THE MYSTERIOUS MAN

1462 Words
CHAPTER 2 Umuwi si Cara sa kanilang apartment at pumasok sa trabaho na mugto ang mata. Agad pinansin ng ka banda niyang si Ashley ang pamumugto ng kanyang mga mata. Isa itong drummer sa kanilang banda. Marunong din itong magpiano at maggitara at siya naman ay natututo na rin sa mga itong tumogtog at gumamit ng mga instrumento sa musika. " Anong nangyari sayo girl bakit namamaga yata yang mga mata mo? umiyak kaba? " pag-uusisa sa kanya ng kaibigan at kabandang si Ashley. Tahimik namang napabuntong hininga si Cara sa tanong ng kaibigan at malungkot na sinagot ito. " Si mommy kasi kailangan niya ng maoperahan pero wala naman kaming pera para maoperahan siya. Lumapit ako sa daddy ko para humingi ng tulong pero tumanggi siyang magbigay ng tulong. Tutulungan niya lang daw ang mommy ko sa pagpapagamot kung iiwan ko ito at titira kasama ng bago niyang pamilya. Hindi ko naman pwedeng iwan nalang basta si mommy dahil baka yun pa ang maging dahilan ng maaga niyang kamatayan. " malungkot na pagkukuwento ni Cara sa kabandang si Ashley na itinuturing na rin niyang isa sa malalapit niyang kaibigan. " Naku problema nga yan girl. " malungkot ding tugon sa kanya ng kaibigan. " Kung may maitutulong lang sana ako sayo Cara kahit walang bayad tutulungan kita. Kaya lang friend alam mong gipit din ako diba. Pareho lang tayo ng kalagayan. Nagtatrabaho sa gabi para may pangkain at pangpaaral sa ating sarili. Pero alam mo ba friend may natuklasan akong agency na maaaring makatulong sayo. Agency for bride to order wife. Pag nag-apply ka sa agency nila babayaran ka agad nila ng 50, 000 at ihahanap ng mayamang foreigner na mapapangasawa. Iuupload nila sa kanilang online dating site ang photos mo, para pagpilian ng mga mayayamang members sa site na yun. Balita ko exclusive lang daw yong site na yun para sa mga mayayaman. Nag-apply nga dun ang pinsan ko at ngayon ay nasa Japan na at kasal na sa isang bilyonaryong hapon. Kaya lang nung yumaman itong pinsan ko nakalimutan na ang mga kamag-anak niya dito sa Pilipinas. Kung umasta di mo na mareach. Basta friend ha. Pag nakahanap ka ng Bilyonaryong mapapangasawa wag mo naman sana kaming kalimutang mga kabanda mo. " Biglang nakasilay ng pag-asa si Cara sa sinabi ng kaibigan. May ningning sa mata na nagtanong siya dito. " Saang lugar matatagpuan yang agency na yan Ashley baka naman pwede ako dyan. Kailangang kailangan ko lang talaga ng pera. Malaking bagay na sa akin yong 50k na ibabayad sa akin ng agency. Malaking bagay na yun para pandagdag sa mga gastusin ng mommy ko sa ospital. " intresadong tanong niya sa kaibigan. " Ui Cara tumigil ka nga! wag mong sabihing nagpapaniwala ka dyan kay Ashley! " pagtutol naman ng kabanda nilang si Tony boy isa ito sa kanilang mga guitarista " Epal ka talaga Tony boy! syempre naman totoo yun. Palagay mo sa akin mapanggawa ng kwento! " asar na reklamo naman ni Ashley sa guitaristang si Tony boy. " Eh kung totoo ngang may ganyang agency, eh bakit hindi ka nag-apply din dun! Mamaya at scam pala yan! mapahamak pa itong si Cara. Masyado agad kayong nagpapapaniwala sa mga ganyang bagay. " tila tatay na panenermon nito sa kanila. " Asus kung makapanermon ka naman Tony boy, kala mo tatay ka namin ah! eh sa agency naman talaga na yun nakuha nung pinsan ko yong bilyonaryo niyang asawa. And for your information Mr. Tony boy kaya po ako hindi nag-apply dyan sa agency na yan dahil wala naman sa bokabularyo ko ang mag-asawa ng foreigner na bilyonaryo! syempre pinoy pa rin ang gusto ko! pero since kailangang kailangan ng kaibigan natin ng malaking halaga para sa operasyon ng nanay niya. Why not try this opportunity diba. Since hindi naman natin siya kayang tulungan financially dahil pare-pareho naman tayong mga dukha eh binibigyan ko lang naman siya ng magandang option. Nasa kanya pa rin naman yun kung susubukan niya. Sa ganda nitong kaibigan natin kahit sampung bilyonaryo kaya nitong makabingwit! " patuloy na pagtataray ni Ashley kay Tony boy. " Bahala nga kayo! basta pinaalalahanan ko na kayo! " inis na pagsuko ni Tony Boy. " Tumigil na nga kayong dalawa dyan! basta para sa nanay ko handa kong gawin ang lahat. Kahit pa ang iskripisyo ko ang sarili kong kaligayahan." pag-aawat at saway ni Cara sa dalawa ni Ashley. " Mamaya ibibigay ko sayo yong calling card na ibinigay sa akin ng pinsan ko nakalagay dun ang exact address nung agency. But for now work work work muna tayo. Padami na ng padami ang mga parokyano " at nagsimula na ngang tumogtog ang grupo nila. Pumailanlang sa loob ng bar ang napakagandang boses ni Cara. Slow rock music ang tinutogtog nila at inaaawit na sinasabayan naman ng pag-indak ng mga naggagandahan at nagseseksihang mga dancers na tila ba nang-aakit ng mga kalalakihan na umiinom sa kanilang bar na pinagtatrabahuhan. Isang high class na bar ang kanilang pinagtatrabahuhan na matatagpuan sa Malate Manila. Kung saan maraming mga negosyante at mga foreigners ang pumapasok para magrelax at malibang. Sa isang sulok ng bar kung saan malayo sa karamihan, may isang gwapo at simpatikong lalake ang ang kanina pa titig na titig kay Cara habang kumakanta. Hindi niya alintana ang mga seksing dancer na halos lumuwa na ang hinaharap na sumasayaw bagkus sa astig na porma at astig na boses ni Cara lang nakatuon ang pansin niya. Maya maya lang ay may tinawagan ito sa cephone nito. " Boss I have found the girl you asked me to look for. I think she matched with the person you are looking for. Patuloy ko muna siyang susubaybayan then I will give you an update. Okay boss! got it! bye! " paalam na nito sa kausap na muling natuon ang pansin kay Cara. Alas dos na ng madaling araw ng makauwi si Cara sa apartment na inuupahan nila. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kaya hindi na niya nagawang dumaan sa ospital para bisitahin ang ina. Di bale wala naman siyang pasok sa eskwela bukas kaya babawi nalang siya sa ina bukas. Pagkalapat lapat palang ng kanyang likod sa kama ay nakatulog na agad si Cara. Sa sobrang himbing ng tulog niya ay hindi niya na namalayan na humihilik na pala siya. Dahil medyo napasarap ang tulog niya ay medyo tinanghali na ng gising si Cara. Agad niyang inihanda ang mga gamit ng ina na dadalhin sa ospital at nagluto ng pagkain na babaunin. Pagdating niya sa Ospital ay nag-uumpisa ng mag round ang doktor. Kinumusta niya ang kalagayan ng ina dito at katulad ng dati ay ganun pa rin ang naging kasagutan nito. Kailangan na ng mommy niya ang sumailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon. Pagkatapos ng check up ng ina ay pinakain na niya ito. Katulad ng araw araw niyang ginagawa ay niliguan niya muna ang ina bago ibinilin ito sa mag-asawang kasama nila sa ward. Mag-iisang buwan na rin ang mga ito dun sa ospital palitan silang mag-asawa sa pagbabantay sa anak ng mga itong may sakit din sa puso. Nakagaanan na niya ang mag-asawa at dama niya ang labis na paghihirap din ng mga ito dahil sa anak na may sakit. " Tay, Nay makikisuyo po ulit ako ha. Makikitingin tingin po ulit sana sa mommy ko. Kailangan ko lang po munang puntahan yong agency na inoffer sa akin ng kaibigan ko. Baka po sakaling makapag part time pa ako ng additional na trabaho sa agency nila. Pandagdag din po sa gastusin namin dito sa ospital. " pakiusap niya sa mag-asawa sabay baling sa 13 years old na anak ng mga ito na nakaratay sa hospital bed. " Hello Justin! Pagaling ka ha! laban lang ha! huwag kang susuko. Look at my mom she is also sick like you. But she keeps on fighting. Laban lang okay! be good to your nanay and tatay. What do you like pagbalik ko. Anong gusto mo pasalubong? " nakangiting tanong niya dito. " Kahit ano nalang po ate ganda basta po galing sa inyo tatanggapin ko. " nakangiti na ring sagot nito. " Okay! good boy! you're ate ganda is going now. Mom I have to go.." paalam niya sa ina. " Anak! magpahinga ka naman! baka mamaya niyan ikaw naman ang magkasakit! " nag-aalalang wika ng kanyang ina. " Mom you dont have to worry about me! bata pa ako! malakas pa ang resistensya ng anak mo. At isa pa, I am a fighter like you. Kaya fight fight lang tayo ha! " positibo niyang wika sa ina sabay yakap dito at halik sa pisngi nito. Lingid sa kaalaman ni Cara ay may mga matang nagmamasid at sumusunod sa kanya. Ito yong gwapong lalaki sa bar kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD