bc

THE HIDDEN WIFE OF THE BILLIONAIRE

book_age18+
1.4K
FOLLOW
18.9K
READ
drama
twisted
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa gipit sa pera at kapit sa patalim napilitan si Cara na sumali sa mail to order bride. Isa iyong online platform na kung saan pwede ka ng makapamili ng babaeng gusto mong mapangasawa. It is a dating site. An international agencies that provides men their ideal wife. Pwede ka ditong mag-order ng mapapangasawa. Nag-sign si Cara ng contract para sa membership kapalit ng fifty thousand pesos na kabayaran para sa pagpirma ng kontrata. Until one day kinontak siya ng isang nagngangalang Mr. Randy Moore from England. Kasalukuyan daw siyang nasa Pilipinas at naghahanap ng mapapangasawa para sa kanyang boss. Nakipagkita siya sa lalake at ganun nalang ang gulat niya ng alukin siya nito ng limang milyon kapalit ng pagpayag niyang maging asawa ni Mr. Calderon. Dahil sa kailangan niya ng pera para sa pang paopera ng nanay niyang may sakit sa puso ay pumayag siya sa offer nito. Isang marriage certificate ang pinapirmahan nito sa kanya. Ng mapirmahan niya ang kontrata ay sinabi nito sa kanya na married na siya at hindi na pwedeng makipagrelasyon sa iba. Kokontakin nalang daw siya nito kapag kailangan na siya ng kanyang asawa.

Weird man ang naging offer sa kanya ni Mr. Moore ay nakatulong naman ang perang ibinayad nito para mapagamot niya ang kanyang ina at maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Makalipas ang isang taon ay nakatanggap siya ng tawag kay Mr. Moore, nasa Pilipinas daw ang kanyang asawa at gusto siyang makita. Kinabahan si Cara dahil nung isang linggo lang ay hindi sinasadyang naisuko niya ang kanyang sarili sa isang estranghero. Nagtaksil siya sa kanyang di pa nakikilalang asawa. Ang virginity na inilaan niya para dito ay nakuha na ng iba. Paano niya ipapaliwanag dito ang nagawang kataksilan. Magustuhan pa kaya siya nito?

chap-preview
Free preview
THE OFFER
CHAPTER 1 Siya si Cara Hidalgo. Isa siyang working student. Estudyante sa umaga. Band singer naman sa gabi. Dahil inabandona na sila ng kanyang ama at sumakabilang pamilya na ay natutunan ni Cara ang mabuhay bilang isang independent. Sa murang edad ay natuto siyang magbanat ng buto. Mula sa maginhawang buhay ay naranasan niya ang hirap ng buhay. Ang makisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao sa lipunan. Ang mapalayas at magpalipat lipat ng tirahan dahil wala ng maibayad ng buwanang upa sa apartment na kanilang tinitirahan. Ang magtiis kung ano lang ang mayron sa hapag kainan dahil yun lang ang inabot ng pera na kailangan nilang ibudget para sumapat sa lahat ng gastusin sa loob ng isang buwan. Lahat ng hirap naranasan na ni Cara simula ng talikuran at ipagtabuyan silang mag-ina ng sarili niyang ama. Ang dating buo at masaya nilang pamilya ay biglang nawasak dahil sa pagtataksil ng kanyang ama. Ang tahanang itinuring niya dating palasyo na ang kanyang ama ang hari, ang kanyang ina ang reyna at siya ang nag-iisang prinsesa, sa isang iglap ay biglang gumuho. Ang daming problema ang kinakaharap niya sa ngayon. Hindi niya na alam kung hanggang saan at hanggang kailan niya kakayanin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay nilang mag-ina. Ngayon nga ay isang dagok nanaman ang kinakaharap niya. Nagkasakit ang kanyang ina at ilang buwan ng naka confine sa hospital. Patong patong na ang kanilang bayarin. At kanina lang ay tinapat na siya ng doktor. Kailangan na daw nitong maoperahan at maalis ang nakabara sa puso nito. Isang major operation daw ang kailangan ng kanyang ina at sixty percent lang ang chances na maging successful ang operation. Pero kahit na ilang percent lang ang chances. Susugal siya para sa ina. Pero bigla siyang nanlumo ng sabihin sa kanya ng doktor na aabot ng isang milyon ang maaaring magastos sa operasyon ng kanyang ina. Nanlulumo at nanghihinang napaupo si Cara. Mula sa chapel ng ospital ay tulala siyang nakatingin sa imahe ni Jesus Christ sa altar. Sobrang gulo ng isip niya ngayon. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya ng biglang sumagi sa isip niya ang ama. Gustuhin man niya o hindi pero wala na siyang ibang masusulingan pa, tanging ang ama niya lang ang maaari niyang matakbuhan at mahingan ng tulong. Lutang ang isip at tila wala sa sarili na naglakad siya palabas ng ospital. Pumara ng taxi at nagpahatid sa mansyon ng mga Hidalgo kahit gabi na. Hindi alintana kung ano man ang daratnan niya. Mula ng mapalayas sila ng kanyang ina sa mansyon six years ago ay ngayon nalang ulit siya makakatapak na muli dito kung sakali. Mula sa labas hanggang sa loob ng garahe ng mansyon ng Hidalgo ay nakaparada ang mga magagara at mamahaling sasakyan. Mukhang may malaking event na magaganap dito ngayon. Papasok na sana siya loob ng bigla siyang sitahin ng guard. " Miss may invitation card po ba kayo.? " tanong sa kanya ng guard habang pinipigilan siya sa pagpasok. Napatigil naman siya sa paghakbang at napatingin kay Manong Guard. Bago ang guard na nakabantay ngayon. Hindi na yong dati nilang guard na si Manong Greg. " Kuya let me in please... I need to talk to my dad" pakiusap niya dito. " Sorry po mam. Pero malinaw po ang instruction sa akin ni boss Art. No invitation, no entry. " patuloy na pagmamatigas ng guard sa kanya. Halos lahat ng mga bisitang dumarating ay isang mapanuri at mapangmatang mga tingin ang ipinupukol sa kanya. Hinintay muna ni Cara na makapasok lahat ng bagong dating na mga guest bago siya muling lumapit kay Manong Guard para maki usap. " Kuya Guard please let me in....I just need to talk to my dad. Please Kuya Guard. " pagsusumamo niya sa guard. " Miss hindi nga pwede. Ang mabuti pa umuwi ka na sa inyo at baka hinihintay ka na ng nanay mo. " malumanay na wika naman sa kanya ni Kuyang Guard. " Kuya please...I'm the only daughter of Arthuro Hidalgo. I am Cara Hidalgo. " muli niyang pakiusap sa guard. " bigla namang natigilan ang guard at napatitig sa kanya dahil sa sinasabi niya. Waring sinusuri kung may katotohanan nga ang kanyang sinasabi. Tila natigilan ang guard ng matitigan siya nitong mabuti. Naisip siguro nito na may katotohanan ang kanyang sinasabi. Dahil kung pakakatitigan siya ay kamukhang kamukha siya ng kanyang ama. Siya ang female version ng kanyang ama. " Miss alam mo gusto kong maniwala sayo kasi kamukha mo si Boss Art, pero imposibleng ikaw ang nag-iisang anak ni boss, dahil ngayong gabi ipagdiriwang ang ikalabing walong kaarawan ng anak na babae ni boss na si senyoreta Geraldine. Isang malaking party ang inihanda ni boss para sa kanya. " " Kuya please... kung hindi ka naniniwala..please call my dad and inform him that his daughter is here. Kuya please.. makikisabi kay daddy na nandito ako sa labas at kailangan ko lang talaga siyang makausap." " Okay! okay! cge dyan ka lang! tawagan ko muna si Boss Art. " tugon naman nito sa kanya. Na kinuha na ang cellphone sa bulsa ng kanyang uniporme at tinawagan ang kanyang ama . " Hello Boss, may isang teenager po dito na gusto pumasok. Kailangan daw po niya kayong makausap. Wala po siyang invitation card boss kaya po gaya po ng order nyu, hindi ko po siya pinapasok pero sabi po niya siya daw po ang nag-iisa ninyong anak na babae. Cara Hidalgo daw po ang kanyang pangalan " Biglang natigilan si Arthuro ng marinig ang pangalan ng anak. For six years simula ng tangayin ito ng kanyang dating asawa, ngayon lang nito naalalang hanapin siya. Umiral ang pusong ama ni Art bigla siyang nakaramdam ng pananabik para sa kanyang anak. " Okay! huwag mo siyang paalisin. I' ll see her lalabas ako. " utos niya sa guard. " Yes boss. Copy boss. Lalabas na daw si boss. Hintayin mo nalang daw siya dito." baling naman sa kanya ng guard. " Salamat po kuya guard! " tugon niya kay kuyang guard na kababakasan ng pagkaawa sa kanya. Hindi nagtagal ay nasilayan na ni Cara ang ama. Napakagwapo nito sa suot nitong black tuxedo. Kahit matanda na ang ama ay mababakas pa rin dito ang kagandahang lalaki nito. May pagka mestiso ang kanyang ama. Matangos ang ilong at alon alon ang buhok. Makapal na parang iginuhit ang kilay. Mamulamula pa rin ang mga labi nito na tila ba laging nag-aanyaya ng halik. Medyo nahahawig nito ang artistang si Eddie Gutierez. " Dad! " agad na namutawi sa kanyang mga labi. Sinalubong niya ng mahigpit na yakap ang kanyang ama, na ginantihan din naman nito ng mahigpit na yakap. Ngayon lang muling naramdaman ni Arthuro kung gaano niya namiss ang kanyang anak. " Dad! we need your help...dad mom is in the hospital she needs a heart operation as soon as possible but we need one million for the operation. Dad please help us. " umiiyak ng wika ni Cara sa ama na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Ng marinig ni Arthuro ang dahilan kung bakit siya naaalalang lapitan ng kanyang anak ay biglang sumama ang panlasa niya. Ang pananabik at kasiyahang nadama niya kanina ng mayakap niya ito ay biglang naglaho. Tila ba binuhusan siya ng malamig ma tubig ng mabanggit ni Cara ang ina nito. " So naalala mo lang pala ako na iyong ama para humingi lang ng tulong para sa iyong ina. " malamig na tugon niya sa anak na umalis na sa pagkakayakap sa kanya, habang titig na titig sa kanya na tila humihingi ng pang-unawa. " Dad kailangan po namin ni mommy ng tulong nyu. Dad for six years ngayon lang ako lumapit sa inyo. Dad please tulungan po ninyo akong ipagamot si mommy. " patuloy na pagsamo ni Cara sa ama. " Leave your mom and live with me and I'll help her para sa kanyang pagpapagamot. Iwan mo ang mommy mo at dito ka tumira sa akin kasama ng mga kapatid mo at tutulungan ko ang mommy mo sa kanyang pagpapagamot. I will give financial assistance for her medication pero hindi ka maaaring makipagkita sa kanya. I am your father. I can give you a good future na hindi kayang ibigay ng ina mo kaya sa poder ko ikaw dapat manatili. " madiing wika ng kanyang ama na ikinagulat niya at ikipinanlaki ng mga mata niya. " Dad sa sitwasyon ngayon ni mommy hindi ko siya kayang iwan. Daddy intindihin nyu naman po. Ako nalang po ang mayroon si mommy, kung pati ako mawawala sa kanya dad hindi po yun kakayanin ni mommy lalo na po sa sitwasyon niya ngayon. Sixty percent lang ang chances na maging successful ang operation niya dad, at gusto kong ibigay kay mommy ang chances na yon dahil naniniwala pa rin ako na gagaling siya, dahil lumalaban siya para sa akin. Daddy please...huwag nyu naman po akong papiliin. " naiiyak na pakiusap ni Cara sa ama. Gusto ni Arthuro maawa sa anak pero pinatigas niya ang puso niya para dito. Kailangan munang pumayag itong sa poder niya manatili. " No Cara! you are my daughter and believe it or not I care and love you as your father but I cannot accept that you keep on choosing your mother over me.! I am giving you a choice now. But you chose your mother. I'm sorry but I cannot help you. Wala na kami ng mommy mo. May bago na akong pamilya and if you consider me and my new family as your family then stay with us and leave your mother. " madiing wika ng kanyang ama na halata ang matinding galit. Umiiyak na napaluhod nalang si Cara sa harap ng ama. " Daddy bakit! bakit ganyan katigas ang puso nyu? " napahagulhol na tangis ni Cara na hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata na tila ba laging nangungusap. " You can only enter to our house if you chose to stay with me but if you insist on chosing your mother then you must leave right now bago pa kita ipagtabuyan at magkaron ng eksena ngayon. Debut ngayon ng kapatid mo kaya ayaw kong maeskandalo ang kaarawan niya. " patuloy na pagmamatigas ni Arthuro sa anak. Dahan dahang tumayo si Cara sa pagkakaluhod at punong puno ng panunumbat na tumingin sa ama. " I cannot forget this day dad! I'll go ahead now. My mom needs me. " malungkot at halos nanginginig ang mga tuhod na inihakbang ni Cara ang kanyang mga paa palayo sa lugar na yon. Pag talikod naman ng anak palayo ay tumulo ang mga luha ni Arthuro. Malungkot din siya at nasasaktan tulad ng kanyang anak na mas lalong nagpatindi sa galit na nararamdaman niya para sa dating asawa. Pinahid ni Arthuro ang kanyang mga luha at pumasok na ulit sa loob at nagpanggap na tila ba walang nangyari kanina. Lahat naman ng usapan sa pagitan ng mag-ama ay narinig ng guard at mas lalo siyang nakaramdam ng awa para kay Cara pero wala siyang magagawa kung sadyang matigas ang puso ng amo niya. Napapailing nalang siya at medyo naluha din sa awa sa dalaga. Wala siyang nagawa kundi tanawin nalang ito habang papalayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook