CHAPTER 3
Sa isa sa mga napakatayog na building sa Makati nakatayo si Cara. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng t***k ng puso niya. Bago makapasok sa building ay kinailangan niya pang mag-iwan ng ID kapalit ng visitors pass matapos tanungin ng gwardya kung saan siya pupunta.
Ng makakuha na ng visitors pass mula sa gwardya ay dumeretso na siya ng pasok sa loob. Hinintay ang pagbukas ng elevator. Wala pang masyadong tao kaya iilan palang ang nakasabay niya sa elevator na isa isang pumindot ng number ng floor na kanilang pupuntahan. Siya ang kahulihang pumindot. Pinindot niya ang 10 dahil sa 10th floor matatagpuan ang agency ng mail to order bride.
Dahil siya ang may pinakamataas na floor na pupuntahan kaya naiwan siyang mag-isa sa elevator. Ng muling bumukas ang elevator ay nasa 10th floor na siya. Habang papasok sa agency ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ni Cara. Nakakahiya man ang gagawin niya pero she had no choice. Sa gagawin niya parang ilalako na rin niya ang sarili niya. Once na iaprove siya ng agency wala na siyang pagkakaiba sa mga items na for sale on line. Sana naman ay mabait na mayaman ang kanyang masumpungan.
Ng tuluyang makapasok sa opisina ay bumungad sa kanya ang medyo may edad ng babae pero hindi pa rin kumukupas ang likas nitong ganda kahit maedad na.
" Good morning mam! Magalang niyang bati dito kasabay ng nakaplaster niyang ngiti. "
" Yes, Miss Good Morning! Magiliw at nakangiting bati din nito sa kanya. Are you one of the applicant? " tanong nito sa kanya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.
" Yes mam. I am here to apply for a mail to order bride. " agad naman niyang sagot dito.
Biglang nawala ang mga ngiti nito sa labi ng malamang mail to order bride ang kanyang inaaplayan.
" Are you serious? Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Do you really want to apply for a mail to order bride. With your beauty, you dont have to do that! anyway how old are you? " may pagtataka at panghihinayang na tanong nito sa kanya.
" Nineteen years old na po ako mam. "
"You're still too young. Does your parents know that you are going to apply here? " muli nitong tanong sa kanya.
" Hindi po. Nanay nalang po ang mayroon ako at may malubha po siyang karamdaman. Kailangan ko po ng pera pangpaopera para sa kanya kaya po ako nag-aaply. Nirekomend po ako nung pinsan nung dati nyu pong member dito na nakapag-asawa ng mayaman sa Japan. "
Napailing nalang ang babae sa kanya sabay tanong kung may dala na siyang mga requirements.
" Yes po. " Inilabas niya lahat ng dala niyang requirements at iniabot yun sa babae. Tiningnan naman ito ng babae isa-isa at saka muling ibinaling ang tingin sa kanya.
" Your resume is impressive. Anyway iha how are you related to the owner of Hidalgo's Mediatech Company? " tanong nito sa kanya.
I have no any relation to them mam and I don't even know who's the owner of that. Pagkakaila niya.
" Well kamukha mo kasi yong may-ari ng kompanya. Actually kaklase ng anak ko yong panganay niyang anak na si Geraldine. Pero mas kamukha mo si Art kaysa dun sa anak niya. Siguro kamag-anak nyu siya. " nakangiti nitong wika sa kanya.
" I don't think so mam. " patuloy na pagkakaila niya. Mas nadagdagan pa ang nadaramang inis ni Cara sa kanyang ama. Tuluyan na pala silang itinatwa ng kanyang ama at ang kabit at mga anak nalang nito ang kinikilala nitong pamilya.
" Okay iha since you came here prepared and determined with all your requirements. I will let you sign a contract and pay you fifty thousand pesos but before that. Go to that room first, have a photo shoot and VTR. In doing your VTR you should introduce yourself first and tell all your good qualities. Ok you may go now." pagtataboy na nito sa kanya sa VTR room.
Habang papalapit sa VTR room ay palakas naman ng palakas ang t***k ng puso ni Cara. Matinding kaba at pag-aalinlangan ang sumasalakay sa kanya. Gusto man niyang magbago ng pasya pero mas matimbang pa rin sa kanya ang kagustuhang maipagamot ang ina.
Bago pumasok sa VTR room ay kumatok muna siya.
" Come in! " narinig niyang wika ng nasa loob.
Dahan dahan niyang pinihit ang pinto at pumasok sa loob.
" Good morning po " kinakabahan niyang bati sa nasa loob.
" Good morning Miss beaitiful! " masigla namang ganting bati ng nadatnan niya sa loob. Sa klase at timbre ng pananalita nito ay isa itong bakla. Sayang gwapo pa naman! sa isip isip niya.
" So are you ready to shoot? Kailangan pa ba kita make upan? Hindi na siguro! maganda ka na mana kahit walang make up. Sagot nito sa tanong nito kasabay ang pagpilantik ng mga daliri.
Matapos siya nitong kuhaan ng litrato ay video naman kung saan ipinapakilala niya ang kanyang sarili ang kinuhanan nito.
" Very good! Girl sayo lang ako hindi nahirapan magtake. Masyado kang maganda kaya love ka ng cameras. "
" Good luck girl sana makatagpo ka ng forever rich sa aming site. " nakangiting wika nito sa kanya.
" We're done! you can go back to the HR and sign a contract. "
Pagbalik niya sa HR ay nakahanda na ang kontrata na pipirmahan niya. Pagkatapos pirmahan ang kontrata ay isang ATM ang iniabot nito sa kanya.
" Iha here is your ATM nandyan yong fifty thousands na payment syo ng agency for signing a contract. You can withdraw it anytime. "
"Thank you po mam." nakangiting wika niya pagkaabot sa ATM.
" You're welcome iha, sana makatulong yan sa pagpapagamot mo sa nanay. I wish you good luck! anyway make your phone always available cause we might call you if someone ordered you to be their bride. " nakangiti pang pahabol na wika nito sa kanya.
" Yes mam. I will. Thank you. " tugon naman niya sa mabait na ginang.
Pagkaalis alis ni Cara sa agency ay siya namang pasok ng misteryosong lalake na sumusubaybay sa kanya. Tila hinintay lang nito na makalabas siya bago pumasok sa agency.
" Yes Sir Good morning! How can I help you? " malambing na bati ni Daisy sa bagong dating na gwapong lalaki.
" I'm here to do business with your agency. " tugon naman nito sa baritonong tinig.
" Oh! have a seat sir. What kind of business is that sir? "intresadong tanong ni Daisy sa gwapong lalaki.
" Well I'm Mr. Randy Moore from England. And I'm working with one of the most prestigious company in England owned by Alexis Calderon one of the well known rich family in England. My boss is currently looking for a wife and I want the girl who just walk out here today. I want all the details about here. " mautoridad nitong wika.
" Sir if you like her you can visit our site and chose her. " paliwanag naman dito ni Daisy na agad namang pinutol nito.
" Look Miss as I said I'm here to do business. I am willing to pay any amount your company wish for. I just want you to not upload her on your site. If you had upload her profile on the site then you must delete it immidiately. Do you understand me.?" tila nag-uutos na wika nito kay Daisy na tila ba pag tumanggi sila sa anumang request nito ay kaya nitong ipasara ang agency nila.
" Yes Sir I understand! anyway sir I will take over you to our boss so you can propose to him your request sir. Ang boss na po namin ang bahalang magdecide about sa offer nyu po boss. "
" Okay then. I want to talk to him right now. "
" Yes Sir. Let's go to his office now Sir. " Agad na dinala ni Daisy ang kanilang client sa opisina ng boss niya. Kumatok muna siya.
" Come in" narinig niyang wika nito mula sa loob.
" Good morning sir! " agad niyang bati sa boss nila nakatutok ang atensyon sa binabasa nitong files.
" Yes Daisy what is it about " tanong nito na hindi pa rin nag-aangat ng tingin mula sa binabasa nito.
" Sir someone wants to talk to you about business. " agad naman niyang sagot dito. At saka palang ito nag-angat ng mukha. At tila nasorpresa ito ng makita kung sino ang kasama niya.
" Mr. Randy Moore! what a surprise! what brought you here? " tila hindi makapaniwalang wika nito ng makita kung sino ang kasama niya. So nagsasabi naman pala ng totoo ang lalaking ito. At nagkataong kakilala pala ng boss niya.
" Come in Mr. Moore. Have a seat. Okay Daisy you may leave now. " pagtataboy na nito sa kanya.
Hindi din makapaniwala si Randy na ang may-ari pala ng agency na ito ay walang iba kundi si Adam ang bestfriend ng boss niya.
" Long time no see Randy! so what brought you here ? Asan si Alexis? " agad na tanong nito.
" Ako lang ang nandito Adam. May ipinaaasikaso lang sa akin si Alexis kaya ako nandito ngayon. "
" Ganun ba so anong business naman ang ipopropose mo sa akin? "
" Its about dun sa girl na nag-apply ngayon dito sa agency nyu. Kung maaari sana eh wag na ninyong iupload sa site ang profile niya. Ito kasing si Alexis naghahanap ng contract bride and I think that girl match all the qualifications that Alexis is looking for." tila nagkukwento lang na wika ni Randy.
" Yun lang ba! considered it done. What our friends are for. " agad na tinawagan ni Adam si Daisy para ipadelete agad sa mga IT nila ang profile at VTR ni Cara.
" Its done bro. You can get to Daisy the resume of that girl you are talking about and then ikaw na ang bahalang komontak sa kanya. " muli nitong baling sa kanya.
" Thanks bro. " tugon naman ni Randy sa kaibigan nila ni Alexis.
" Anyway bro. How can I repay you? Magkano ba ang babayaran ko para sa pabor na hiningi ko.? " seryosong tanong ni Randy sa kaibigan.
" Its nothing Randy. You dont have to pay anything. Ang mahalaga nakatulong ako sa problema ni Alexis. Bakit ba naman kasi hindi pa mag-asawa ng totohanan!" naiiling na sambit ni Adam ng maalala ang kaibigang si Alexis.
" Anyway if you have time let's have a drink tonight. Hanggang kailan ka ba dito? " tanong ni Adam sa kanya.
" Hindi ko pa alam kung hanggang kailan, pero pag nagawa ko na ang pinapagawa ni Alexis babalik na rin ako agad sa England. "
" Well good luck nalang sayo bro. " natatawang tudyo sa kanya ni Adam.
Pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan ay nagpaalam na rin si Randy kay Adam.
Pagkagaling ni Cara sa Agency ay agad siyang dumerecho sa ATM machine at winidraw ang fifty thousand na laman nito. Pagkawidraw ng pera ay binilihan niya ng pasalubong ang mama niya at ang batang si Justin.
Pero ganun nalang ang panlulumo ni Cara ng pagdating niya sa ward ng kanyang mama ay nagkakagulo ang mga nurse. Muli nanaman palang inatake ang mama niya. Nanghihinang napahikbi nalang si Cara. Awang awa sa kalagayan ng ina. Agad na lumapit sa kanya ang mama ni Justin upang pagaanin ang sakit na nararamdaman niya.
" Anak tahan na! huwag kang mag-alala may awa ang diyos manalig lang tayo sa kanya. " pag-aalo nito sa kanya
" Napapagod na po akong magmakaawa sa kanya nay! minsan hindi ko po maiwadang tanungin ang sarili ko kung totoo po bang may Diyos kasi ilang ulit na akong naamakaawa sa kanya na pagalingin niyang mama ko pero hanggang ngayon di pa rin po niya ako pinapakinggan! " umiiyak na paglalabas ng damdamin na wika ni Cara.
" Anak huwag mong sabihin yan. Totoong may Diyos. Huwag kang mawalan ng pananampalataya sa kanya. Maaaring may dahilan siya kung bakit hindi pa niya dinidinig ang mga panalangin mo. Manalig ka sa kanya anak at huwag kang mawalan ng pag-asa." patuloy na pangaral sa kanya ng mama ni Justin.