CHAPTER FOUR
Muling nakausap ni Cara ang doktor ng ina at tinapat na siya nito na kailangan na ng agarang operasyon ng kanyang ina.
" Dok Leila please do everything to save my mother. Dok please...my mom is all I have. I can't afford to lose her. "
" I promise to do everything iha. I will do everything I can to save your mother. But you need to prepare yourself not only with the expenses but mostly with the result of the operation. We cannot assure you that the operation will be successful but then we will do everything we can to save her "
Sa pangalawang pagkakataon ay muling sumubok na lumapit si Cara sa ama. Muli siyang bumalik sa mansyon ng mga Hidalgo. Agad naman siyang nakilala ng guard at itinawag agad sa kanyang ama.
" Mam sorry pero nakaalis na po pala ang daddy nyu. Pero nasa loob ang misis niya at ang pamilya niya. Pinapapasok po kayo ni Mam Gema sa loob. Gusto din daw po niya kayong makilala at makausap. Kung ano man daw po ang kailangan ninyo sa kanyang asawa ay maaaro nyu daw pong sabihin sa kanya. Sige na po mam derecho na po kayo sa loob. " pagtataboy na sa kanya ng gwardya.
Hindi ni Cara alam kung anong mararamdaman niya sa paghaharap nila ng pangalawang pamilya ng ama niya. Pero hoping pa rin siya na matutulungan siya ng mga ito na kumbinsihin ang kanyang ama na tulungan ang mommy niya sa operasyon nito.
Ng makapasok sa mansyon ay napansin ni Cara ang malaking pagbabago sa loob nito. Mukhang ipinarenovate na ito ng ama ayon sa taste ng bago nitong pamilya.
Nadatnan niyang naghihintay sa kanya ang bagong asawa ng kanyang ama sa living room. Pinagmasdan niya itong mabuti. Simple lang naman ang ganda nito. Compare to her mom di hamak na mas maganda naman ang mommy niya dito. Mukha lang itong sopistikada dahil sa make up at pananamit nito.
" Good morning po. " magalang niyang bati dito.
" Good morning! " ganting bati naman nito sa kanya na tila pilit ang ngiti sa mga labi.
" Have a seat." muli nitong baling sa kanya.
" Hinahanap mo daw ang papa mo. Well sorry iha pero I dont think na mahaharap ka niya ngayon. Masyado siyang busy sa kompanya at halos sa opisina na niya siya tumitira. But anyway maaari mo namang sabihin sa akin ang ano mang pakay mo sa kanya at ako ng bahala na magsabi sa kanya. " malumanay nitong wika sa kanya.
Hindi na nagpaligoyligoy si Cara at sinabi sa kaharap ang kanyang totoong pakay.
" Hihingi po sana ako ng tulong kay daddy. Nasa ospital po kasi ang mommy ko at kanina lang po inatake nanaman siya. She needs to undergo a heart operation as soon as possible for her to survive. Hinhingi po sana ako ng financial help kay daddy. " naluluha ng pag oopen up ni Cara sa kaharap. Napansin niya agad ang biglang pagbabago ng hitsura nito ng mabanggit niya ang kanyang mama.
" I'm sorry to hear that iha. Sorry for your mother. And sorry to tell you this, I dont think your dad can help you financially. To tell you the truth we are facing now with so many problems in the company and your dad's company is currently facing bankcruptcy kaya most of the time nasa ipisina lang niya siya, trying to do his best para maisalba ang kompanya. But don't worry I'll tell him about your mom. "
" Mom! mom! mom! " narinig niyang malambing na tawag ng isang babae na tila naghahanap sa kanyang ina.
Maya maya lang ay nakita niya ang isang magandang teen ager na naka school uniform at isang batang lalaki na naka uniform din. Nabaling ang paningin ng dalawa sa kanya.
" Mom who is she? " maarteng tanong ng magandang teen ager. Kundi siya nagkakamali ay ito si Geraldine ang panganay na anak ng papa niya sa asawa nito ngayon.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsimangot at pagtaas nito ng kilay.
" Mom who is she and what is she doing here? "
Hindi agad nakasagot si Gema sa tanong ng anak. Hindi kasi alam ng mga ito ang tungkol sa unang anak ng daddy ng mga ito sa una nitong asawa.
" Anak siya ng friend ng daddy mo iha. May sakit ang mama niya kaya naparito siya para humingi ng tuloy sa papa nyu. Anyway bilisan nyu na at baka malate na kayo sa school. Pagtataboy na niya sa mga ito.
" Bye mom! bye miss ganda! " nakangiting paalam sa kanya ng batang lalaki na malaki ang pagkakahawig sa kanyang ama.
" Close kayo!? " nakataas ang kilay na sita ni Geraldine sa kapatid.
" Ikaw talaga ate! napakaselosa mo. Palibhasa gusto mo ikaw lang ang nasasabihan ng maganda! " narinig niyang reklamo nito sa kapatid.
" Whatever! lets go! Mom we'll go
ahead. " paalam nito sa ina na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
" Okay! bye! ingat kayo. Umuwi agad kayo after class. " paalala nito sa mga anak. Ng makaalis ang mga anak nito ay muling bumaling ang tingin nito sa kanya .
" Iha I'm so sorry kung hindi ko nasabi sa kanila ang totoo tungkol sayo. Hindi kasi nila alam na may kapatid sila sa ama. I hope you understand.! " hinging paumanhin nito sa kanya ngunit hindi niya makita ang sinseridad sa paumanhin nito.
" Its okay po! no worries! " magalang na tugon niya dito.
Nakaramdam ng inggit si Cara para sa mga anak ng dad niya sa bago nitong pamilya. Buti pa sila lumaki na may buo at kompletong pamilya pero siya tuluyan ng kinalimutan ng ama. Pero ganun pa man hindi niya ipagpapalit ang pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang ina sa kanya.
" Iha sandali lang ha may kukunin lang ako sa kwarto ko. Hintayin mo ako dito okay " paalam nito sa kanya. Pagbalik nito ay may dala na itong sobre.
" Iha, pasensya ka na pero ito lang ang maiaabot kong tulong para sa mama mo. Pagpasensyahan mo na sana ito, alam kong hindi yan sapat para sa operasyon ng mama mo, pero kahit paano eh makakatulong yan pambili ng ibang gamot ng mama mo at pamasahe mo pabalik sa ospital. " mahabang paliwanag nito sa kanya.
" Salamat po. Pakisabi nalang po kay daddy na pumunta po ako dito. " paalam na niya dito.
" Okay iha! Dont worry sasabihin ko sa daddy mo ang pagbisita mo. " tila napakabait na wika nito sa kanya. Pero para kay Cara pakitang tao lang ang ipinakikitang kabaitan nito sa kanya. Dahil kung talagang mabuting tao ito hindi ito papatol sa ama niya at maninira ng pamilya.
Hindi ni Cara tinanggihan ang sobreng ibinigay ng kabet ng papa niya dahil talagang kailangan nila ng mama niya ng pera para sa operasyon nito. Tiningnan ni Cara at binilang ang laman ng sobreng ibinigay ng step mother niya. Ganun na lang ang pagkadismaya niya ng malamang sasampung libo lang ang laman nito. Ano yun limos. Sa laki ng kompanya ng daddy niya alam niyang barya lang ang ibinigay ng kanyang madrasta.
Napagtanto ni Cara na wala talaga siyang aasahan sa daddy niya.
Bago bumalik ng Ospital ay umuwi muna siya sa apartment na inuupahan nila para kumuha ng mga gamit nila ng mama niya, pero ganun nalang ang pagkadismaya niya ng hindi na niya mabuksan ang pinto ng apartment. Tama naman ang susing dala niya dahil wala naman siyang ibang susi. Agad siyang tumungo sa unang palapag kung saan naroon ang unit na tinitirahan ng may-ari.
" Aling Maria bakit po hindi ko na mabuksan ang pinto ng unit namin nakalock po. " agad niyang komsulta sa may-ari.
" Naku pasensya kana Cara, tatlong buwan na kayong walang bayad sa renta kaya pinarentahan ko na yun sa iba. Hindi mo na yun mabubuksan dahil pinapalitan ko na ng door knob. Bukas ay darating na ang bagong uupa dun." tila nawalan ng lakas si Cara ng marinig ang sinabi ng land lady nila.
" Ho! bakit naman po ngayon pa! " naiiyak ng wika ni Cara.
" Aba naman Cara at kailan pa! tatlong buwan ko na kayong pinagbigyan dahil naaaawa nga ako sayo! pero sana naman iha maunawaan mo din na ang upa lang sa apartment ang inaaasahan at ikinabubuhay namin. " reklamo naman sa kanya ni Aling Maria.
Sa totoo lang naiintindihan din naman talaga niya si aling Maria eh. Ang hindi lang niya maintindihan eh kung bakit kailangang mangyari sa buhay nila ng mama niya ang nangyayari sa kanila ngayon.
" Eh aling Maria paano po yong mga gamit namin? " nanghihina at malumanay niyang tanong sa may-ari. ayaw na niyang makipagtalo at makipagdiskusyon dito.
" Nailabas ko na lahat ng mga gamit ninyo sa loob. Nandoon na sa bodega sa likod lahat ng gamit nyu. Maari mo na yong hakutin anumang oras kapag may nakuha ka ng bagong malilipatan. Pasensya ka na talaga Cara pero kailangan din namin ngayon ng pera. "
Hinging paumanhin nito sa kanya.
" Naiintindihan ko naman po kayo Aling Maria. Lahat naman po tayo may kanya kanyang pangangailangan. " malungkot na tugon ni Cara dito.
" Mabuti naman kung ganun Cara. Huwag ka sanang magtanim ng sama ng loob sa akin. Kung gusto mo dito ka muna makitulog sa amin
pansamantala. " pagmamagandang loob naman nito sa kanya.
" Salamat nalang po. Sa Ospital nalang po siguro ako pansamantalang tutuloy. Kukuha lang po ako ng ilang gamit namin ng mama ko at babalik nalang po ako kapag nakakuha na ako ng baho naming malilipatan. " tugon niya kay Aling Maria.
" Ai siya ikaw ang bahala. Bukas naman ang bodega sa likod. Ikaw na ang bahalang kumuha ng mga gamit nyu dun. Kumusta naman ang mama mo iha? " tanong nito sa kanya.
" Hindi po okay aling Maria. Inatake nanaman po siya kanina at kailangan ng maoperahan sa lalong madaling panahon. Siyanga po pala ito po yong paunang bayad para po sa utang namin sa upa. Medyo malaki pa po kulang niyan pero huwag po kayong mag-alala dahil magbabayad po ako once na magkapera po ako. " iniaabot niya kay aling Maria ang sobre na ibinigay sa kanya ng kanyang madrasta na may sampung libong laman pero hindi nito yun tinanggap.
" Naku dyan mo ma yan sayo iha. Idagdag mo nalang sa gastusin ninyo sa ospital. Huwag mo ng bayaran yung utang ninyong tatlong buwan sa upa. Yun na ang pinakang tulong ko sa inyo. " Natouch naman si Cara sa sinabi ni Aling Maria. Kahit papano naman ay may mabuting puso pa rin ito.
" Maraming salamat po Aling Maria. Pasensya na po talaga kayo." muli niyang hinging paumanhin sa ginang.
Matapos makipag-usap kay aling Maria ay agad nagtungo si Cara sa bodega para kumuha ng ilang gamit pamalit nila ng kanyang ina. Pagkakuha ng mga gamit ay bumalik na siyang muli sa ospital.
Hindi pa rin nagkakamalay ang kanyang ina at nadagdagan pa ang tubo na nakakabit dito.
Gusto nanamang maiyak ni Cara pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging matatag para sa nanay niya na alam niyang patuloy ding lumalaban kahit hirap na hirap na para sa kanya.
Samantala mula sa pagsubaybay at pag-iimbestiga sa katauhan ni Cara ay nakadama ng paghanga dito si Randy. Minsan lang siya humanga sa isang babae at tunay na bilib siya sa tibay at lakas ng dibdib ng dalaga. Napag-alaman niyang napalayas na ito sa kanilang tinitirahang apartment at kailangan ng malaking pera para sa operasyon ng ina nito. Kaya perfect timing ang gagawin niyang offer dito. Siguradong hindi siya nito matatanggihan. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at agad idinayal ang numero nito.
Mula naman sa malalim na pag-iisip ay tila nahimasmasan si Cara ng tumunog ang cellphone niya.
Hindi nakaphonebook sa kanya ang numero kaya nagtaka siya kung sino ito pero sinagot din naman niya ito dahil baka tawag ito mula sa agency.
" Hello magandang araw po. Sino po ito" bati at tanong niya sa nasa kabilang linya.
" Hello is this Cara Hidalgo? " tugon ng baritonong boses sa kanya.
"Yes po. Sino po ito? ano pong kailangan nyu? " sagot naman ni Cara dito.
" This is Randy Moore from England. I got your profile at Love on line agency and I have a proposal to you. When are you available? Are you available tomorrow morning? "
Natigilan si Cara at hindi makapaniwala na agad na may tatawag sa kanya mula sa Love on line agency. Ito na ba ang kasagutan sa mga problema niya. Kinakabahan man ay biglang nabuhayan at nakatanaw ng pag-asa si Cara.
" Yes sir I am available to meet you tomorrow morning. "
"Okay then. I'll pick you up tomorrow morning outside the hospital that you were in now. I' ll text you or call you once I get there to pick you up. " pagtatapos nito sa pakikipag-usap sa kanya.
" Okay Sir. I'll wait for you tomorrow morning. Thank you. " kinakabahang tugon ni Cara.