CHAPTER 02: STRANGERS

1668 Words
Nagising ako na nakahandusay na naman sa sahig. Kumurap-kurap ako nang ilang beses bago ako tumayo at inayos ang sarili ko. Masyado na yatang napapadalas ang pagpa-pass out ko. Bumaling ako sa relo ko. Alas-otso na pala ng gabi. Halos tatlong oras din akong nawalan ng malay. Kasalukuyan kong ino-on ang mga ilaw sa bahay nang biglang mag-ring ang phone ko. I frowned. "Kenji?" "Nag-dinner ka na?" tanong niya. I paused. "Uh, oo na." Biglang kumulo ang tiyan ko. Kenji laughed. "Sabi na nga ba. I'll go there. May dala akong pagkain. See you!" sabi niya sabay patay ng phone. Hindi na ako nakasagot na alam kong plano na niya talaga para hindi na ako makapag-object pa. Ngumiti na lang ako habang naglalakad na ako paakyat ng hagdan. Nasa kwarto na ako nang bigla na namang nag-ring ang phone ko. Si mama naman ngayon ang tumatawag. "'Ma? Napatawag ka po?" bungad ko sa kanya. "Nangungumusta lang. Alam mo naman na 'di pa kami sanay ng papa mo na wala ka rito," sagot ni mama. "'Ma naman. Okay lang po ako. 'Wag ka na pong mag-alala. Kaya ko naman dito," sabi ko naman. "Kumusta na ang kalusugan mo? Hinihimatay ka pa rin ba?" tanong niya. "Hindi na po. Everything's fine here, 'ma. 'Wag niyo na po akong isipin. I'm already eighteen. Malaki na 'ko," sabi ko naman. "Kailan ka naman ba naging bata? Mula pa noon ay independent ka na masyado. Still, anak ka namin. Minsan ka nang napahamak, at ayoko nang maulit pa 'yun," sagot ni mama. "It's okay, 'ma. Wala naman akong maalala doon sa nangyari. Siguro wala akong maalala para hindi na ako ma-trauma pa sa nangyari sa 'kin. I'm good, 'ma," sagot ko naman. I heard her sigh. "May mga kaibigan ka na ba?" "Opo." "Ilan?" "Dalawa," sabi ko sabay tawa. "Hayan ka na naman. Basta magpakabait ka at maging totoo ka sa sarili mo ay marami kang magiging kaibigan," sabi ni mama. "Opo. Magkakaroon din po ako ng maraming kaibigan. Ipapakilala ko silang lahat sa 'yo," sabi ko. "Oh, sige. May gagawin pa ako. Mag-iingat ka parati. I love you, anak," sabi ni mama. "Opo. Ikaw rin, ‘ma. Ingat po. I love you!" sabi ko. Pagkapalit ko ng damit ay dumiretso na ako sa kusina. Kumuha ako ng isang cup noodles at nilagyan 'yun ng mainit na tubig. Naupo ako sa isang upuan at sumubsob ako sa mesa. Sabi ni papa ay car accident daw ang kinasangkutan kong aksidente kaya wala akong maalala. Inoperahan ako dahil sa blood clot sa utak. Kaya naman may medyo mahaba akong peklat sa likod ng ulo ko na umaabot nang kaunti sa batok. Hindi naman 'yun halata. Every time na susubukan kong alalahanin ang nangyari ay malakas na liwanag lang ang naaalala ko. Baka 'yun na ang car accident. Ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit may naririnig akong mga nag-uusap sa paligid ko. Minsan naman kapag nahihimatay ako ay may nakikita na lang akong mga bagay na kung ano-ano. Minsan tao, minsan lugar. Hindi naman klarado ang mga imahe nila. "Mr. Alexander John Briones Altarejos, hindi ba sabi ko naman sa 'yo na hintayin mo 'ko?" sabi bigla ng boses ni Kenji. Nag-angat ako ng mukha. "Sorry, I almost forgot." He suddenly frowned pagkakita sa kinakain ko. "Ba't ito lang ang kinakain mo? Buti na lang talaga at pumunta ako rito," sabi niya sabay upo sa tabi ko. "Wala na akong oras," sagot ko habang nagkukusot ng mga mata. "Walang oras? Maaga kaya tayong nakauwi," sabi niya. "Natulog ako," sagot ko naman. Kenji smiled. "Oo na lang. Here, may dala ako ritong paborito mong tempura at grilled salmon. Kain ka na. Tapos na ko," sabi niya sabay abot sa 'kin ng isang paper bag. "Thanks," sabi ko sabay amoy doon. Kumuha naman ako ng plato ko at kutsara't tinidor. "And—" Biglang nag-angat ng isang litrong box ng Chuckie si Kenji. "Hala, Chuckie!" sigaw ko sabay sugod sa kanya. "Sandali. Kiss muna," sabi ni Kenji sabay angat ng kamay niya. Tinitigan ko siya nang matalim. "No way. Akin na ang Chuckie ko!" "Nope. Kiss," pilit ni Kenji. Huminga ako nang malalim. "Pisngi. Madali lang," sagot ko naman. "That'll be good enough," sabi niya. Dali-dali ko namang hinalikan ang pisngi ni Kenji sabay hablot sa box ng Chuckie. "Thank you!" nakangiti kong sabi. Well, gusto kasing manligaw sa 'kin ni Kenji. Last week lang siya umamin sa 'kin. Hindi pa naman ako pumapayag. Kaya heto, panay kakasuyo pa rin siya sa 'kin. "Kailan mo ba ako papayagan na manligaw sa 'yo?" tanong niya habang nakatitig sa 'kin na kumakain. I sighed. "Sinabi ko na sa 'yo na hindi nga ako pwede, 'di ba? Studies muna ako. Tsaka. . . you're a guy—" Hinawakan ako sa baba ni Kenji at inangat ang mukha ko. "Sinabi ko na rin sa 'yo na 'di ako titigil. Oo, maybe tatlong buwan pa lang tayong magkakilala, pero malapit na agad ang loob ko sa 'yo," he said. "Tsaka sa ugali nga ako tumitingin, hindi sa mukha. Nasakto lang na mayroon ka ng lahat ng ugaling hinahanap ko. Besides, hindi ka naman mahirap na mahalin," sabi pa ni Kenji. Nagbawi na ako ng tingin. "Oo na lang," sagot ko naman. "Siguro ang daming nanliligaw sa 'yo noong nasa high school ka," sabi niya. Nabilaukan ako bigla. "What?!" "Joke lang. Sabi ko baka maraming nahuhulog sa 'yo dati," sabi pa niya. Tumitig ako sa kawalan. "Pa'no ko naman 'yan malalaman? Wala nga akong maalala." "Oo nga pala. Sorry naman. Wala ka ba talagang naaalala kahit kaunti sa nakaraan mo?" tanong ni Kenji sa 'kin. "Wala nga. Nasa taxi raw ako nang mangyari ang aksidente. Wala rin dito sa bansa ang mga magulang ko nang mapahamak ako," sagot ko naman. "I see, pero okay na rin 'yun. Baka 'pag maalala mo pa ang buong nangyari ay ma-trauma ka pa," sabi niya. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako para maghugas ng pinagkainan. "Ako na," sabi bigla ni Kenji. "Ako na," sabi ko sabay agaw ng pinagkainan ko mula sa kanya. "Ako na nga. Sugat-sugat pa ang kamay mo. 'Wag na makulit, okay? Halikan kita," sabi niya. I rolled my eyes. "'Yan. Bahala ka," sabi ko sabay balibag ng pinagkainan ko kay Kenji. "Bukas, ano ang plano mo sa hapon?" tanong niya. "Ano ang plano? Pumunta ka sa football field at pupunta ako sa gym. Mag-practice ka," singhal ko habang pinapanood si Kenji na naghuhugas ng plato. "I can shorten the practice to 3 pm. Tapos labas tayo nina Shaira," sabi niya. "Puwes ako, hindi ko balak iksian ang pratice namin. Hanggang 5 pm ako," sagot ko naman. "AJ—" "No way," sabi ko naman. Naglakad na ako papunta ng sala. "Kung hindi ka lang kasi nang-abuso kanina dahil may Chuckie ka, baka pumayag pa ako sa request mo ngayon," sabi ko. "Sorry na!" sabi ni Kenji. "Oo na. Basta hindi ako pwede bukas. Marami naman diyang babae na gustong sumama sa 'yo," sabi ko sabay upo sa harap ng TV. "Ikaw ang gusto kong kasama," sagot ni Kenji. Sasagot pa sana ako nang biglang tumunog ang door bell. Napalingon ako bigla. I stared at Kenji who just raised an eyebrow. "Ako na," sabi ko sabay lakad palabas ng bahay. Binuksan ko ang gate at lumingon ako sa paligid. Wala naman akong nakitang tao. I sighed. Baka nang-trip lang. Mga tao talaga ngayon wala nang nagagawang matino. Isasara ko na sana ang gate nang bigla akong mapayuko. May isang box na may rose na nakalagay sa ibabaw ang nandoon sa tapat ng gate. I frowned. Lumapit ako at pinulot 'yun. Cupcakes ang tumambad sa 'kin pagkabukas ko ng box. May kasama pang note. Keep smiling, okay? It makes you look cuter. 'Wag ka na ulit bubusangot. I know you'll love these. I love you. —The Guy at the Gate I frowned. Maya-maya pa ay bigla na lang akong napangiti. "Si Kenji talaga. . ." Naglakad na ako pabalik ng bahay. Pagkapasok ko sa sala ay hinampas ko ang ulo ni Kenji. "Hoy, anong drama 'to?" sabi ko sabay taas ng box ng cupcakes. Liningon ako ni Kenji na nanonood na ng TV. "What?" "Heto!" sabi ko sabay wagayway ng box sa harap ng mukha niya. "That's not from me," alanganin niyang sabi. "Talaga?" tanong ko naman. Kenji raised both his hands. I just stared at him. Mukhang nagsasabi nga siya ng totoo. "Ano ba 'yan?" tanong ni Kenji nang umupo na ako sa sofa. "A box of cupcakes, a rose, and a note," sabi ko. Kinuha ni Kenji ang note at binuksan ko naman ulit ang box. Naglaway ako bigla sa amoy ng mga cupcakes at muffins. "The Guy at the Gate? That's a pretty long pseudonym. Hey, wait!" Biglang pinigilan ni Kenji ang pagsubo ko ng cupcake. "What?" tanong ko. "Baka may lason 'yan," sabi niya. I laughed. "Galing 'to sa coffee shop na kinakainan natin. Nakita ko na ring nakadisplay 'to sa shelves nila. Premium pa yata 'to. That means na owner talaga ng coffee shop ang gumawa nito. Tsaka inamoy ko naman. Ang bango kaya," sabi ko. Sinubo ko na ang isang buong muffin. Natigilan ako bigla. "AJ? Are you fine?" praning na tanong ni Kenji. Nagpagulong-gulong ako sa sofa. This is heaven. "Ang sarap! Try this. Sino kaya ang nagpadala nito?" tanong ko sabay subsob ng isang muffin sa bibig ni Kenji. "Yeah, masarap; pero sana naman hindi mo ako binilaukan," muffled niyang sagot. Napatitig ako sa labas ng bintana ng sala. I sighed. Kung hindi si Kenji ang nagpadala nitong mga cupcakes, sino naman kaya ang magbibigay sa 'kin nito? Bumaling ako sa box at naghanap ng mga posibleng clue. Tumitig ako sa note. Somehow ay parang pamilyar sa 'kin ang sulat ng nagpadala nitong cupcakes. I smelled the rose at binasa ko ulit ang note na kasama ng box. "The Guy at the Gate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD