Success

2098 Words
CHAPTER SIX Hindi pa rin makapaniwala si Cara sa swerteng dumating sa buhay niya. Ang offer ni Mr. Moore na kanyang pinagdududahan kung may katotohanan ay binigyan nito lahat ng katuparan. Kaya sure na siya ngayon na hindi siya basta lang nag-iilusyon o nanaginip lang. Everything is real. Totoo ang lahat. Totoong married na siya kahit hindi niya pa nakikita at nakikilala ang taong pinakasalan niya. Never in her wildest dream she had imagined na makasal sa taong hindi niya mahal at ang masiste pa nun sa taong ni hindi niya man lang nakikilala. Nang matanggap niya ang marriage certificate mula sa PSA ay dun na narealized ni Cara na totoo at may bisa ang kasal nila ni Mr. Calderon. Na ang lahat ay hindi panaginip. Napakalaki nga naman ng nagagawa ng pera. Kaya nitong paglaruan kahit ang batas at ang buhay ng tao. She is now Mrs. Cara Hidalgo Calderon. As of now ang sabi sa kanya ni Mr. Moore ay hindi niya muna maaaring ilantad sa publiko ang kanyang totoong status. Wala pang dapat makaalam na siya ang asawa ng bilyonaryo sa England at sa Pilipinas na si Mr. Calderon. Hindi pa daw maaaring lumabas sa publiko na may asawa na si Mr. Calderon until the right time comes. Kaya as of now mananatili muna siyang si Cara Jimenez Hidalgo sa pagkaaalam ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Months had passed at nagawa na siyang mailipat ni Mr. Moore sa isang exclusive university para sa mga mayayaman. Naoperahan na dn ang mama niya at under recovery na. Nasa isang exclusive ward na ito at nagpapalakas mula sa major operation nito. May private nurse din ito na personal na nag-aalaga at nag-aasikaso dito. Hindi na siya napapagod at naiistress kung saan kukuha ng pambayad sa ospital, pambayad sa kanyang tuition fee, upa sa bahay at pambili ng kanilang kakainin sa araw-araw. Lahat ng kanyang pangangailangan ay nakukuha niya ngayon na hindi niya na kailangang magpakahirap sa pagtatrabaho sa tuwing mayroon siyang free time. Salamat kay Mr. Moore at kay Mr. Calderon na naging instrumento ng Diyos para masolusyunan lahat ng kanyang problema at makaranas ng kaginhawahan sa buhay. Bago umalis si Mr. Moore pabalik sa England ay sinigurado muna nito na magiging maayos ang kanyang kalagayan. Hindi daw nito alam kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas at kung kailan nanaisin ni Mr. Calderon na makita siya. Iniwan nito sa kanya ang email add nito at address nito sa England. Ibinilin nito sa kanya na kung magkakaproblema siya ay huwag kalilimutan na kontakin siya. Unang araw niya ngayon sa pagpasok sa university. Pakiramdam niya halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Hindi siya sanay sa ganitong exclusive school. Naninibago siya, sanay kasi siya sa pampublikong paaralan kung saan siya dati nag-aaral. Na pwede siyang pumasok kahit naka maong na jeans at rubber shoes lang. Sanay siyang palaging nagmamadali at hinahabol ang oras pero sa ngayon kailangan niyang kumilos at magdamit ng naaayon sa mga taong nakakahalubilo niya. Ng lumipat siya sa Villa Calderon ay hindi na pinabalikan sa kanya ni Mr. Moore ang mga gamit sa dati nilang apartment kaya lahat ng gamit niya ay bago at mamahalin. Kahit ang kotseng ginagamit niya ay bago rin. Ipinasok siya nito sa isang driving school para matutong magdrive at dahil likas na matalino naman siya ay madali siyang natuto. Nakapasa din agad siya ng kumuha siya ng exam para magkaron ng drivers license. Habang naglalakad sa pasilyo ng university papunta s kanyang classroom ay sobrang naiilang si Cara. Medyo fit kasi sa kanya ang uniform niya at hakab na hakab ang makurba niyang katawan. Labas at kita din ang mahahaba at makinis niyang binti sa kanyang suot na skirt na above the knee ang haba. Dahil sa sobrang kaba at pagkailang ay hindi ni Cara napansin ang isa ring estudyante na nagmamadali sa paglalakad at tila may hinahabol. Bumangga ito sa kanya dahilan para mahulog ang mga dala nitong books. " s**t! what the f**k! ano ba! " inis na sigaw nito sa kanya! " You! ?" tila natigilan nitong wika! " what are you doing here? ano pang tinatanga tanga mo dyan, pulutin mong mga gamit ko! " mataray na utos nito sa kanya na nakapamaywang na ngayon. Ng makilala ni Cara ang taong nakabanggaan niya ay hindi na siya nakipagtalo dito. Kahit na alam naman niyang wala siyang kasalanan at ito ang bumangga sa kanya ay hindi na siya nakipagtalo pa. Isa isa niyang pinulot ang mga gamit nitong nagkalat sa pasilyo. Unti unti na ring dumarami ang mga estudyante na nagusyuso sa naging eksena nila ng babae kanina. May isa namang gwapong estudyante ang tumulong sa kanya. " M---Mark! " tila naman nag-i-stammer na wika ng babaeng nakabanggaan niya habang nagniningning ang mga matang nakatingin dito. " Here! heto nang mga gamit mo Geraldine. Ibang klase ka rin talaga! ikaw na itong may kasalanan! ikaw pa itong may lakas ng loob na magpapulot ng mga gamit mo dito kay Ms. Beautiful. " naiiling na wika nito kay Geraldine sabay baling ng tingin at atensyon sa kanya. " Hi Miss beautiful! by the way I'm Mark Buenaventura! " pakilala nito sa kanya sabay lahad ng mga palad nito na hindi naman niya naiwasang abutin. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya at ang hindi nito pagbitaw agad doon. " Hello! nice to meet you! I'm Cara. " pakilala niya dito na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay niya. " Mr. Mark Buenaventura baka pwede nyu na pong bitawan ang kamay ko. " nahihiya pero nakangiting wika niya sa lalaki. Tila nahihiya namang agad nitong binitawan ang mga kamay niya. Napansin niya din ang matalim na tingin sa kanya ni Geraldine. Kung nakasusugat lang ang matalim na tingin kanina pa siguro siya sugatan. " I'm sorry Cara napakasarap kasi hawakan ng mga palad mo. " pilyong wika nito sa kanya kasabay ng killer smile nito na nagpalabas sa malalim na biloy nito sa pisngi. Pogi sana! bolero naman. Wika ni Cara sa isip niya. " Miss heto na ang iba mo pang gamit. Pasensya na. " mapagkumbaba pa rin niyang paghingi ng paumanhin dito kahit alam naman niyang hindi siya ang may kasalanan. Inismiran lang siya ng babae sabay pagtaas ng plakadang plakada nitong kilay. "Hmp! akin na nga yan! " inis na wika nito sa kanya sabay haklit ng mga gamit nitong hawak niya. Sabay talikod na nito at nagmamadaling naglakad. " Naku Cara pagpasensyahan mo na yong si Geraldine. Palibhasa sobrang na spoiled ng mga magulang kaya ganun ang ugali. " Feeling close at hinging paumanhin nito para dun sa babae na nakilala niyang anak ng papa niya sa bago nitong kinakasama. " Its okay Mr. Buenaventura. ! nakangiti namang baling niya ng tingin dito. Tila nahipnotismo naman si Mark sa ngiti niya. Napakaganda naman ng babaeng ito! wika ni Mark sa isip niya na hindi maiwasang itago ang paghanga niya sa babae. " Napaka formal mo naman Cara. Just call me Mark. Siyanga pala bakit parang ngayon lang kita nakita dito. Ano bang course mo? " patuloy na tanong at pakikipag-usap nito sa kanya. " Transferee kasi ako from other university and this is my first day here. Bussiness administration ang course ko." tipid niyang sagot dito. " Ah kaya naman pala ngayon lang kita nakita! " tatango tangong wika nito. " Sige dito na ako Cara. See you around. Engineering nga pla ang course ko at yong nakabanggaan mo kanina kaklase ko yon. " paliwanag nito sa kanya sabay hiwalay na sa kanya ng direksyon. " Nakilala at nakasalamuha na ni Cara ang mga bago niyang kaklase na mula sa mga kilala at mayayamang angkan sa Pilipinas. May anak ng politician, bussinesman, at mga sikat na celebrities. Mababait naman ang mga ito at mukhang mga very approachable naman. Isa din siya sa mga ininominate ng mga ito na maging pambato para sa gaganaping Campus Intramurals na kung saan lahat ng mga course ay magkakaron ng representative para sa beauty pageant na isinasagawa ng university taon taon. Siya ang napili ng kanyang mga kaklase na magrepresent para sa Bussiness administration Department. Hindi naman akalain ni Cara na makakalaban niya sa paligsahan na yun ang kanyang kapatid sa ama na si Geraldine Hidalgo. Ito kasi ang napiling irepresent ng Engineering department. At si Mark Buenaventura naman ang napiling representative as Campus king ng Engineering department. Kaya hindi maiwasang lumaki ang galit at inis sa kanya ni Geraldine. Ayon sa mga kaklase nila ay si Geraldine daw at si Mark ang kinikilalang Campus King and Queen ng university. Matagal na daw may crush si Geraldine kay Mark pero as a good friend lang daw ang turing nito sa kanya. Sa bawat araw niya sa university ay palaki ng palaki ang hidwaan nila ni Geraldine lalo na at laging nakabuntot sa kanya si Mark. Ganun pa man lagi niya itong pinagpapasensyahan dahil ayaw niya ng gulo. Naging maayos na rin ang kalagayan ng mama niya at nakauwi na ito at nakakasama sa villa. Naging kasundo naman nito ang dalawang maids kaya hindi na rin ito naiinip sa Villa. Naging hobby nito ang magluto katulong ang 2 maids nila. Taz pinopost nito online. Dahil sa masarap magluto ang kanyang mama at nagkiclick ang mga iniembento nitong recipe ay dumami ang mga suki nito online. Kahit ang mga friends niya at mga kaklase ay dito na rin umoorder. Naging maayos ang naging pamumuhay nila Cara pero hindi ang buhay niya sa university. Kahit anong iwas niya na huwag sila magkabanggaan ni Geraldine gumagawa lagi ito ng issue laban sa kanya. Ipinamalita nito sa buong Campus na kabet siya ng isang mayamang negosyante kaya can afford siya mag-aral sa kanilang university. Na agad namang pinaniwalaan ng karamihan. Isang araw habang nasa canteen si Cara kasama ang kanyang kaklaseng si Jacky ay dumating ang grupo ni Geraldine at harap harapan siya nitong pinaringgan. " Guys look who's here! Ms. Cara Hidlago ang ultimate kabet ng isang pilantropo " mataray nitong wika kasabay ng tawanan ng mga kasama nitong kaklase na mahilig din mambully. " Ako ba talaga Ms. Geraldine Hidalgo ay hindi mo titigilan!? Have you ever ask yourself how are we related? kung bakit magka apelyedo tayo? I think this is the right time to let you know about this, ang nasa harap mo ngayon na ipinangangalandakan mong kabet ng isang mayamang pilantropo ang totoo at nag-iisang legitimate child ni Mr. Arthuro Hidalgo the owner of Mediatech company! " taas ang noong wika niya dito. Na tinawanan lang nito. " Wow ha! illusyonada ka talaga ano! inangkin mo pang ama ang ama ko! How dare you! " hindi ni Cara inaasahan ang sumunod na ginawa ni Geraldine. Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. Hindi naman nagpatinag si Cara. Masakit ang sampal sa kanya ni Geraldine pero sisiguraduhin niyang mas masakit ang magiging balik niya dito. " Sino kaya sa ating dalawa ang ilusyanada Geraldine Hidalgo? ako ba na legitimate child at nag-iisang lehitimong anak ni Arthuro Hidalgo o ikaw na anak sa labas ng ama ko. Hindi mo pa rin ba mapaniwalaan ang mga sinasabi ko ha. Gusto mong isampal ko sayo ang birth certificate ko at marriage certificate ng mama at papa ko. Oh di kaya naman why dont you go at the PSA office now and check for your fathers marriage certificate. See it for yourself para malaman mong totoo lahat ng sinasabi ko! Ang mama ko lang ang nag-iisang babaeng pinakasalan ng papa and that makes your mother a mistress and you as illigitimate.!" matapang na bwelta ni Cara kay Geraldine na biglang natameme pati ang mga kasama nitong bully na kaklase ay natameme din at ang iba pang mga nakasaksi ay hindi din makapaniwala sa kanilang narinig mula kay Cara. Dati kasi tuwing tatanungin nila ito kung anong relasyon nito kay Geraldine ang laging sagot nito ay magka apelyedo lang sila. Hindi sila makapaniwala na ito pala ang totoong Hidalgo. Ang legitimate child ng may-ari ng Mediatech na laging ipinagmamalaki at ipinangangalandakan ni Geraldine. Hindi pa rin makapaniwala si Geraldine sa mga narinig niya kaya galit na galit na sasampalin niya sanang muli si Cara pero agad nitong nahawakan at napigilan ang kamay niya bago pa man ito dumapo sa pisngi nito. " Once is enough Geraldine. I will never let you hurt me again. Never! " galit niyang wika dito sabay waksi ng kamay nito. Iniwan niya itong naghihisterikal pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang lumaban para ipagtanggol ang sarili. Panahon na rin siguro para malaman nito ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD