante.
Bigla akong natisod.
Nabitawan ko ang mga libro ko at muntik na akong mawalan ng balanse. Buti na lang at naayos ko pa ang tayo ko. I gave him a swift glance bago ko dali-daling pinulot ang mga gamit ko.
I saw him smiling a bit.
Dali-dali akong naglakad palayo. Pagkalakad ko nang ilang metro ay lumingon ulit ako pero wala na ‘yung lalaki.
Isang bagay lang ang naisip ko nang mga sandaling 'yun kasabay ng pangingilabot ng buo kong katawan.
Baka multo ang nakita ko.