CHAPTER 01: ALEXANDER JOHN ALTAREJOS

1660 Words
Three years later. . . Bigla akong napadilat ng mga mata. Una kong nakita ay ang mga paa ng mga silya. I looked around and saw myself lying on the floor of our classroom. Inangat ko na ang katawan ko at nagkusot ako ng mga mata ko. Nagkalat pala sa paligid ko ang mga gamit at libro ko. Pinagpupulot ko na lang ang mga gamit ko at pinagpagan ang volleyball uniform ko. I sighed. I must've passed out again. Tumayo na ako. Kumamot na lang ako sa ulo ko bago ako naglakad palabas ng room namin. Hapon na naman. Malapit nang lumubog ang araw dahil namumula na ang langit. May mga mangilan-ngilan pang tao dito sa school namin. Kakatapos lang ng practice namin sa volleyball. Malamang na pumunta ako sa room namin para kunin ang mga gamit ko, kaso mukhang nahimatay na naman ako. "Hoy! AJ!" sigaw bigla ng isang boses ng babae. I looked around and saw Shaira. Kasama pa si Kenji. Mga kaibigan ko. "Where have you been?" tanong niya sa 'kin. "Kinuha ko lang mga gamit ko sa room," sabi ko naman. "I see. Kanina ka pa namin hinahanap. Kumusta ang practice?" tanong ni Kenji. "Okay lang," sagot ko. "Okay lang daw. Halos lumipad ka na kaya kanina sa ere. Ang galing mo nga," sabi ni Shaira. "Oo na. Salamat sa papuri," sagot ko sabay pagulong ng mga mata. "Mukhang magsasabay-sabay tayo nito sa pag-represent ng school sa tournament?" tanong ni Kenji. I smiled before nodding. Player din kasi si Kenji sa school. Football nga lang siya. Team captain rin siya ng team nila kagaya ko. Mga teams pa namin ang potential na ilaban sa inter-school tournaments. "You’re really cool, AJ. Kakapasok mo pa lang noong June, pero instant team captain ka na agad. Instant sikat ka pa," sabi ni Shaira. "Tawag diyan talent," sagot ni Kenji habang naglalakad na kami palabas ng gate ng school. Tumitig ako sa namumula nang araw. "Yeah, maybe. I think so." "You know what, you're a man of few words, AJ. Minsan kung hindi ka pa tanungin hindi ka pa magsasalita," puna ni Kenji. I laughed. Kung hindi kasi sila nag-approach sa 'kin noong unang araw ko dito ay hindi ko pa sila magiging kaibigan. "Kumusta naman sa Canada?" tanong ni Shaira. "Ayos lang naman. Bahay-school lang ako parati. Kung hindi ko lang talaga kailangan na asikasuhin ang bahay ni lolo ay hindi naman ako uuwi rito," sagot ko naman. "I see, but are you staying for good?" tanong ni Kenji. "Yup. I think so. May iniwan sa 'kin na properties si lolo. Namana ko naman ang business ng tita and tito ko, so I might finish my studies here and then focus on our businesses," sagot ko. "Yaman! Buti ka pa. May future ka na," sagot ni Kenji. "Aral din kasi. 'Wag puro landi," singhal ni Shaira. "Hoy, tama na 'yan. Uuwi na nga lang tayo mag-aaway pa kayo," saway ko naman. 'Pag nag-aaway kasi 'tong dalawa, ako parati ang referee. "Hmm. . . How about dumaan muna tayo sa coffee shop? Maaga pa naman," sabi bigla ni Shaira. "Yeah. Why not? Ikaw, AJ?" tanong ni Kenji. "Kailangan kong umuwi nang maaga—" "AJ—" "Oo na!" sigaw ko bago pa ako makulit ng dalawa. May malapit kasi na coffee shop dito sa school. Last week lang namin na-discover. Masasarap ang mga luto nila especially ang mga cakes at kape. Nakarating naman kami agad sa coffee shop pagkatapos ng ilang minutong paglalakad. May kalawakan at maaliwalas ang coffee shop na 'yun. Maganda pa ang ambiance. Ang komportable nga sa pakiramdam kapag nandito ako. Para kasing pamilyar sa pakiramdam ko ang lugar na 'to kahit na noong nakaraang linggo pa lang namin 'to nahahanap. "Welcome, ma'am and sirs," bati sa 'min ng isa sa mga crew. "Here's the menu—" Natigilan ang crew pagkakita niya sa 'kin. I blinked. "May problema po?" alanganin kong tanong. Natigilan ang crew sa kakatitig sa 'kin. "Ah, nothing, sir. You just look a bit familiar to me. Your orders?" tanong niya. "Dark cofee and chocolate cake sa 'kin," sabi ni Kenji. "Milkshake and cherry muffins," sabi ni Shaira. "Tuna sandwich lang. I'm not in the mood for a drink," sagot ko naman. "I'll repeat po, tuna sandwich, cherry muffins, chocolate cake, milkshake, and dark coffee. Okay po ba?" tanong ng crew na nagbabasa sa notepad niya. Tumango naman kaming tatlo. Tumitig ako sa glass wall ng coffee shop. Mula sa kabilang kalsada ay natatanaw ko ang isang playground. May mga bata doon na naglalaro. "Wala yata si sir ngayon?" dinig kong sabi ng babae sa counter. "'Di siya makakapunta. May aasikasuhin daw na madali. Bukas na lang daw siya babawi rito sa shop," sagot ng crew. "Nakita ko one time ang may-ari nitong coffee shop," biglang bulong ni Shaira sa 'min. "And?" baling namin ni Kenji sa kanya. Biglang kinilig si Shaira. "Darn. He's so handsome! Ugh!" sabi ni Shaira na parang kinukuryente. "'Yun lang?" panabay naming sabi ni Kenji. She suddenly smirked bago siya tumitig sa 'kin. "He also plays volleyball. I heard na hindi lang siya basta player. He's an excellent player. Arellano ang surname niya," sabi ni Shaira. Natigilan ako. "Walang tatalo kay AJ! Tsaka paano mo naman nalaman 'yan?" tanong ni Kenji. Shaira rolled her eyes. "I saw him one time wearing a volleyball uniform habang papasok dito sa shop. Unfortunately, hindi ko nakita kung saan siyang school pumapasok," sabi ni Shaira. "Your orders, ma'am and sirs," bungad sa ‘min ng isang crew. "There's a chance na makalaban niyo siya, AJ. Mukhang mahirap na kalaban 'yun," sabi pa ni Shaira habang kumakain kami. "And so? Wala silang panama kay AJ," sabi ni Kenji. Hinampas ko na ang ulo ni Kenji. "Ang lapad na ng mga tenga ko." "Totoo naman ah!" sagot niya na kumakamot sa ulo. "You're really awesome and sexy when you're playing." Nasamid bigla si Shaira at ako naman ay muntik nang mabilaukan. "Don't say creepy things like that," nakangiti kong sabi. "Bukas pala walang pasok sa hapon. May academic council at kailangan na um-attend namin na mga CSC officers. Ano ang plano niyo?" tanong sa 'min ni Shaira. "More practice," sabay naming sabi ni Kenji. Nang matapos na kaming kumain ay naglakad na kami pauwi. Actually, sumasabay lang ako sa kanila. Malapit lang kasi ang bahay nina Shaira at Kenji sa university na pinapasukan namin. Malayo naman ang bahay ko. Sa bahay nga ng lolo ko ako tumutuloy. August na ngayon. Halos limang buwan na ang nakararaan mula nang bumalik ako rito sa bansa. Nakapag-adjust naman ako agad kahit na papaano. Medyo mahirap lang talaga ang weather lalo pa't nasanay na ako sa Canada. "Hoy! AJ! Bye na!" sigaw bigla ni Shaira. Napatalon ako sa gulat. "Oo na!" "Ang lalim ng iniisip mo. Bye!" sabi niya. Nauunang makauwi si Shaira, kaya si Kenji na ang nakakasabay ko pauwi parati. "Kumusta si Keila?" tanong ko sa kanya. Sinandal ni Kenji ang mga kamay niya sa batok niya. "Makulit pa rin. Baka nakauwi na 'yun ngayon. Buti nga at nakapag-adjust na siya ngayon na grade one na siya. Halos araw-araw ko pa 'yan na hinahatid sa school nila," sabi ni Kenji. "I see. Lucky for her at mayroon siyang big brother na kagaya mo," sabi ko naman. Kenji smiled. "Oo na. Ikaw, mag-isa ka pa rin ba sa bahay niyo?" tanong niya. "Yeah," sagot ko. "Ang lawak kaya ng bahay niyo! Nalibot mo na ba ang lahat ng kwarto doon mula nang makarating ka rito?" tanong ni Kenji. I laughed. "Bugok. Malamang. Isang bedroom, kitchen, CR sa bedroom ko, at sala lang ang nagagamit ko. 'Di ko nga naaasikaso masyado ang third floor," sagot ko. Biglang hinawakan ni Kenji ang kamay ko sabay angat doon. May mga band-aid at ilang benda ang kamay ko. "Having a rough time looking after your house?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Binawi ko ang kamay ko bago ako ngumiti. "I'll be okay. Masasanay din ako." Kenji sighed. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. "You should take care of your hand and yourself. Asset mo ang kamay mo, at asset ka ng team niyo," seryoso niyang sabi sa 'kin. I raised my hand and pinched his nose. "I know. Ano ba sa palagay mo ang ginagawa ko?" Kenji smiled. "Oo na. Just take care always. Alam ko naman na kayang-kaya mo ang sarili mo." Nakarating na kaming dalawa sa tapat ng bahay nina Kenji. "I know you're still full, but do you want to have a snack?" nakangiti niyang tanong. "Bugok. Busog pa ako. Pakumusta na lang kay Keila. Mauuna na ako. Ingat ka," paalam ko kay Kenji. He waved his hand. "Ikaw rin. Bye!" Tumalikod na ako at naghintay ng taxi sa gilid ng kalsada. Medyo may kalayuan nga kasi ang bahay ko mula sa university. Around twenty minutes sa taxi. Mas mahaba kapag may traffic. Madalas na sa labas lang ng subdivision ako bumababa. Naglalakad na lang kasi ako papasok ng village. Tumitig ako sa kamay ko nang maalala ko ang sinabi kanina ni Kenji. Recently kasi ay naglinis na naman ako ng buong bahay. Medyo hindi pa ako sanay kaya sugat na kamay ang inabot ko. Nakapag-adjust na ako sa traffic at polusyon dito sa Pilipinas, pero hindi pa ako nakakapag-adjust na mamuhay nang mag-isa. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng village namin. Pinatuloy ko na lang ang taxi sa village dahil pagod na rin ako. Pagkatapat ko sa bahay ay bumaba na ako. Madilim na sa paligid. Tahimik ang buong village. I closed my eyes and breathed deep. Pumasok na ako sa bahay. Akmang pagkasara ko ng pinto ay bigla na lang na bumigat at nagsara ang mga mata ko. Bigla na ring bumigay ang katawan ko at nawalan na ako ng malay bago pa man ako bumagsak sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD